Chapter 3

518 54 2
                                    

Nandito na kami sa bahay nila Alex. Hinihintay na lang namin bumukas yung gate nila. "Saan ka matutulog ngayong gabi?" tanong sa akin ni Alex habang naghihintay.

"Hindi ko sure eh. It depends kung gaano tayo katagal mag-sstay for dinner. If ever na magtatagal tayo baka sumama na muna ako sa parents ko sa bahay pero kung mabilis lang baka bumalik ako sa condo."

"Sa akin ka na sumabay. Uuwi naman ako sa condo ko," sabi niya.

"Okay sige," sagot ko naman sa kanya. Magkapitbahay din kami ni Alex. Magkatabi lang kasi yung mga unit namin.

Bumukas na yung gate at bumungad sa amin ang kabuuan ng tirahan nila Alex. Malaki ito at sa unang tingin pa lang alam mong may kaya ang nakatira dito. Isipin niyo na lang yung mga bahay ng mayayaman na pinapalabas sa tv, ganon din yung vibe ng bahay nila.

Agad namang nagpark si Alex at sabay kaming lumabas ng kotse. Pagdating namin sa pinto ay sinalubong kami ni Nanay Sonya, ang mayor doma.

"Anika! Alex! Mabuti naman at nakarating kayo!" masaya nitong sambit bago niya kami niyakap ng mahigpit.

"Hello po Nanay!" sagot ko dito habang mainit na tinanggap ang yakap nito. "Namiss po kita!"

"Namiss din kitang bata ka. Ikaw napakatagal na nung huli kang bumisita dito. Nakakatampo ka," sabi ni Nanay na animo ay batang nagtatampo.

Sasagot na sana ako ng may biglang tumikhim. Pareho kaming napatingin ni Nanay sa pinanggalingan nito.

"Nay nakakatampo ka ah. Ako yung alaga niyo tapos mas una niyo pang binati si Anika. Nakakatampo ka Nay," sabi ni Alex na parang batang inagawan ng candy.

Natawa naman si Nanay dahil don,"Naku ikaw talaga Alex. Gaya ka pa rin ng dati, napakabilis magtampo. Halika nga dito," sabi ni Nanay bago niya ito niyakap ng mahigpit.

Matapos naming magkamustahan ay pinapunta na niya kami sa dining room. Nandoon na daw kasi ang mga parents namin.

Pagkadating namin sa dining ay agad kaming binati ni Tita. "Oh nandiyan na pala kayo!" Masaya niyang bati. "Maupo na kayo para makakain na tayo. Gutom na ko eh."

Nagtungo na kami sa table at umupo na kami. Nasa head ng table si Tito Rob, sa left niya si Tita and sa right si Dad. Umupo si Alex sa tabi ng mama niya while ako naman sa tabi ni mama na katabi ni Dad. Niyakap ko muna sila Mama and Dad bago ako umupo.

"Okay!" excited na sabi ni Tita, "Now that we are complete we can eat na!"

Nagtawanan naman kami at nagsimula ng kumain. Napadami nga yung kain ko kasi halos favorite ko at ni Alex ang nakahain. May kare-kare, fish fillet, lengua and many more tapos yung dessert tiramisu.

"Alex, kamusta naman ang work?" tanong ni Dad.

"Ayos naman Tito, nakapag adjust na po ako," sagot naman ni Alex.

Nakalimutan kong sabihin na yung company kung saan kami nagtatrabaho ni Alex ay yung company na itinayo ng Lolo niya sa Mother's side. Napagdesisyunan kasi nito na magretire ng maaga matapos nitong atakihin sa puso noong isang taon. And since kay Alex niya naman balak ipamana yon, hinayaan na nilang si Alex ang mag manage.

"Mabuti naman kung ganon," sabi naman ni Dad. "Itong si Anika kamusta naman? Hindi ka ba niya inaaway? Maayos naman ba siyang mag trabaho?"

"Ay grabe ka Dad, may paganon?" sabi ko naman. "Ang bait-bait ko kaya. Diba Alessandro?"

Oo nga pala, Alex is 5 years older than me kaya mas nauna siyang mag work. Sa kabuuan 5 years na siyang nagtatrabaho. 4 years dun sa company ng parents niya and 1 year sa company kung saan kami nag wowork ngayon. Ako naman kakagraduate ko lang last year and this is my first year of working. Pinili kong magtrabaho sa company ni Alex as his secretary para makakuha ako ng work experience. Ayaw ko sa company ng parents and grandparents ko kasi for sure, may special treatment. Gusto ko kasing maranasan talagang mag work na parang normal na tao lang para malaman ko kung gaano kahirap. Kailangan ko yun for me to be able to understand the employees kapag ako na ang magmamanage ng company ng grandparents ko.

Inirapan lang ako ni Alex bago nagsalita. "Wala naman pong problem sa work si Anika. In fact, she is very good po. Hindi po ako masyadong nahirapan kasi po siya yung secretary ko."

Napangiti naman si Dad dahil don.

"Sabi ko sayo Dad eh. Ang galing ko kaya. Mana ako sayo eh." nakangiti kong sabi sa aking ama.

Natawa naman silang lahat dahil sa ginawa ko. Grabe namiss ko din to. Ang tagal na din naming hindi nakakapag usap ng ganito.

"So Anika, may nanliligaw ba sayo don?" pag-iiba ni Tita Shay sa usapan habang naka ngisi.

"Oo nga baby, mayroon na ba?" excited na tanong ni Mama.

Bigla naman akong nabulunan dahil kakatapos ko lang sumubo ng tanungin nila ako. Mabuti na lang at nabigyan agad ako ni mama ng tubig.

"Ayan kasi, kung anu-ano yung tinatanong niyo kay Anika, " sabi ni Tito Rob habang nagpipigil ng tawa.

Nang mahimasmasan na ako ay agad kong tiningnan sila Mama at Tita.

"Ma! Tita!" Bakit naman ganyan yung mga tanong niyo?" sabi ko sa kanila.

"Bakit? May masama ba sa tanong namin? Wala naman diba? Besides nasa tamang edad ka na," sagot ni Mama.

"Wala naman akong sinabi na may mali pero kailangan bang itanong yon? Besides wala pa sa isip ko yang mga ganyang bagay," mahinahon kong sagot sa kanila.

Ngumuso naman yung mama ko dahil sa sagot ko. "Bakit naman kasi ganon? You're 22 years old na, tapos graduate ka naman na sa college. Gusto ko na ma-experience yung humihingi ka ng love advice sa akin."

Hindi ko alam yung isasagot ko kaya tumingin ako Kay Dad and mouthed SOS

"Pabayaan mo na siya 'my bata pa naman si Annie. Hayaan mo munang ma enjoy yung buhay," sabi naman ni Dad.

"Hmp! Ewan ko sa inyong mag-ama. Bahala kayo," may halong pagtatampong sinabi ni mama.

Susubo na sana ulit ako ng pagkain ng mahagip ng mga mata ko si Alex. Aba't ang mokong halatang tuwang- tuwa sa nangyayari. Naramdaman ata niya na may nakatingin sa kanya kaya napatingin din ito sa akin. Nginisian niya lang ako. Halatang nang-iinis. Akmang sisipain ko siya ng may naisip akong gawin.

Umayos ako ng upo at tinignan siya ng nakakaloko. Agad nagbago yung expression niya nung nakita niya ako, narealize na niya ata yung balak kong gawin. Tinignan niya ako na parang nagmamakaawa habang umiiling.

Tinignan ko lang siya habang nakangiti ng mapang-inis. Akala mo ligtas ka na? Hindi pwedeng ako lang ang ma-hot seat dito.

Tumikhim ako at lahat sila napatingin sa akin. Si Alex akala mo papatay na ng tao kung makatingin. "Ok ka lang Anika?" tanong ni Tita sa akin.

"Okay lang po Tita. Si Alex po Tita hindi niyo tatanungin kung may girlfriend na?" pagkasabi ko non ay agad naman silang tumingin kay Alex.

Tinignan ko si Alex, siguro kung nakamamatay ang tingin, nakahandusay na ako sa sahig. Nginitian ko lang siya bago kindatan. Paano ba yan Alessandro, it's your time to shine.

My Everything (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz