Chapter 39

182 29 2
                                    

Natatawa pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang itsura ni Anika kanina.

She's so cute. Namula yung buong mukha niya dahil sa hiya.

I did not expect na ganoon pala ang epekto ko sa kanya. Na kinikilig din pala siya sa akin. Akala ko kasi ako lang ang ganon.

It made me feel a little bit of pride kasi I was able to make her feel that way. Feeling ko napakalaking achievement ng nagawa ko.

I was snapped out of my thoughts ng biglang tumunog ang phone ko.

I checked to see who is calling and was surprised when I saw that it was Anika's dad.

Bakit kaya siya napatawag?

Agad kong sinagot ang tawag. "Yes, Dad?" 

"Alex, son," panimula niya. "I hope I am not interrupting your work?"

"Don't worry, Dad. Patapos naman na po ako. I just have to sign some papers and then I am already done."

"That's good," narinig kong sabi nito sa kabilang linya. "Actually, I called because I want to talk to you about something. Kaya lang, I think it would be better if we talk in person. Pwede ba tayong mag-meet?"

I suddenly got curious. Ano kaya ang pag-uusapan namin at kailangan pa naming magkita? He is a busy man kaya alam kong importante ang pag-uusapan namin dahil siya mismo ang makikipagkita sa akin.

"Sure, Dad," sagot ko sa kanya. "Saan po tayo magkikita at anong oras po?"

"Is 6 p.m. ok with you? I'll just send you the address of the restaurant."

"Ok po."

"Also, can you not bring Anika with you?"

Napakunot naman ang noo ko dahil doon. "Um, bakit po hindi puwedeng isama si Annie?  Tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin?"

"It's about Anika's case," sabi niya kaya ako natigilan. "Nagsalita na daw si Ms. Acosta."

Kaya pala ayaw ipasabi ni Dad. Siguradong masstress na naman si Annie kapag sinabi namin ito sa kanya.

"Ganon po ba?" sabi ko na lang. "Sige po. Sasabihan ko na lang po si Anika na mauna ng umuwi."

"Mayroon pa rin naman kayong bodyguards diba?"

"Yes po."

"Ok, " sabi sa akin ni Dad. "I will end the call here, Alex. I will see you later."

"See you later po,"  sagot ko at tinapos na nga niya ang call.

***

Pagkatapos namin mag-usap ni Dad ay kinausap ko na si Anika para sabihin sa kanya na may meeting ako mamaya.

Kinakabahan nga ako dahil hindi ko alam kung papaano ko sasabihin na hindi siya puwedeng sumama. Sigurado akong magtatampo yun. Palagi ko na kasi siyang kasama kapag umaalis ako.

Actually, kahit ako, medyo alangan na iiwan ko lang siya kasama ang mga bodyguards namin. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, nasanay na ang siguro ako na laging nasa tabi ko si Anika.

"Huh? Wala akong natatandaang meeting mo mamaya ah," sabi niya.

"Actually, kay Dad mo ako makikipag-meeting mamaya. Kaya lang ayaw ka niyang ipasama," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Bakit naman?" tanong niya. Kita ko ang pagtatampo sa mukha niya.

Nilapitan ko siya atsaka ko hinawakan ang magkabilang pisnge niya.

"We will talk about your case mamaya. Ayaw lang ng Dad mo na mastress ka kaya ayaw ka niyang ipasama. Huwag ka nang magtampo. Ok?"

"Ok," sagot niya habang nakanguso. Sobrang cute niyang tignan kapag ganto siya.

Hindi ko na natiis at hinalikan ko siya sa labi.

She just stood there. Completely shocked with what I did.

Kahit ako na-shock sa ginawa ko.

Ilang segundo pa ang lumipas pero nakatulala pa rin siya. Natawa ako atsaka ko pinanggigilan yung ilong niya. Sobrang cute niya talaga. Wala akong pakialam kung paulit-ulit ako. Basta cute ang asawa ko.

I kissed her cheek. Doon pa lang ata siya natauhan. "I will buy you pasalubong na lang, ok? Huwag ka ng sad," sabi ko then bumalik na ako sa office ko.

Baka hindi na naman ako makapagpigil at halikan ko na naman yun.

Tama na yung shock na nareceive niya kanina.

***
A/N: Ang harot Alessandro, ang harot!

My Everything (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ