Chapter 36

195 27 2
                                    

I woke up to the sound of my alarm clock ringing. Umupo ako para patayin yun at doon ko napansin ang isang note sa tabi nito.

Good morning, my dearest husband :)

Yun ang nakalagay sa note.

Napangiti naman ako dahil dito. Dearest husband daw. Si Anika talaga, ang aga-aga akong pinapakilig.

Bumangon na ako at naghanda para sa maghapon ng hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.

Kinikilig talaga ako eh. Wala kayong magagawa.

Pagpasok ko sa walk-in closet namin ay may nakahanda ng damit para sa akin. Tapos may note din na nakadikit dito.

I already prepared your clothes. See you!

Sinuot ko ang damit na inihanda ni Anika para sa akin. Polo shirt at slacks tapos white snickers.

Ano kayang binabalak ng babaeng ito?

Bumaba na ako agad para malaman kung anong nangyayari.

Pagdating ko sa kitchen ay may note na namang naghihintay para sa akin.

Garden

Yun lang ang nakasulat kaya naglakad ako papunta sa garden.

I smiled at the sight. Nandoon si Anika, abalang inilalagay ang mga finishing touches sa almusal na inihanda niya habang masayang nakikipag-usap sa mga bodyguards namin.

Nakita ko kung papaano nagliwanag ang mukha niya pagkakita niya sa akin.

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. "Good morning!" masigla niyang bati. Halata ang excitement niya.

"Good morning," sagot ko din sa kanya.

"Let's eat?" tanong niya sa akin at sinang-ayunan ko naman yon.

***

"So, to whom do I owe the pleasure of having this lovely breakfast?" pabiro kong tanong kay Anika.

She giggled. "To you, of course," sagot naman niya. "I wanted to surprise you para maiba naman. Palagi na lang kasing ako yung sinusurpresa mo. I wanted to do something for you this time."

Something warm touched my heart.

Hindi naman na niya kailangan gawin ito pero ginawa niya pa rin para sa akin.

I held her hand and gave it a squeeze,"Thank you. I really appreciate it," sabi ko sa kanya.

"You're welcome," sagot naman niya sa akin.

"I really like your notes by the way. Nahawa ka na sa akin," pag-iiba ko sa usapan.

Tinignan naman niya ako na parang naguguluhan siya. "What do you mean nahawa ako sayo? Sa akin mo kaya nakuha ang paggawa ng notes."

Huh? Paanong sa kanya? Kay Jessa ako natutong gumawa ng notes eh.

When we were younger, we lived in the same subdivision tapos mayroong park na malapit sa mga bahay namin.

Sa gitna ng park na yon ay may malaking puno. Doon ako palaging tumatambay noong college days ko. Kapag gusto kong mapag-isa or makapag-isip, doon ako pumupunta.

There was a time na sobrang sama ng loob ko kaya nagpunta ako sa park para magpalipas ng sama ng loob. May nakuha kasi akong mababa na grade sa isa sa mga subjects ko back then.

Pero pagka-upo ko sa may silong ay may nakita akong note.

People fail, but that doesn't make them a failure

I don't know how but that note managed to lift my mood up.

Dahil natuwa ako, sumulat din ako ng reply.

It was just a simple thank you. Kahit na hindi ako sigurado kung mababasa pa ba ito ng nagsulat ng note ay ginawa ko pa rin.

After a few days ay bumalik ako sa park at nagulat ako ng makita kong may sumagot sa note na iniwan ko.

Ever since then, we started writing notes to each other kahit hindi namin kilala ang isa't isa.

It went on for months hanggang sa hindi ko na natiis at inaya ko na siyang makipagkita sa akin. Doon din mismo sa puno na yun. 

Can you imagine my surprise noong nakita kong si Jessa ang nagpunta? It was like destiny! My long time crush is the one that I have been writing to for months.

Doon nag-umpisa ang kuwento namin ni Jessa.

"So what do you want to do today?" I was snapped out of my thoughts ng magsalita si Anika.

I suddenly felt guilty. Feeling ko may masama akong ginawa. I shouldn't be thinking of another woman when my wife is seating in front of me.

I shoved my thoughts about Jessa at the back of my mind. I should be focusing on Anika.

Wala na si Jessa. Kay Anika na dapat ako mag-focus.

Ngumiti ako sa kanya bago ako nagsalita. "I don't know," sagot ko sa kanya. "I'm fine with anything as long as I get to do it with you."

Her reaction is priceless. The way her face glowed is something that I would like to cherish. I would give everything just to make sure that that smile stays on her face.

"Movie marathon?" tanong niya sa akin.

"Sure," sagot ko naman.

"Okay!" she exclaimed. "I'll just put this away tapos nood na tayo," sabi niya.

"Ay naku, Ma'am. Kami na po bahala diyan. Enjoy this day with your husband," sabi noong isang bodyguard.

"Naku, nakakahiya kuya," sabi naman ni Anika.

Ngumiti naman yung bodyguard. "Ok lang po, Ma'am. Sige na po."

"Okay! Thank you, Kuya!" sabi ni Anika.

Nakita ko kung paano siya ngitian ng mga bodyguards namin. It's obvious that they are fond of her.

"Thank you po," sabi ko din sa kanila.

"Wala po yun, Sir. Malakas si Ma'am Anika sa amin eh."

Doon ko narealize na sobrang daming nagmamahal kay Anika.

Hindi naman kasi siya mahirap mahalin eh. She's so pure. Walang kahit anong pagpapanggap.

"Let's go?" sabi ni Anika.

I smiled before answering, " Let's go."

Then we spent the day doing the things that we love.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now