Chapter 34

192 30 1
                                    

It's been a week since the note incident. Fortunately, hindi na nasundan yon.

Medyo nakahinga naman na kami ng mabuti dahil doon but something is bothering me. Hindi pa kasi nalalaman ng mga police kung sino ang culprit hanggang ngayon. Pati yung private investigator na hinire ni Dad, hindi pa rin alam kung sino yung taong naka- hoodie and I'm starting to get even more worried.

Anika is trying her best to act as if everything is fine pero I know that deep down, she is stressed and scared.

She is just good at hiding her true feelings. Mas mukha pa nga akong stressed kaysa sa kanya kung outer appearance ang pagbabasehan. Ganon siya kagaling.

I sighed. I just want this to end. Para na rin kay Anika. I don't want to see her suffering. I want my cheerful Annie back and when I say cheerful, yung totoo at hindi pilit.

Napabalik ako sa realidad ng may kumatok sa pinto ng office ko.

"Come in," sabi ko.

Nakita kong pumasok ang asawa ko. She gave me a sweet smile which I gladly returned.

"Hi!" she greeted me cheerfully then she kissed my cheek. "I brought lunch," she said bago siya pumunta doon sa receiving area para ayusin ang pagkain.

Nawala naman ang ngiti ko dahil don. "You went out alone?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya."Chill, Alessandro. Nagpadeliver ako."

"I'm not stupid," narinig kong bulong niya sa sarili niya habang nakanguso.

Pumunta ako sa receiving area at tinabihan siya.

Patuloy lang siya sa pag-aayos ng pagkain. Kunwari ay hindi niya ako nakikita.

Natawa naman ako sa ginawa niya. Hinawakan ko ang kamay niya para tumingin siya sa akin.

Doon ko pinanggigigilan ang ilong niya. "You're such a child," sabi ko sa kanya.

"Hmp..." sabi niya lang at nagpatuloy na sa ginagawa niya.

I just laughed at her childishness tapos niyakap ko siya ng mahigpit

"Ano ba, Alessandro!" sabi niya habang pilit na kumakawala sa yakap ko.

Hindi ko siya pinansin at mas hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya.

"Alessandro, ano ba?! Bitawan mo ako!" pagalit niyang sabi.

Nagulat ako. Hindi madaling magalit si Anika. Doon ko narealize na seryoso pala talaga siya.

Na-guilty ako bigla. Napasobra na naman ba ako?

Niluwagan ko ang yakap ko sa kanya para makita niya ang mukha ko. "I'm sorry," seryoso kong sabi.

I felt her sigh. "I know," sagot niya sa akin. "But you need to stop treating me like a child."

Narealize kong tama siya. I've been treating her like a child who is not capable of protecting herself. Sa sobrang pag-aalala at pagiging overprotective ko, ay hindi ko namalayan na nasasaktan ko na pala ang feelings niya.

Kumalas ako sa yakap namin at hinawakan ang magkabilang pisngi niya. "I know that now. I'm sorry," sabi ko ulit.

Pinagdikit niya ang mga noo namin. "It's ok. I understand."

Natuwa naman ako sa sinabi niya. Thank God at mabilis lang magpatawad si Anika.

I smiled at her and kissed her forehead. "Let's eat?"

She just smiled. "Let's eat."

***

Pag-uwi namin ay narealize namin na wala na pala kaming stock ng pagkain sa ref.

"Let's just order na lang," sabi ni Anika habang nakahiga sa couch sa sala.

Agad kong kinuha ang phone ko para maka-order na kami.

"KFC?" tanong ko at agad naman niya itong sinang-ayunan.

Nanood lang kami ng movie habang hinihintay namin yung pagkain. Sabi kasi nila, it would take at least 45 minutes daw.

We are halfway through the movie when the doorbell rang.

Agad tumayo si Anika. "I'll go get the food. Ikaw na lang ang kumuha ng plates," sabi niya sa akin. Then, pumunta na siya sa pintuan para kunin yung food.

Pabalik na ako mula sa kitchen, dala ang mga plates ng marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Anika.

Agad kong binitiwan ang mga hawak ko at pumunta sa kinaroroonan niya.

I was shocked with the scene in front of me.

Anika is screaming with tears from her eyes while desperately trying to get away from the box on the floor.

Nilapitan ko si Anika para patahanin siya. Agad siyang yumakap sa akin as if her life depended on it.

Hinaplos ko ang likod niya habang pinapatahan siya.

Noong medyo kumalma na siya ay tinignan ko kung anong laman ng box at nanlamig ako sa nakita ko.

Inside the box is a dead cat together with a note saying,

I already warned you, haven't I?

Sinipa ko palayo sa amin yung box.

Niyakap ko ng mahigpit si Anika na para bang pinoprotektahan ko siya sa anumang mangyayari.

I alerted the condo's security at tinawagan ko ang mga pulis pati na rin ang parents namin. Mabuti na lang at nasa bulsa ko ang phone ko.

Pinapatahan ko si Anika habang pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Paano nila nalaman na dito kami nakatira?

Paano nangyari ito?

Just how much information do they have?

This is not good...

My Everything (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora