Chapter 40

202 28 1
                                    

" I will buy you pasalubong na lang, ok? Huwag ka ng sad," narinig kong sinabi ni Alex bago siya bumalik sa office niya habang ako naman nanatiling nakatayo at nakatulala.

What just happened? Did he just kiss me? ON THE LIPS?!

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kakagaling ko lang sa pagtakbo. Hindi ko alam na possible palang tumibok ng ganito kabilis ang puso ng isang tao.

Wala sa sarili kong hinawakan yung labi ko at napangiti na parang baliw.

Yung first kiss ko...

SI ALEX YUNG FIRST KISS KO!

I whisper shouted and started to jump up and down.

Para akong bata na nabigyan ng magandang regalo sa pasko.

I'm so happy! Kinikilig ako!

***

Uwian na ngayon. Inaayos ko lang ang mga gamit ko tapos non ay uuwi na ako.

Kanina pa umalis si Alex papunta sa meeting nila ni Dad.

I wonder what they will talk about? Akala ko kasi tapos na yung case. Nagkaproblema kaya? I hope not.

Pagkatapos kong magligpit ay bumaba na ako at pumunta sa parking lot ng building.

"Hi kuya!" bati ko sa driver/ bodyguard ko.

Nginitian naman niya ako bago ako pinagbuksan ng pinto. "Hello po, Ma'am Anika," bati rin niya sa akin.

"How was your day? Hindi ka naman ba naiinip dito?" sunod-sunod kong tanong sa kanya pagkapasok niya sa kotse.

Natawa naman sa akin si kuya bago siya sumagot. "Ok lang naman po ang araw ko Ma'am," sagot nito sa akin. "Huwag niyo na pong alalahanin yun."

"Ok po," sabi ko naman. "Oo nga pala kuya, pwede po ba tayo dumaan sa resto ng kaibigan ko? Bibili na lang po ako ng dinner. Tinatamad kasi akong magluto."

"Sige po, Ma'am."

Habang nagbibiyahe kami ay tumawag si Alex. Agad ko naman itong sinagot.

"Yes?" sabi ko.

"I just want to check on you," sabi niya sa kabilang linya.

Napangiti naman ako dahil doon. Ang sweet naman niya.

"Wow, naman!" sabi ko sa kanya. "Ang sweet mo naman, Alessandro."

Nanatili lang tahimik ang kabilang linya. Na-imagine ko tuloy ang itsura ni Alex ngayon. I am sure napikon na naman siya sa akin.

"Pauwi na ako," sabi ko na lang. "Dadaan lang ako sandali sa resto ni Trisha para bumili ng dinner. I am too lazy to cook."

I heard him chuckle. "Okay," sabi niya. "Basta umuwi ka na agad pagkatapos."

I rolled my eyes because of that. Nakasumpong na naman ang pagiging overprotective niya.

"Yes po, Sir. Uuwi po ako agad pagkatapos ko doon," sabi ko.

"Good," sagot naman niya. "I will end the call na. Bye."

"Bye bye, Alessandro! I love you!" sabi ko sa kanya tapos i-end ko na agad yung call.

***

Pagdating ko sa resto ni Trisha ay nag-order agad ako.

"So, kamusta ka naman?" tanong niya sa akin pagka-upo namin.

Natawa naman ako. "Parang hindi nagkita kanina ah?" sabi ko na ikinatawa din niya.

Nagkuwentuhan lang kami habang hinihintay ang order ko.

Tawa kami ng tawa kahit nga si Kuya bodyguard natatawa din sa amin eh.

We waited for about 15 minutes tapos dumating na ang order ko.

"Sige girl balik na ako sa office ko," sabi sa akin ni Trisha.

"Sige. Bye bye!"

We gave each other a hug tapos ay pumunta na nga siya sa office niya.

"Kuya, wait lang po. Mag-cr lang po ako sandali," sabi ko kay Kuya.

"Sige lang po, Ma'am."

After I did my business ay tumawag si Alex. Wow naman! Ang dalas ng tawag niya ha.

"Hello?" sagot ko sa tawag niya. I put my phone on loudspeaker dahil naghuhugas ako ng kamay.

"Anika nasaan ka?" he said with urgency. Napakunot naman ang noo ko. Napano siya?

"Nasa resto ni Trisha. Diba sinabi ko naman sayo na bibili ako ng dinner dito?" may pagtataka kong tanong.

"Kasama mo ang bodyguard mo?"

"Nasa cr ako pero nasa labas naman si kuya," sabi ko habang tinutuyo ko ang mga kamay ko.

"Lumabas ka na diyan billisan mo. Umuwi na kayo. Pauwi na rin ako," sabi niya parang natataranta.

"May problema ba Alex?" kinakabahan kong tanong.

"Just get out of there, Anika!"

Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay nagmadali na akong lumabas. Paglingon ko ay may nakabanggaan akong babae dahil sa sobrang pagmamadali.

"Sorry," sabi ko na lang at nagtuloy-tuloy na.

Palabas na sana ako ng pinto ng may naramdaman akong sakit sa may tagiliran ko. Napahawak ako dito dahil sa sobrang sakit.

I checked to see what is wrong at nagulat ako sa nakita ko.

My hand and my clothes are filled with blood.

Tila nawalan ako ng lakas at bumagsak ako sa sahig ng restroom. Nabitawan ko tuloy yung phone na hawak ko.

"Sinabi ko naman na layuan mo si Alex diba?" napatingin ako dun sa nagsalita.

It was the woman that I bumped into earlier.

She is smiling manacingly while holding a bloodied knife.

"Hello Anika? Naririnig mo ba ako? Ok ka lang ba?"

Narinig ko ang boses ni Alex sa phone. Pilit ko yung inabot pero sinipa ito palayo nung babae.

Lumapit ito sa akin at sinuntok ang sugat ko habang nakasabunot sa akin.

Napasigaw ako dahil sa sakit.

"Bagay lang yan sayo. Hindi ka kasi marunong makinig," sabi niya bago siya lumabas.

Naririnig ko pa rin si Alex pero wala na akong lakas para sumagot.

Sobrang nanghihina na ako.

Hanggang dito na lang ba ako ?

Sayang naman ni hindi ko man lang nasabi sa kanya.

I started to cough out blood.

Nagdidilim na rin ang paningin ko.

Mukhang ito na talaga.

Naririnig kong may tumatawag sa akin pero hindi ko alam kung sino.

Pagod na ako.

Gusto ko ng magpahinga.

I just said a short prayer at hinayaan ko ng lamunin ako ng dilim.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now