Chapter 42

183 25 2
                                    

Pagdating namin sa ospital ay dumiretso na kami agad sa operating room. Doon namin nakita ang kaibigan niya at ang kanyang bodyguard.

"How is she?" hinihingal kong tanong sa kanila.

"Wala pa pong balita," sagot ng kaibigan niya. Siya ang tumawag sa amin para sabihin kung saang ospital dinala si Anika.

Tila nanlumo ako sa narinig ko at napa upo na lamang ako sa sahig habang nakasandal sa pader.

God please don't let anything bad happen to Anika. I cannot lose her too.

Marami ng nawala sa akin. Hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawawala pa.

***

We waited for hours.

Dumating na rin ang mother ni Anika kasama ang parents ko. Pati si Lolo ay nandito rin.

Walang nagsasalita sa amin.

We were all so tensed and nervous.

Nabasag lamang ang katahimikan ng magsalita ang bodyguard ni Anika.

"I'm very sorry, Sir. I was not able to protect her," narinig kong sabi niya.

Agad akong umiling. "This is not your fault, kuya. Walang nakapag-anticipate sa nangyari," sabi ko sa kanya habang nakayuko.  "If there is someone to blame it should be me."

Ako naman talaga ang dahilan kung bakit nangyari ito. Ako ang gusto ng babaeng yon. Nadamay lamang si Anika dahil tinulungan niya ako noon at nagpakasal siya sa akin.

I felt someone touch my shoulder. I looked up to see who it was and saw that it was Anika's mom. Agad akong napayuko dahil sa hiya. Hindi ko sila magawang matignan sa mata.

"Don't blame yourself, dear," sabi niya sa akin. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. Nobody is blaming you."

Hindi ko na napigilan at bumuhos na naman ang mga luha ko. Naramdaman ko namang niyakap niya ako.

"Don't blame yourself na ok? Alam mo naman na hindi rin yan magugustuhan ni Anika."

Tumango na lamang ako dahil busy ako kakaiyak.

***

Lumipas pa ang ilang  mga minuto bago lumabas ang doktor.

Agad kaming nagtipon palapit sa kanya para malaman ang sitwasyon ni Anika.

"How is my daughter, Doc?" sabi ng mama ni Anika.

Tinanggal muna ng doktor ang mask niya bago siya nagsalita. "Ligtas na ang pasyente," sabi niya kaya nakahinga na kami ng maluwag.

"She lost a lot of blood pero nasalinan naman namin siya agad. It's a good thing at common ang blood type ng anak niyo. Kung nagkataon na rare ang blood type niya ay baka napahamak na siya. Malalim ang natamo niyang sugat kaya maraming dugo ang nawala sa kanya. Fortunately, walang natamaan na internal organ."

"Thank you po," sabi namin.

Tumango naman siya sa amin. "Ililipat na namin siya sa private room ngayon. Tumawag lang kayo if anything happens," sabi niya bago siya tuluyang umalis.

Naging busy kami after that. Inayos na namin lahat ng kailangan.

Once na nailipat na si Anika si room ay nagpaalam ng umalis si Trisha.

Hinatid ko siya palabas ng room para mapasalamatan ko siya for all that she has done.

"Ay naku, wala yun," sagot niya sa akin. "Anika is my friend. Siyempre gagawin ko yun. I actually want to say sorry dahil sa resto ko nangyari yan."

Agad akong umiling. "You don't have to say sorry. Nag-aalala nga ako at baka pumangit ang image ng resto mo dahil sa nangyari."

"Don't worry. Naayos naman na ng business partner ko ang lahat. Kung tutuusin ay may pagkukulang din naman kami. We should improve our security din."

"Still, if you encounter any problems with your restaurant don't hesitate to call us. We will be more than ready to help you."

"Naku huwag na," she said while gesturing with her hands. "Just make sure na magbabayad ang babaeng yon sa lahat ng ginawa niya," sabi niya habang biglang nagdilim ang aura niya.

"Don't worry. She will pay for this," sagot ko sa kanya. " I will make sure of it."

Mukha namang nasatisfy siya sa sagot ko kasi bumalik na sa dati ang itsura niya. "That's good. Paano ba yan. I'll go ahead na," sabi niya.

"Thank you ulit," sabi ko sa kanya.

She just smiled at me tapos ay umalis na siya.

***

Our parents and Lolo stayed for a while bago sila umuwi. Gusto pa nga sana nilang magstay pero I convinced them to go home na.

Noong umalis na sila ay doon pa lang nag-sink in talaga ang lahat ng nangyari.

I almost lost Anika.

I almost lost the person I love for the second time

Pumunta ako sa tabi  niya at hinawakan ang kamay niya

For the third time this day ay umiyak ako ng umiyak but this time they were tears of joy.

The Lord has given us a second chance and I don't plan on wasting it.

Nang kumalma na ako ay tinitigan ko siya.

She looks so pale but beautiful nonetheless.

Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya at hinalikan siya sa noo.

From now on I will make sure na maipapakita ko kung gaano ko siya kamahal.

"I love you," bulong ko sa kanya.

"I have always loved you. I'm sorry that it took me so long to realize that."

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now