Chapter 30

208 35 0
                                    

Late ako sa trabaho today dahil my training ako with Dad. After lunch na nung nakarating ako sa office.

"Hi, Ms. Anika," bati sa akin ni Andrew, ang assistant secretary ni Alex.

"Hello, Andrew. Nasa office ba si Sir?" tanong ko sa kanya.

"Opo."

Nagpasalamat ako sa kanya bago nagpunta sa office ni Alex.

"Sir, si Anika ito," sabi ko at pinapasok naman niya ako agad.

"Hi!" bati ko sa kanya pagpasok ko.

Ngumiti naman ito sa akin. "You're back."

Lumapit ako sa kanya to kiss his cheek.

"Did you eat ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling lamang ito. Sabi ko na nga ba. Hindi kakain to kung walang magpapaalala sa kanya.

I gave him a disapproving look. "Why didn't you eat?" tanong ko sa kanya.

He gave me a cheeky smile. "I forgot," he replied.

"Hay naku. Parang bata, Alessandro," sermon ko sa kanya.

"Sorry," sagot naman niya.

"I'll order food ok? You need to eat."

"Okay."

***

Pagdating ng food ay inayos ko na ang ito sa coffee table sa receiving area ng office ni Alex.

"Alessandro, kain na," tawag ko sa kanya.

Pumunta naman siya agad. He kissed my cheek bago siya umupo. "Thanks," sabi niya, then, he started eating.

"You need to eat on time, Alessandro," sabi ko sa kanya. "Paano ka kapag nagresign na ako?"

"Matagal pa naman yun," sabi niya. "May one year and three months ka pa dito," sagot niya sa akin.

I'm surprised na alam niya yun.

"Wow, bilang na bilang ah," sabi ko sa kanya.

He just rolled his eyes at me. "Kahit naman hindi ka na dito nagtatrabaho, alam kong you will still remind me. O kaya naman, ikaw mismo ang maghahatid ng lunch ko dito."

"And you're so sure of that because?"

"Because I know how much you love me," sagot niya.

Natigilan ako sa sinabi niya.

Do you really?

***

Nag-umpisa na akong magtrabaho pagkatapos kumain ni Alex.

Medyo marami akong gagawin ngayon dahil late ako nag start.

Busy akong nag oorganize ng mga files ng may dumating na galing ibang department.
"Hi, how may I help you?"

"Ipapasa ko lang po ito," sagot naman nung babaeng taga ibang department.

"You can just leave it there. Ako na yung magbibigay kay Sir," sabi ko naman habang nakangiti.

"Thank you ah," sabi niya paglapag niya nung file.

"You're welcome," sagot ko naman.

Akala ko aalis na siya pero nagsalita siya ulit. "Pwede magtanong?"

"Sure."

Tumingin muna siya sa magkabilang direksyon tapos lumapit sa akin.

"Totoo ba na may asawa na si sir?" pabulong nitong tanong.

Napakunot ang noo ko. "Is it ok kung tanungin ko kung kanino mo nalaman yan?"

"Actually, narinig ko lang kanina sa restroom," sagot niya sa akin.

"I don't appreciate having my employees talking about my private life during work hours," nagulat kami ng may nagsalita.

"S-sir. Sorry po," sabi nung babae.

"Sorry po sir," sabi ko rin.

Tumango naman si Alex. "I'll let it slide this time," sabi niya.

"Thank you po," sabay naming sabi nung babae.

Pag-alis nung babae kanina ay tinignan ko si  Alex. "Ang bilis kumalat ng balita," sabi ko.

Natahimik lang kami.

"I'm scared."

Alam kong mangyayari ito pero hindi ko in-expect na ganito kabilis.

Alex held my hand and gave it a gentle squeeze. "Don't be," sabi niya.

Nawala ang takot ko kahit papaano.

I also squeezed his hand in return.

Alex is right. I don't have to be afraid.

As long as we're together, everything is going to be fine.

***

Masyado akong seryoso sa ginagawa ko kaya hindi ko namalayan ang pagdating ni Alex

"Annie, you're still working?" tanong niya sa akin na parang gulat na gulat

I gave him a confused look. "Huh?"

"It's already 7 pm," sagot niya sa akin.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. I looked at my phone and saw that it is indeed 7 pm.

"I didn't notice," sabi ko sa kanya. Grabe ang bilis naman ng oras.

Tinawanan niya lang ako bago guluhin ang buhok ko. "Don't push yourself too hard, Annie," sermon niya sa akin. "You're always telling me that I should take care of myself pero ikaw hindi mo naman ginagawa."

Napayuko ako dahil sa sinabi niya. "Sorry."

Hindi na ako kumontra. Totoo yung sinabi niya eh.

He just smiled at me. "It's ok. Pero let's go home na. Bukas mo na yan gawin."

Tinanguan ko siya. "Okay."

He held my hand pagkatapos kong ayusin ang gamit ko.

Hindi niya ito binitiwan hanggang sa makarating na kami sa parking lot.

"Thank you," I said with a smile ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"You're welcome."

***

We did our usual routine pag- uwi namin. Nauna na si Alex na maligo samantalang nagluto naman ako ng hapunan.

Tapos, nung ako naman yung nasa banyo ay inihain na ni Alex yung pagkain namin.

We talked about our day, and about random stuff habang kumakain kami.

This is my favorite part of the day. Yung "talks" namin. It doesn't matter kung ano yung topic. I just love spending time with him.

After that ay nagpunta na kami sa kuwarto para matulog.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now