Chapter 8

389 48 4
                                    

I was speechless. I can't believe what came out of my grandfather's mouth.

Walang makapagsalita sa amin. Even my parents were shocked.

"What are you saying Lolo? Anong kasal? Bakit ko kailangang ikasal?" I asked. Hindi ko talaga maintindihan.

"I need to make sure na magkakaroon ng successor ang company," he answered.

"I will give you a successor Lolo, pero just not now. Wala pa po sa isip ko iyon," I tried to reason with him.

Umiling lamang ito and sinabing,"No, I still want you to get married."

"Why are you suddenly doing this Dad?" narinig kong sabi ni Mom. Kita ko sa mukha niya ang pagkalito.

Hindi naman kasi ganitong klase ng tao si Lolo. He is very reasonable. Hindi siya nagdedemand ng mga absurd na bagay...ngayon lang.

"Shay matanda na ako. Malapit ko ng makita ulit ang mama mo. Gusto ko na bago man lang mangyari yun ay makita ko ang apo ko sa tuhod," he answered sincerely.

"Don't say that Lolo," I immediately said. "You will live a long life pa po."

Yes, nagka heart attack siya last year, but he has already recovered.

Umiling lamang ito bago nagsalita. "I know my body better than you Alex. I know this is unfair of me but could you please grant this old man's wish?"

Napabuga ako ng hangin. I understand where he is coming from. Alam kong gusto lang talaga niya na magka-apo sa tuhod.
Pero ang hirap pa rin.

"Hindi din naman tayo makakasiguro na mabibigyan ko kayo agad ng apo," I said.

"Seeing you with a wife is already enough for me. At least I know na may mag-aalaga sayo. Our world is tiring Alex. Hindi mo kakayaning mag-isa, you need someone to be with you."

Hindi muna ako sumagot. I'm still trying to grasp the whole situation.

I love my Lolo and I know na wala siyang masamang intention. Pero bakit kasi kailangan pang maging ganito? Bakit kailangan pang madamay yung company?

Alam niya kung gaano kahalaga sa akin ang company namin. To think na he will go to such measures para lang mapagbibigyan ang kanyang selfish desire...

"Please apo?" narinig ko pang tanong ni Lolo.

"I really don't have a choice in this matter, do I? I said, defeated.

"One day you will understand," narinig kong turan niya.

"I hope so Lolo and I hope it will happen soon because I don't want to hate you," yun na lang ang nagawa kong sabihin.

"I believe we have already discussed everything?" tanong ni Mom. I know that she is also not happy about the situation.

Tumango lamang si Lolo at nagpaalam.

"Bye Lolo," sabi ko sa kanya pagkatapos non ay lumabas na kami nila Mom.

Pagdating namin sa parking lot ay nagsalita si Dad. "Are you okay son?"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "I don't know Dad. It's just so messed up."

Naramdaman ko naman na niyakap ako ni Mom. "I'm so sorry Alex. I didn't know na may ganoong balak ang Lolo mo," sabi niya habang umiiyak

Niyakap ko lang siya ng mahigpit. I don't like seeing my mom cry. I don't want her to be sad. "Don't worry mom, I know."

Nag stay muna kami sa ganong posisyon ng ilang minuto. Pagkatapos non ay nagpaalam na ako sa kanila.

I feel so defeated. This was supposed to be a happy day pero bakit ganito ang nangyari. Dumiretso na lang ako sa unit ko. Dapat kasi sa office ako didiretso after ng meeting but I'm in no condition to work.

Pagdating ko sa unit ko ay kinuha ko lahat ng alak na mayroon ako. Hindi naman ako mahilig uminom pero gusto ko lang talagang makalimot. Pumunta ako sa kwarto ko at nagsimula na.

Nang nakakarami na ako ay nagsimula ng bumuhos ang mga luha ko. Bakit ba nangyayari sa akin to? Bakit ba lahat ng mahalaga sa akin nawawala?

Parang may tumutusok sa puso ko. Sobrang bigat ng nararamdam ko. Bakit? Bakit? Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko.

Napatingin ako sa nightstand ko at mas lalo akong naiyak sa nakita ko.

Ang picture ng taong mahal ko.

"Jessa," tawag ko sa kanya. "Jessa, bakit ganito? Bakit iniwan mo ko? Dapat sinama mo na lang ako." Kinuha ko ang picture niya at niyakap ito.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ko ang picture niya.

Umiyak ako para sa mga nawala sa akin.

Umiyak ako dahil sa galit.

Umiyak ako para sa sarili ko.

Umiyak ako hanggang sa lamunin na ako ng dilim.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now