Chapter 13

326 38 1
                                    

I was shaking the whole time nung nag bibiyahe kami papunta sa ospital.

I was so worried about Lolo. Ang akala namin ay nakarecover na siya dun sa nangyari last year. Kaya nga siya tumigil sa pag-mamanage ng kumpanya ay para hindi na ito mangyari.

The moment we got to the hospital ay agad kong pinuntahan sila Mom. Ni hindi ko na nga nagawang hintayin si Anika na makababa. Mabuti na lang at nasabi na niya sa akin kung nasaan sila.

"Mom! Dad!" sigaw ko pagkakita ko sa parents ko.

"Alex!" sagot naman ni Mom bago niya ako niyakap ng mahigpit. I can tell that she has been crying.

"What happened?"

Si Dad na ang sumagot sa akin. "Nasa bahay kami ng Lolo mo dahil your mom wanted to visit him. Kumakain lang kami ng dinner non. All is well, nagkukuwentuhan pa kami ng bigla na lang siyang atakihin."

"Kamusta naman siya?" I asked habang inaalo si Mom.

"We don't know yet. Tinitignan pa siya ng doktor," he replied.

After that ay dumating na si Anika. "Tito, what happened?" Hinihingal niyang tanong. She must have ran to get here.

Magsasalita na sana si Dad ng bumukas ang pinto ng emergency room.

"Kayo ho ba ang pamilya ng pasyente?" panimula ng doktor.

"Yes,doc. How is my father?"

"Fortunately, nadala niyo siya dito agad. If you were a minute late siguro ay hindi na siya naka-abot," sagot naman nito which caused my mom to gasp. "Ililipat na namin siya sa private room pero under monitoring pa rin siya. For now, stable na ang condition niya."

Nakahinga naman kami ng maluwag dahil sa narinig namin.

"Thank you, Doc." sabi naman ni Dad.

Ngumiti naman si Doc. "You're welcome, Sir. If possible, huwag niyo hahayaang mastress ang patient dahil makakasama ito sa kanya. Just call me if anything happens," sagot nito bago siya umalis.

After non ay naging busy kami sa pag-aayos sa room ni Lolo. Dumating rin ang mga parents ni Anika at may dala silang pagkain.

"Nagdala kami ng dinner dahil alam kong hindi pa kayo kumakain," sabi ni Tita Rain habang iniaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"Wow naman! The best ka talaga ma!" narinig kong sinabi ni Anika sa mama niya.

"Thank you po tita," sabi ko naman.

"You're welcome mga anak. Sige na. Kumain na kayo," sagot naman ni Tita Rain.

Hindi ko narealize na ganoon kami kagutom. Grabe naubos namin ni Anika yung lahat ng dala nilang pagkain.

"Wow, hindi man kayo gutom ano?" narinig kong sabi ni Mom na naging sanhi ng pagtawa namin. It's good to know na ok na siya. At least nakakapagbiro na siya ulit.

Ganon lang kami. Nagkukuwentuhan at nanonood ng TV, hanggang sa nag paalam ng umuwi sila Tito and Tita.

"Paano ba yan. We'll go ahead na."

"Ingat kayo, Mommy and Daddy!" sabi naman ni Anika bago yakapin ang parents niya.

"Bye baby! Mag-iingat kayo sa pag-uwi ha?" sagot naman ni Tita sa kanya bago sila umalis.

Pagkaalis nila ay nagsalita si Mom. "Alex, Anika is it okay if bantayan niyo muna ang Lolo niyo? Kukuha lang kami ng damit at gamit niya. Gusto ko kasi na ako ang maghanda ng mga yon."

"No worries, Tita. Wala naman kaming pasok ni Alex tomorrow."

Umalis na agad sila Mom para di na sila masyadong gabihin while we stayed there and watched over Lolo.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now