Chapter 45

195 25 2
                                    

Anika fell asleep right after she said that while I was left dumbstruck.

Hindi nga ako nakatulog dahil sa sinabi niya. I was up all night thinking about it so when Anika's parents saw me kanina ay pinauwi muna nila ako at sila na daw muna ang bahala kay Annie.

Since I really need to rest ay pumayag na ako. Wala naman din akong magagawang tama sa current state ko. Besides, I can use this time to think.

Pagkauwi ko ay kumain muna ako, tapos naligo. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama namin. I will try to get some sleep muna.

Lumipas ang isang oras pero hindi pa rin ako makatulog.

Hindi ko mapigilang isipin ang lahat ng nangyari sa amin at lahat ng mga bagay na natuklasan namin.

It's not like I needed anymore surprises so why do they keep on coming?

Is the truth about Jessa's death not enough? I mean it is already hard to accept the fact that what we believed for five years is not true. Pakiramdam ko nagmukha kaming tanga for five years tapos ngayon ito naman?

You are telling me na ang taong mahal ko ay niloko ako? Simula noong una niloloko na niya ako? Niloloko na niya kami?

Naisip ko rin si Anika. Base dun sa mga sinabi niya wala din siyang alam sa nangyari. It seems that she genuinely thought that I chose Jessa over my mystery person. That I chose Jessa over her.

Mas lalo akong nainis dahil doon. Anika adores her. She looks up to her. Paano niya nagawa sa kapatid niya yon?

Isa pa, I can't help but think that she stole something from us. Ang dami kong what if's.

What if hindi ito ginawa ni Jessa? Will I still fall in love with her? O kay Anika ako mahuhulog?

If I had known na si Anika pala yun, ano na kaya ang status namin ngayon? Bestfriends or lovers?

Bakit nagawa ni Jessa ang ganitong bagay? Hindi ito kayang gawin ng Jessa na kilala ko.

She is the most honest person that I know. I still can't believe na nagawa niya ang bagay na ito.

May balak ba siyang sabihin sa akin?

What was her reason for doing that?

Natakot ba siyang aminin yon? Natakot ba siya na baka magalit kami sa kanya pag sinabi niya ang totoo?

O wala lang siyang lakas ng loob?

Kung hindi niya kayang sabihin sa amin ng harapan, pwede naman niyang isulat. She could have written a letter instead.

Pagkatapos kong maisip yun ay bigla akong napa-upo. I suddely remembered something. Agad akong tumayo at umalis papunta sa bahay ng parents ko.

Ni hindi ko na nga nabati ang parents ko pagdating ko sa bahay. I just went straight to my room.

I remember now.

After they cleared out Jessa's room ay may nakita silang letter na naka address sa akin. Naalala ko na hinatid yun ni Anika sa akin pero I was so miserable that time kaya hindi ko na nagawang basahin. At that time, hindi ko magawang lapitan ang kahit anong bagay na makakapagpaalala sa akin kay Jessa so I just hid it.

Agad kong binuksan ang pinakababang drawer ng wardrobe ko. Where I placed all the things that reminded me of Jessa. Hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa makita ko na yung sulat.

With shaking hand, I ripped the seal and started reading it.

My Dearest Alex,

I think I made a grave mistake and I want to make things right.

I am writing you this letter kasi wala akong lakas ng loob na sabihin sayo ito ng harapan. Actually wala naman kasi akong balak na sabihin ito sayo pero I can't take it anymore. I can't take this guilty feeling anymore.

You may hate me after this pero sasabihin ko pa rin. Sasabihin ko kasi you deserve to know the truth and because I think I have caused too much damage already.

When you proposed, sobrang natuwa ako. Finally, I would be spending the rest of my life with the man that I love. I was so happy!

Noong mga oras na kinukuwento mo yung love story natin, sobrang saya ko noon. Noong kinukuwento mo lahat ng mga pinagdaanan natin, I fell in love with you all over again. Pero noong nabanggit mo na yung times when we were sending notes and letters to each other, kung paano nagsimula ang lahat, bigla akong nakonsensya. I saw how the look in your eyes changed when you are telling that story. You were looking at me with so much love and devotion that I can't help but feel guilty about it.

The truth is, Alex, I am not the woman that you think I am. I am a liar. I have been fooling you all this time. Hindi ako yung taong yun. I am not your mystery person, as you would like to call her. Nagpanggap lang ako na siya dahil gustong gusto talaga kita.

I did everything para makalimutan mo yung taong yun. Ang buong akala ko ay kapag nakilala mo na ako ay makakalimutan mo na siya. That is the reason why I have been avoiding that topic. Pilit kong pinapalitan ang topic sa tuwing sinasabi mo yon dahil wala naman akong alam sa mga sinasabi mo. Wala akong alam kasi hindi naman ako yun.

For a while inakala ko na nakalimutan mo na ang tungkol doon kasi hindi mo na binabanggit but I was wrong.

Habang kinukuwento mo yon noong proposal mo may narealize ako. When I saw that look in your eyes, doon ko narealize kung gaano kalaking kasalanan ang nagawa ko.

You did not fall in love with me. You fell in love with your mystery person. Iniisip mo lang na ako yung mahal mo pero hindi. Minahal mo lang ako kasi akala mo ako siya.

I stole her identity as well as the relationship that you could have had with her at sobrang pinagsisisihan ko yun.

Sobrang nabulag ako sa pagmamahal ko sayo kaya nagawa ko ang bagay na ito. I was so selfish. Akala ko magagawa kong palitan ang taong yun sa puso mo.

Pero looking back, sa mga times na kasama kita, you did not seem as happy when you are talking about your mystery girl.

Kapag nakikita ko kayong magkasama pakiramdam ko mas  masaya ka kapag kasama mo siya kahit na ako yung girlfriend mo.

Kahit hindi mo alam na siya pala ang mystery girl mo. Mayroon kang side na sa kanya mo lang pinapakita kasi siya naman talaga yung mahal mo.

You did not fall in love with me Alex.

You fell in love with your mystery person.

You fell in love with Anika.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now