Chapter 12

350 38 2
                                    

So, nasa office na naman ako at nagbabasa ng mga e-mail.

Wala namang masyadong ganap sa buhay. Ang tanging nadagdag lang siguro sa mga ginagawa ko ay ang paghahanap ng potential wife ni Alex.

Mag-aapat na buwan na rin simula nung sinabi ng Lolo niya yung condition tungkol sa paghahand-over sa kanya ng kumpanya at mag-aapat na buwan na rin akong nababaliw sa kakahanap ng mga makakadate niya.

Paano ba naman kasi napaka- choosy. Lagi na lang may napipintas sa mga nakaka date niya. Masyado daw maarte, walang laman yung utak, mga ganon.

Naaalala ko nga nung minsang bumalik siya sa office. Para siyang dinaanan ng bagyo tapos mukha pa siyang iiyak any time.

Busy akong nag-tatype sa computer ng marinig kong may paparating sa table ko. Paglingon ko ay nakita ko si Alex na mukhang dinaanan ng bagyo.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko sa kanya.

Tumingin lamang siya sa akin na parang batang nabully. "Ayaw ko ng makita ang babaeng yon kahit kailan!" sinabi niya bago siya pumasok sa office niya.

Napano kaya yun? Sinave ko muna yung mga natype ko sa computer bago ko siya sinundan.

Pagkapasok ko doon ay nakita ko siyang nagpapalit ng polo. Mukha ring naghilamos ito ng mukha dahil medyo basa pa ito. Mayroon kasing kuwarto sa loob ng office ni Alex para kapag mag oovertime siya, hindi na niya kailangang mag drive papunta sa condo.

"Alex anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Grabe yung babaeng yun! Ang sabi date ang gagawin namin pero gusto ata akong gahasain!" galit na galit niyang sigaw.

"Gahasain? Napano ba kayo?"

Huminga muna siya ng malalim bago magkuwento. "Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na ako sa kanya dahil may trabaho pa ako. Naki-usap siya kung pwede ko siyang ihatid sa condo niya dahil umalis daw yung driver niya. Pumayag naman ako since she is my date naman and I don't want to be rude. Pagdating namin dun sa condo niya, hinintay ko siyang bumaba ng kotse pero instead bigla na lang niya akong sinunggaban!"

Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. I know it's not right pero hindi ko napigilan. Inirapan ako ni Alex kaya tumigil ako.

"Tapos?" sabi ko habang nagpipigil ng tawa.

Tila kinilabutan naman ang lalaki. "Ayaw ko nang alalahanin. It was so traumatic! My God! To think na anak siya ng isa sa mga kilalang businessman dito sa Pilipinas!"

Hindi ko na talaga kayang pigilan ang tawa ko! Na-iimagine ko sila. Alex trying to stop the woman from harassing him. It was epic!

Mas lalong nagdilim yung mukha ni Alex dahil sa ginawa ko.

"You know what? This is your fault! Panagutan mo yung nangyari sa akin!"

Mas lalo naman akong natawa dahil sa sinabi niya.

"Bakit ako? Ako ba yung sumunggab sayo?" I said in between laughs.

"Argghhh...." sigaw naman niya habang ginugulo ang kanyang buhok.

Hindi ko namalayan na tumatawa na pala ako. Grabe naman kasi. Ang laki-laking tao ni Alex tapos muntik na daw siyang gahasain nung nakadate niya samantalang 5'1 lang naman yung babae.

Pero in fairness, gentleman ang bestfriend ko. Kung ibang lalaki siguro yon ay papatulan nila yung babae. At least my best friend has morals.

I was about to reply to one of the e-mails when my alarm went off.

May date na naman kasi si Alex. Every week I try to set him up with a girl. Unfortunately, wala siyang nagugustuhan sa mga babaeng pinipili ko.

Tumayo ako at nagpunta sa office niya. "Sir si Anika to," sabi ko habang kumakatok.

"Pasok," narinig ko namang sagot niya.

"Alex may date ka in 30 minutes sa usual na resto."

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga. "Thanks, Annie."

Tumango lamang ako at bumalik na sa table ko.

Naaawa ako kay Alex. Kahit hindi niya kasi sabihin ay alam kong nahihirapan siya sa ginagawa niya. Hindi naman kasi niya gustong magpakasal. Masyado niyang mahal ang ate ko para magpakasal sa iba. Isa pa, sino ba ang gustong magpakasal dahil sa ganoong dahilan?

Narinig kong lumabas si Alex mula sa kanyang office.

"Good luck," sabi ko noong papaalis na siya.

Sana ay magustuhan na niya ang makakadate niya ngayon. Ang dami na kaya niyang nareject.

People may see Alex as arrogant dahil marami siyang napipintas doon sa mga nakaka date niya but I understand him.

Makakasama niya yung tao for the rest of his life. Hindi uso kay Alex ang divorce. For him, marriage is sacred. Kaya pinipili niya talaga yung taong pakakasalan niya. He wants someone na he could trust. Hindi yung taong tumitingin lang sa pera or sa looks niya.

After an hour ay bumalik na si Alex and as usual, rejected si ate girl na naka date niya.

Alam kong frustrated si Alex dahil fail na naman yung date kanina.

Pagkatapos ng work ay dumiretso ako sa office ni Alex.

"Oh bat ka nandito?" iritadong tanong niya.

"Ito naman ang sungit," sabi ko sa kanya. "Aayain sana kitang mag roadtrip."

Nakita ko siya na parang pinag-iisipan niya ito ng mabuti. "Saan tayo pupunta?"

"Di ko alam. Kung hanggang saan tayo mapadpad."

Mabuti na lang at pumayag siya. Lalabas na sana kami ng office niya kaso nag ring ang phone niya.

"Hello ma?" bati ni Alex kay tita.

"Nasa office pa po."

"What!" nagulat ako ng sumigaw si Alex.

"Alex napano sila tita?" tanong ko pero hindi niya ako sinasagot. Nakatulala lang siya. Kinuha ko yung phone niya at kinausap si tita.

"Hello tita? Ayos lang po ba kayo?"

"Thank God, you're there Anika," narinig kong sagot naman ni tita.

"Bakit po tita?"

"Nasa ospital kami ngayon. Inatake si Dad."

"Saang ospital po tita?" Kaya pala natulala si Alex. Malapit kasi siya sa lolo niya.

Sinabi naman sa akin ni tita yung ospital. Tinignan ko si Alex pero tulala pa rin siya.

"Alex!"tawag ko sa kanya.

Para naman siyang bumalik sa realidad. "Where are your car keys? Ako na ang magddrive."

Binigay naman niya ang susi at nagmadali na kaming pumunta sa parking lot.

"Annie, si lolo," narinig ko ang takot sa boses niya habang nag bibiyahe kami papunta sa ospital.

Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing,"Don't worry. He'll be fine."

Tumango naman ito at nagpatuloy na ako sa pag dadrive.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now