Chapter 20

271 33 3
                                    

While we are eating our food. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tanungin si Anika.
"So you don't regret marrying me?"

She just gave me the 'are you kidding me' look bago niya nilunok yung pagkain niya. "Hindi naman ako magpapakasal sayo kung pagsisisihan ko lang."

"Hindi ka ba nanghihinayang na nawala yung chance mo to find a husband that you love?"

Sumubo muna siya sa brownies niya bago niya ako tinignan ng seryoso. "My parents will probably set me up with someone din naman eh. Alam kasi nila na ayaw ko ring magpakasal. So kung mapipilitan rin akong mag-asawa, better it be you than someone else. At least kilala na kita."

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. "Sila, Tita? Ipagkakasundo ka sa? Parang malabo naman yun."

Totoo naman. Alam kong maloko si Tita pero I know naman na hindi nila pipilitin ang anak nila na magpakasal sa taong hindi naman niya mahal.

"No, it's not." sagot niya sa akin. "Look at you, your lolo practically forced you to get married. Hindi rin naman natin naisip na kaya niyang gawin yon."

Napaisip ako dahil sa sinabi niya. May point nga naman siya. "But still, are you really okay sa magiging set up natin bilang mag-asawa? Alam mo naman ang mangyayari diba"

Tinaasan niya lang ako ng kilay bago siya nagsalita. "You mean the fact that we will never have a normal marriage dahil mahal mo pa rin ang ate ko?"

I suddenly felt uncomfortable, guilty even. Pakiramdam ko may kasalanan akong nagawa kay Anika.

Hindi ko alam kung bakit. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi ko gusto.

I cleared my throat before answering,
"O-Oo. Yun nga."

"Matagal ko ng alam yun Alex at tanggap ko rin na hindi magiging normal ang marriage natin."

Napahinga naman ako ng malalim. At least we're clear from the start. "We're really doing this, huh?"

Tumango naman ang kausap ko. "If you're in, I'm in," sabi niya bago ngumiti.

Ngumiti din ako. "Okay! Let's do this!" sabi ko bago ko nilapit sa kanya ang kamao ko para makapag fist bump kami.

Natawa naman siya dahil sa ginawa ko pero sumakay na lang din siya sa trip ko.

"Tara na," sabi niya, then tumayo na kami para makaalis na kami.

***

Kagaya kung paano kami nakatakas kanina ay ganoon din kami nakabalik. Mabuti na lang at sanay pa rin kaming umakyat ng puno.

Agad kaming bumagsak sa higaan dahil sa sobrang pagod. Gusto ko na sana matulog kaso I still need to shower.

Pinauna ko na si Anika habang ako naman ay naghanap ng movie na pwedeng panoorin sa TV. Saktong nakakita na ako ng movie noong lumabas ng banyo si Anika.

"Avengers na naman?" tanong ni Anika pagkakita niya sa TV.

Nagkibit balikat lang ako bago pumasok sa banyo. Wala siyang magagawa. Ako yung naghanap eh.

After I took a shower ay nakita ko si Anika na kumakain ng chips. "At saan mo nakuha yan Nicolette?"

"Wala ka na dun, Alessandro," she said with her mouth full. Alam ko naman kung saan galing yon. Mayroon kasi siyang drawer na lalagyan ng snacks at junk food sa kwarto niya. Siguro ay pinalagyan ni Tita ng laman to kanina.

Umiling na lang ako bago siya tinabihan. Agad naman akong inalok ni Anika pagkatapos kong i-play yung movie.

We were halfway through the movie ng biglang magsalita si Anika. "You know, I actually like Loki."

Napatingin naman ako sa kanya. "Bakit naman? He's the villain of the story."

Nagkibit balikat siya bago siya sumagot. "I don't know. I just feel like he has always been misunderstood. I mean, yes, sinubukan niyang sakupin ang mundo. I know that's bad. Pero did someone really took the time to understand him. Sinubukan ba nilang alamin kung bakit siya galit kay Thor?"

Once again, may point na naman ang bestfriend ko.

"It's hard to be in second place."

Agad naman akong napatingin sa kanya. May something sa itsura niya pero hindi ko alam kung ano yun.

Dahil hindi na siya nagsalita, pinagpatuloy ko na lang ang panonood ko.

Pagkatapos ng movie ay napansin kong sobrang tahimik. Wala na akong naririnig na plastik na nalulukot gawa ng pagkuha ni Anika ng chips.

Tinignan ko ang katabi ko at nakita kong nakatulog na pala siya.

I was about to move to the sofa kaya lang nakapatong ang binti niya sa binti ko.

Naku, paano kaya ito? Magigising si Anika pag tinanggal ko yung legs niya. Kawawa naman siya kung ganon. Alam ko kasing hindi na siya makakatulog kapag nagising ko siya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Sa sofa sana ako matutulog para hindi kami magka-ilangan kaya lang ganito naman ang nangyari.

Oh well. Since wala naman akong ibang choice, naglagay na lang ako ng unan sa pagitan namin.

Ng nasiguro kong okay na ang harang ay unti-unti akong umayos ng higa. Iniwasan ko na lang na magalaw ang legs namin. Mabuti na lang at hindi siya nagising.

After that ay pumikit na rin ako. Bigla ko ulit naramdaman yung pagod. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now