Chapter 31

196 33 0
                                    

I am staring at the piece of paper na nakadikit sa monitor ng computer ko.

Stay away from Alex or pay the price.

Yun ang nakasulat sa papel. Tumingin ako sa paligid ko pero wala namang akong nakitang tao.

Kararating lang namin ni Alex sa office kasi may inasikaso kami kaninang umaga.

"Andrew," tawag ko sa assistant secretary ni Alex.

"Bakit po Ms. Anika?" tanong nito sa akin.

"Sino lahat ng nagpunta dito sa table ko?"

"U-um," he hesitantly started. "Pasensya na po Ma'am pero hindi ko po natatandaan lahat ng nagpunta dito."

Napabuntong hininga ako. "Ganon ba?"

Sino kaya ang may gawa nito?

Kakahupa pa lang nung issue na may asawa na si Alex tapos ngayon ito naman.

"Sorry po Ms. Anika. Naging pabaya po ako," sabi sa akin ni Andrew habang nakayuko.

I gave him a smile para hindi na siya matakot. Akala ata niya pagagalitan ko siya.

"It's ok, Andrew," sabi ko. "Just be more observant next time.

"Thank you po, Ms."

***

Pumunta agad ako sa office ni Alex para ipakita sa kanya yung papel.

Kita ko ang galit at pag- aalala sa mga mata niya.

"Do you know who did this?" tanong niya sa akin.

Umiling ako bilang sagot. "I have no idea."

Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

"Let's go to the security department. I-review natin ang cctv footage."

Agad namang pinakita sa amin yung footage.

"I don't see anything suspicious," sabi ko while watching.

Normal naman ang kilos ng mga pumunta sa table ko. Kilala ko din halos lahat ng nagpunta dahil sila ang madalas na nagpapasa ng files.

"Wait," sabi ni Alex.

Doon namin nakita na may paparating na taong naka hoodie.

"Can you zoom it in?" utos niya don sa operator pero unfortunately, hindi kita yung mukha niya. Ni hindi nga namin malaman kung babae ba siya o lalaki.

Ginulo ni Alex ang buhok niya. I can see that he is frustrated.

Hinawakan ko siya sa balikat para pakalmahin siya. Hindi siya dapat nakikita ng mga empleyado niyang ganito.

Mabuti na lang at kumalma na siya ng kaunti.

"I would appreciate it if you would assign someone to focus on this case," sabi ni Alex dun sa head ng security.

"Yes, sir," sagot naman niya kay Alex.

***

Bumalik na kami ni Alex sa floor namin. Gusto sanang magreport ni Alex sa pulis pero pinigilan ko siya.

I don't want to get the police involved.

I made him tea para naman kumalma siya.

"I still think na dapat magreport na tayo sa pulis," sabi ni Alex. His face filled with seriousness.

"Don't you think it's to early for that? Malay natin naiinggit lang pala yun dahil lagi kitang kasama," sabi ko sa kanya.

"Annie, naman!" medyo may kalakasan niyang sabi. "Hindi ka ba nag-aalala?"

I looked at home straight in the eye. "Of course I'm worried. First time na may gumawa niyan sa akin."

Tumayo siya para mayakap niya ako. "Then why do you keep on insisting na huwag nating ireport sa pulis?"

Niyakap ko siya ng mahigpit. "I don't know. I know it's the logical thing to do pero natatakot ako na mas lalong magalit sa akin yung gumawa nun kapag nagreport tayo."

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang bumuhos ang mga luha ko. Parang noon lang nag-sink in talaga sa akin yung nangyari.

"Alex, I'm scared," parang bata kong sabi sa kanya habang umiiyak.

Niyakap lang ako ni Alex hanggang sa kumalma na ako. " Hush, now. Nobody's going to hurt you."

Kumalas na ako sa yakap namin noong tumigil na ako sa pag-iyak.

Pinunas ni Alex ang mga luha ko. "Annie, we need to tell the police. Mas mabuti na yung sigurado. Huwag kang mag-alala, I'll protect you."

Tinignan ko lang siya. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.

"Promise?"

He kissed my forehead. "Promise." 

Niyakap ko siya ng mahigpit. "You won't leave me?"

"Of course, love," sagot niya sa akin.

My Everything (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz