Chapter 25

228 33 1
                                    

I woke up feeling refreshed and rested like never before. Pakiramdam ko sobrang relaxed ng katawan ko.

It must have something to do with the bed or the pillow that I'm hugging. It's so warm and so calming to cuddle with. It even smells teriffic! Like lavender and...

Napatigil ako sandali ng naramdaman kong may nakayakap sa akin. Wait a minute. Pillows in hotel rooms don't smell like lavender. And they most certainly do not hug people.

Agad kong tinignan kung ano yung nakayakap sa akin. Nagulat ako ng makita kong si Anika yun.

Sinubukan kong alisin yung braso niya pero mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Oh well. I guess I just have to wait for her to wake up.

Habang hinihintay ko siyang magising ay hindi ko mapigilang tumitig sa mukha niya.

Maganda si Anika, pero hindi yung gandang katulad ng sa ate niya. Yung kay Jessa kasi unang kita pa lang alam mong maganda na pero yung kay Anika...

Hindi ko maexplain eh. One moment isa lang siyang average na babae sa paningin mo. Medyo boyish, palaging naka shirt and pants. Yung tipong madaling ma- overlook. Tapos the next moment bigla mong marerealize na maganda siya.

I tucked the stray hair behind her ear and allowed my hand to caress her cheek.

Sino kaya yung lalaking nanakit sa bestfriend ko? Hindi mawala sa isip ko yung usupan namin kahapon. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng galit sa tuwing naaalala ko yun.

Napabalik na lang ako sa realidad nong naramdaman ko siyang gumalaw.

Agad kong tinanggal ang kamay kong nasa pisngi niya.

Hinintay ko lang siyang magising. Noong nagmulat na siya ay nginitian ko siya. "Good morning."

Medyo nagulat ata siya kaya napa-upo siya agad. "My goodness, one of these days mapapatay mo talaga ako sa gulat, Alessandro."

Tinawanan ko lang siya bago ko guluhin ang buhok niya. "Ito naman. Para nag-good morning lang eh."

Ngumuso lang siya dahil sa sinabi ko. "Good morning," mahina niyang sabi bago siya tumayo at nagpunta sa banyo.

Hinintay ko na lang siya matapos bago ako pumasok doon.

***

Nandito na kami sa beach ngayon. Mag-susurf kami today.

"Wait here," sabi ko kay Anika. "Ako na yung kukuha ng mga board.

"Okay!" masigla naman niyang sabi. "Bilisan mo ah!"

Mayroon kasing store dito wherein pwede kang magrent or bumili ng surfboard. I decided to buy na lang para may gagamitin na kami sa susunod.

Pabalik na ako sa spot namin ng makita kong may mga lalaking nakapalibot kay Anika.

Bigla akong nakaramdam ng inis. Ano sa tingin ng mga kanong ito ang ginagawa nila? At ito namang si Anika parang tuwang- tuwa sa atensyon na binibigay sa kanya.

"Ehem!" medyo exaggerated kong sabi. Napatingin naman sila sa akin.

Agad akong dumiretso sa kinaroroonan ni Anika at hinalikan siya sa gilid ng labi niya. "Hey, Love." malambing kong sambit

Nakita ko na nagulat si Anika pero sinakyan niya naman ang pag-arte ko. "Hi, Love!" sabi din niya na naging dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Ipinulupot ko ang braso ko sa waist niya.

"I see you've made some friends," sabi ko habang tinignan ng seryoso ang mga Kano.

Tila naintindihan naman nila ang gusto kong sabihin.

"Yes!" masiglang sagot ni Anika. "This is Jake," sabay turo doon sa blonde na lalaki. "And this is Tyler," turo niya doon sa isa. "They're spending their vacation here in the Philippines."

Tinanguan ko lamang sila bago ako magsalita. "I'm Alex, Anika's husband."

Nakita ko pang nagulat sila. Hindi siguro nila expect na asawa ko na siya.

"It's nice to meet you, bro" awkward nilang sabi.

"Alex and I are going surfing. Would you like to come with?" pag-aya sa kanila ni Anika.

"Um, I think we'll pass," sagot nung Jake. "We already have things scheduled for today."

I inwardly smiled. Buti naman at marunong silang makiramdam.

"That's sad," sabi naman ni Anika. "Some other time then?"

"Yes," sagot naman nung Tyler pero I doubt na mangyayari yon.

"It's nice meeting the both of you," sabi ni Jake. "We'll go ahead." Obvious na gusto na niyang umalis.

"Bye!" sabi naman ni Anika.

Pagkaalis nung mga kano ay nagstart na kaming mag-surf.

Yun lang ginawa namin hanggang lunch time. Then, after naman ng lunch ay nag snorkeling naman kami.

***

We had so much fun today.

I really enjoyed every minute of it. Lalo na at masayang kasama si Anika.

Si Anika...

Looking back, I think today is the first time na in- acknowledge ko siya as my wife.

And I don't know why, pero hindi naman ako na-iilang sa thought na siya ang pinakasalan ko at hindi si Jessa.

Wala yung guilt na ineexpect kong mafeel.

I feel glad, actually.

I'm happy that she is the one that I married.

And that freaks me out.

Tapos kanina noong nakita ko siya kasama yung mga kanong yun, sobra akong nainis.

Then, noong tinawag naman niya akong "love" bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko.

Napailing na lang ako habang tumatawa.

"Hay, Anika. What are you doing to me?"

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now