Chapter 28

193 34 1
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Uupo na sana ako para i-off yun pero napahiga ako ulit dahil nahila ako pababa ng nakadagan sa waist ko.

Nakita kong braso pala ni Alex yung nakadagan sa akin. "Alex," I said, trying to wake him up.

"Hmmmm?"

"Wake up. May pasok tayo," sabi ko sa kanya habang tinatapik yung braso niya.

Imbis na magising at tanggalin yung braso niya ay mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Five more minutes," sabi niya.

"Ok, five more minutes," I said while I played with his hair.

Natawa ako. Akala ng iba workaholic itong si Alex. Hindi nila alam, may katamaran din itong taglay.

I waited for five minutes bago ko siya ginising ulit.

Fortunately, this time ay tumayo na siya.

Pinauna ko na siyang maligo dahil magluluto pa ako ng almusal.

I cooked eggs and fried rice para mabilis lang maluto. Then, I went upstairs to take a shower.

Pagpasok ko ng kuwarto ay agad na akong naligo at naghanda. Mabuti na lang at tapos na si Alex.

Mabilis lang ako, nasa 30 minutes lang siguro. Hindi naman kasi ako nag mmake-up. Nagbblow-dry lang ako ng buhok.

When I got downstairs, nakita kong nakahain na ang pagkain.

"Hi," sabi ko kay Alex. "Thanks for that," dagdag ko pa habang ngumiti.

He smiled and kissed me on the cheek,"You're welcome."

After we ate, I put our dishes in the dishwasher. Then I went upstairs to brush my teeth and to get my bag.

"Sabay ka na sa akin," sabi ni Alex pagbaba ko.

I saw him struggling with his tie so I decided to help him.

"Won't that cause an issue though?" tanong ko sa kanya habang inaayos yung necktie niya.

Hindi pa rin kasi alam ng mga katrabaho namin na kasal kami. We decided to keep it a secret muna noon kasi diba kahit kami hindi rin sure sa magiging set up namin.

"Why would it cause an issue?" tanong naman niya sa akin.

"Have you forgotten that nobody in the office knows that we are married? Baka kapag nakita nila tayong bumaba sa kotse ay dumugin ako ng mga may gusto sayo," I said with a pout.

Natawa naman si Alex sa sinabi ko. "Don't worry too much. Maganda nga na makita nila tayo para magkaroon na sila ng idea."

"Pero-," tatanggi pa sana ako pero pinigilan ako ni Alex.

"Anika, I'm serious about what I said last night. I want this marriage to work. Paano mangyayari yun kung itatago natin yung relasyon natin?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Tama naman si Alex pero hindi ko maiwasang kabahan.

Napabuntong hininga ako bago sumagot. "Ok, fine."

Natuwa naman siya sa sagot ko. "We got this. Okay?" he said with a smile.

Ngumiti na din ako. "Okay."

Then he kissed me on the forehead.

***

Bababa na sana ako ng kotse pagdating namin sa parking lot pero pinigilan ako ni Alex.

Agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.

Nahihiya akong lumabas ng kotse dahil may ibang mga tao din doon.

"Thanks," sabi ko sa kanya.

He just smiled at me before replying, You're welcome."

Pagpasok namin ng elevator ay hinawakan ni Alex ang kamay ko. "Sabay tayong maglunch?"

"Yup!" sagot ko naman.

When we reached our floor ay pumunta na kami sa mga office namin.

***

I was busy doing my job ng may tumawag sa akin. "Anika."

Tumingala ako para makita kung sino yun, "Uy, Bryan!" sabi ko naman.

Siya yung lalaking pinainom ko ng tubig dahil na shock siya sa ugali ni Alex nung first day niya dito.

"Mabuti naman at naabutan kita," sabi niya habang nakangiti.

"Bakit? May kailangan ka kay Sir?" tanong ko sa kanya.

Umiling naman ito. "Actually, ikaw ang pinunta ko dito."

"Ah ganon ba?" sabi ko naman. "What can I do for you?"

"Um," nahihiya niyang sabi. Napakamot pa nga siya sa batok niya. "Actually, it's my birthday today. Gusto sana kita i-invite. May small celebration kasi mamaya."

I felt guilty. "Hala, sorry I didn't know," sabi ko sa kanya. "Wala man akong gift sayo."

"Ay ok lang. Don't worry," sabi niya while gesturing with his hands. "Yung pagpunta mo na lang mamaya yung gift mo sa akin "

"What time ba? Atsaka saan?" I asked.

"After work. Diyan lang sa may resto na malapit sa building."

"Ehem!" nagulat kami pareho dahil don.

"S-sir!" natatarantang sabi ni Bryan.

"Yes, Mr. Corpuz. How may I help you?" sabi ni Alex.

Nakita kong napalunok si Bryan. "Um may tinanong lang po ako kay Anika sir."

Alex tilted his head while wearing a n expression that I cannot read. "At anong kailangan mo sa secretary ko?"

Namumutla na si Bryan kaya sumingit na ako sa usapan. "Wow! Look at that! Lunchtime na pala!"

Napatingin naman sila pareho sa akin.

I looked at Bryan before saying, "Don't worry, Bryan. I'll be there. Pero baka malate lang ako ng kaunti. Is that ok?"

"Of course," sabi naman ni Bryan.

"Great!" exaggerated kong sabi. "I'll see you then. Lunch muna ako ha?" sabi ko bago ko siya sinenyasan na tumakas na.

Mukhang nakuha naman niya. "A-ah, sige. I'll go ahead," sabi niya. "S-sir, I'll go ahead," dagdag niya pa bago siya tuluyang umalis.

"Happy birthday!" pahabol ko pa sa kanya.

"Tss.." narinig ko si Alex.

I lightly hit his shoulder. "Ikaw, bakit ang sungit mo?"

Hindi niya ako sinagot at inirapan niya lang ako.

"Hala, napano ka na naman? Gutom ka na? Tara kain na tayo," sabi ko bago siya hinatak pero pinigilan niya ako.

"What did that man say to you?" seryosong tanong sa akin ni Alex.

"Si Bryan?" takang tanong ko sa kanya.

"Oo."

"Birthday niya kasi ngayon. He just invited me kasi may celebration daw mamaya."

"And you said yes?" may inis niyang pagkakasabi.

"Um, yes?" sagot ko naman sa kanya.

Ano bang pinaglalaban ng lalaking to?

Napabuntong hininga siya. "So naive," narinig kong bulong niya sa sarili niya.

"What?" tanong ko sa kanya.

"I'm coming with you," biglang sabi niya.

"Huh? Bakit? Invited ka din?" tanong ko sa kanya.

I saw him ran his hands through his hair in frustration.

"You think I will let my wife go to a party with a stranger? Paano kung may gawin sayo yun?"

Napakunot naman yung noo ko. "Huh? Anong gagawin sa akin ni Bryan?"

"Argghhh!!!"

Hala napapano to?










My Everything (Completed)Where stories live. Discover now