Chapter 29

189 33 1
                                    

Gaya nga ng sinabi ko kay Bryan ay nalate ako ng dating sa celebration ng birthday niya.

Bumili kasi muna ako ng regalo para sa kanya. Mabuti na lang at nakahanap pa ako.

The party is already in full swing pagdating ko.

"Anika!" bati sa akin ni Bryan.

"Bryan!" I exclaimed. "Happy birthday ulit!" sabi ko bago inabot ang regalo niya.

Ikinatuwa naman ni Bryan yon. "Naku, nag-abala ka pa," sabi niya sa akin. "Tara, ipapakilala kita kay-"

Napatigil siya sa pagsasalita dahil nakita niya si Alex.

"S-sir! Nandito din po pala kayo," natataranta niyang pagbati.

Na-guilty naman ako. Alam ko naman kasing takot si Bryan kay Alex. Hindi ko naman talaga sinasama itong isa pero ayaw magpapigil.

"Pasensya ka na, Bryan. Gusto daw kasing sumama ni sir," I apologetically said.

"Naku ok lang yun," sabi niya. "Nagulat lang ako."

"So, Mr. Corpuz, ano yung sasabihin mo sa secretary ko?" tanong sa kanya ni Alex.

"U-um, ipapakilala ko lang po sana siya sa girlfriend ko sir. Gusto daw po kasi niya makilala si Ms. Anika."

Natigilan si Alex. He just stood there, looking at Bryan's direction.

"Girlfriend?" may diin niyang sabi.

"Y-yes, Sir!

"Nice! I'll be happy to meet her!" singit ko ulit sa usapan nila. "Una ka na sa loob, Bryan. Susunod na kami ni Sir," sabi ko nalang.

Hinampas ko sa braso si Alex. "Don't be so masungit!"

"Ang sakit, Nicolette ah!" sabi naman niya.

"Behave," sabi ko habang pinanlakihan siya ng mata.

"Tss.." then, nauna na siya pumasok.

***

Sobrang nag-enjoy ako sa party ni Bryan.

I met Trisha, Bryan's girlfriend. Ang cute cute niya. Napag-alaman kong siya rin pala ang may- ari ng resto. I'm so happy kasi we became friends.

I also met a lot of people from his department. Sobrang bait nila.

And funny thing, mayroon ding ilan sa kanila na tinulungan ko din daw nung first day nila.

Sobrang takot din daw sila kay Alex non.

Speaking of Alex, nandito siya sa tabi ko. Nagmamaktol na parang bata. Hindi naman kasi siya mahilig sa mga parties. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip niya at sumama pa.

Mabuti na lang nasanay na yung mga tao sa presensya niya. Kanina kasi pagpasok namin, sobrang stiff ng mga tao.

Sinabihan ko naman sila na huwag na lang pansinin at ganon talaga si Alex. Mabuti na lang at medyo kalmado na sila. Maybe the alcohol helped also. Nagstart na kasi silang uminom. Inaya pa nga nila si Alex, pero he politely declined.

"So, Miss Anika gaano ka na po katagal sa company?" tanong sa akin ni Jude, yung isang taga marketing din.

"First year ko lang din actually," sagot ko sa kanya.

Nagulat naman sila dahil sa sagot ko. Hindi daw halata.

Tinawanan ko na lang sila. Nakakatuwa naman. Tinanong din nila kung kamusta yung first year ko sa company.

"Okay lang naman. Nag-eenjoy ako sa trabaho ko," I answered with a smile.

"How about you sir, kamusta ka naman?" may pagka flirty na tanong nung isa nilang kasamahan.

I saw the boys roll their eyes.

"It's fine," seryosong sagot ni Alex.

Ngumiti siya ng mapang-akit bago niya nilapitan si Alex. "Do you want me to make it better?"

He just gave her his famous poker face. "I'm already married, lady."

Nakita kong nagulat yung mga kasamahan namin.

"Wow, may asawa ka na pala Sir?" tanong ni Jude.

"Yes, I recently just got married," he replied before smiling.

Nakita ko ring nagulat na naman yung mga kasamahan namin dahil sa pag-ngiti ni Alex.

Napangiti din ako dahil don.

"Shocks ang gwapo ng boss mo," bulong sa akin ni Trisha na ikinatawa ko naman.

"He must love his wife very much," dagdag niya pa.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.
"You think?" tanong ko na agad naman niyang tinanguan.

"She doesn't have to know," sabi nung malanding babae.

Hindi ko naiwasang mainis. Bakit may mga babaeng ganito.

Nagalit din si Alex sa sinabi niya. "Look here, lady. I'm not happy with what you said. No employee of mine should act that way. Palalampasin ko ito dahil wala tayo sa office pero sa susunod na mangyari ito, I promise you na mawawalan ka ng trabaho. Understand?"

Natakot naman yung babaeng malandi. "Yes, sir. Sorry sir."

"Hala, nagalit si Sir," narinig kong sabi ni Jude.

"Si Kim naman kasi lahat na lang," sagot naman nung isa.

Nakita kong tumayo si Alex. "Aalis na ako," sabi niya. "Mr. Corpuz."

"Y-yes, Sir?" kinakabahang sabi ni Bryan.

"Happy birthday," bati ni Alex.

"Thank you, sir," sagot naman nung isa. Halatang nakahinga na ng maluwag.

"Let's go, Anika," tawag sa akin ni Alex bago siya lumabas.

Nagpaalam muna ako sa kanila bago ako sumunod.

"Paano ba yan, una na kami," sabi ko sa kanila.

"Ingat kayo, Ms. Anika!" sagot naman nila.

"Happy birthday ulit, Bryan!" bati ko ulit.

"Thank you, Anika."

Niyakap ko naman si Trisha bago ako umalis. "Bye, girl!"

"Bye, din!"masiglang sabi niya. "Balik ka dito ah?"

Ngumiti naman ako. "Sure!"

"Pag-uusapan pa natin kung gaano kagwapo asawa mo," bulong niya pa sa akin.

Napakalas naman ako sa yakap namin.

Natawa siya sa reaksyon ko. "Don't worry. Hindi ko ipagsasabi."

"Promise?" tanong ko sakanya.

"Promise," sagot niya tapos niyakap ako ulit. "Swerte mo girl."

Ngumiti lang ako. "I know," sagot ko sa kanya bago ako umalis.

It's true.

I'm lucky.

Kasi si Alex ang asawa ko.

Nakita ko si Alex na nakasandal sa kotse niya paglabas ko.

"Let's go?" tanong niya sa akin.

I just smiled before kissing his cheek. "Let's go."

My Everything (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon