Chapter 49

232 27 1
                                    

I will be discharged today. Kasama ko ngayon si Trisha dahil tinutulungan niya akong mag-ayos ng gamit. Siya rin yung maghahatid sa akin sa condo. Hindi kasi pwede si Alex dahil mayroon daw siyang importanteng aasikasuhin. Paulit-ulit pa nga siyang nag-sorry dahil hindi daw niya ako matutulungan ngayon but I assured him that it is okay. Naiintindihan ko naman. Masyado na siyang maraming na-miss na trabaho dahil sa pagbabantay niya sa akin. Ayaw ko naman ng makaabala pa. Siya na nga nag-ayos ng discharge papers ko pati ba naman paghahatid sa akin sa kanya ko pa ipapagawa?

"Okay, that's it," sabi ko pagkatapos kong mag-impake.

"What! Ito lang gamit mo? Bakit ang konti?" gulat na tanong ni Trisha.

"Dinala na ni Alex yung mga gamit niya kanina. Sa akin na lang lahat 'to," paliwanag ko naman.

"Ah, okay," sabi niya sabay tango. "So wala na tayong aasikasuhing paper work?"

"Wala na. Naayos na lahat ni Alex."

"Wow, naman. Sana all may Alex," sabi niya na nakapagpatawa sa akin. "Swerte mo girl."

"I know," I said with a smile. I am really blessed to have someone like him in my life.

"Ihhh! Edi ikaw na! Sana all may jowa!" she dramatically exclaimed with matching punas pa ng fake tears.

Mas lalo akong natawa sa ginawa niya. Maka-asta akala mo walang jowa. "Hala ka, isusumbong kita kay Bryan," pananakot ko sa kanya.

Nagulat na lang ako at biglang may nakayakap na sa braso ko. Ang bilis ah?

"Ito naman hindi mabiro! Syempre joke lang yun no! Lablab ko kaya si Bryan," depensa niya sa sarili.

Napa-iling ako sa inasta niya. "Tara na nga," sabi ko at lumabas na kami sa kwarto.

***

Dumaan muna kami sa resto niya nagugutom na raw siya. Hindi namin napansin na lampas lunch time na pala.

We ate a lot. Nag-kuwentuhan rin kami about random stuffs. I feel so happy because it feels exactly like old times. Gone are the times of having to constantly look behind your shoulder. Now I can finally relax and really enjoy the company of my friend.

Kung nagtataka kayo kung saan napunta sila kuya bodyguards ko, nandiyan pa rin sila. Hindi naman sila nawala. Nakabantay pa rin sila sa akin kaya lang they are now keeping their distance. Yan kasi yun compromise namin nila Alex. Noong una kasi ayaw ko na talaga ng bodyguards kasi I feel uncomfortable pa rin kaya lang ayaw pumayag nila Alex kaya ayan, napagkasunduan na hindi na lang sila masyadong lalapit para I won't feel suffocated.

We ended up staying there for hours. Napasarap ang kuwentuhan namin kaya hindi namin napansin ang oras.

"Grabe 4 pm na pala," sabi ko kay Trisha.

"Oo nga!" she exclaimed tapos dali-dali na siyang tumayo at kinuha ang mga gamit ko. "We better get going or malalagot ako sa asawa mo," dagdag niya pa.

Natawa naman ako sa kanya. "Huwag mong alalahanin si Alex, akong bahala sa kanya," sabi ko, trying to reassure her.

"I won't take my chances," sagot niya lang sa akin tapos hinila na niya ako papunta sa kotse.

***

Hindi ko napansin na napaidlip ako habang nagbibiyahe kami. A stretched out for a little bit then looked outside the window. Nagtaka ako kasi hindi ako familiar with this road.

"Oh you're awake," narinig kong sabi ni Trisha kaya tumingin ako sa kanya.

"Trisha, saan tayo?" medyo alangan na tanong ko sa kanya.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now