Chapter 24

209 36 2
                                    

"Bakit ganyan lahat ng dala mo? Ayaw ko. Magpalit ka!" sabi sa akin ni Alex.

"Bakit nga?" tanong ko sa kanya kasi hindi ko talaga gets.

"Gusto mo bang pagpiyestahan ng mga lalaki yang katawan mo?" galit niyang sabi.

I just rolled my eyes.

Hindi ko alam kung OA lang si Alex or conservative lang talaga siya. Hindi ko rin alam kung matatawa ako sa kanya o maiinis.

Huminga muna ako ng malalim bago ako ulit nagsalita. Baka kasi kung saan pa umabot yung away namin. "Alex naka rash guard ako. Rash guard, Alex. Balot na balot na ako sa lagay na 'to."

Parang bata naman niyang inihilig ang kanyang ulo. "Talaga?" sabi niya tapos nagkamot siya ng ulo.

Natawa naman ako sa kanya. "Oo kaya. Hindi mo ba nakita yung mga babae sa beach kanina?"

"Saan?"

"Yung mga babae sa beach na nadaanan natin kanina. Hindi mo sila nakita?"

Iling lang ang sinagot niya sa akin.

"That explains it," sabi ko naman. "Tara punta na tayo sa beach para makita mo. Promise magmumukha akong madre pag nakita mo sila," dagdag ko bago ko siya hinatak papunta sa labas.

"Promise?" tanong niya sa akin.

I smiled at him before answering. "Promise."

***

Mabuti na lang at nakumbinsi na si Alex pagkatapos niyang makita yung mga babae sa beach.

Akala ko magrereklamo pa rin siya eh

Nag-umpisa na kaming lumangoy hanggang sa umabot kami dun sa malalim na part. Nag-race pa nga kami at siyempre si Alex ang nanalo.

Ang yabang nga niya. Akala mo naman sa Olympics siya nanalo.

Lumangoy lang kami hanggang sa magsawa.

Noong napagod na kami ay nagpagandahan naman kami ng sand castle. Siyempre, di  pa rin ako nanalo. Masyado kasing ginalingan ng kasama ko.

Competitive much?

After that ay tumambay lang kami sa may dalampasigan. Pinapanood lang namin yung mga alon.

"Do you want to go surfing tomorrow?" tanong ko sa kanya.

"Sure," he answered.  Habang nakafocus lang siya sa mga waves.

Hindi ko na siya kinausap after that. Mukha kasing may malalim siyang iniisip.

In-enjoy ko na lang din ang view.

Not long after, ay nag umpisa ng lumubog ang araw and I was mesmerized by the sight.

Ang ganda talaga. Kahit siguro araw-araw akong manood ng sunset ay hindi ako magsasawa.

"You're right," nagulat ako ng biglang magsalita si Alex.

"What do you mean I'm right?" tanong ko sa kanya.

"About sunsets. I just realized that you're right,  about it not only being a symbol for goodbyes."

"So what do sunsets remind you of na?" curious kong tanong.

"I don't know yet. But I'm starting to see it from your point of view," seryoso niyang sagot.

Kinuha niya yung kamay ko habang patuloy lang siya sa panonood ng sunset.

Hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Sobrang seryoso kasi ng mukha niya.

Lumapit ako sa kanya saka ko hinawakan ang pisngi niya para mapaharap siya sa akin.

I looked him straight in the eye, asking if he is okay.

"Why did you do it, Annie?" tanong niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. "Because it's for you and for Gramps," sagot ko naman sa kanya. "Also, I don't want to be in an arranged marriage."

"Bakit ayaw mong magpakasal?"

"Wow! May follow up question. Hindi naman ako informed na interview pala ito," natatawa kong sagot.

Sumimangot siya bago kunin yung kamay ko na nasa pisngi kiya. "Don't try to change the subject, Annie. You always do that."

Tumahimik muna ako bago ko siya sagutin.  Nakatingin lang ako sa mga kamay naming magkahawak.

"Annie?"

Tumingin muli ako sa mga mata niya bago sumagot. "I just don't think that love and marriage are for me."

"Bakit naman?" Nagtataka niyang tanong.

"You've seen ate, Alex. I'm nothing like her."

"So? Just because you're not like your sister doesn't mean na wala ng magmamahal sayo," seryoso niyang sambit.

Natahimik kami pagkatapos non. Parehong malalim ang iniisip.

"Has someone told you that?" pagbasag ni Alex sa katahimikan.

Umiling ako. "No, nobody needs to tell me that. I discovered it on my own." malungkot kong sagot.

"Who is he?" may galit sa boses niya.

"Huh?"

"Who is the bastard who made you feel this way?"

Natawa naman ako sa kanya. "Hala! Bad word yun Alex."

Inirapan niya lang ako. "He made my bestfriend sad. He deserves it."

I kissed his cheek to show him that I'm okay. "Don't worry. I'm over it na," sabi ko sa kanya. "Besides, hindi naman niya kasalanan kung sa iba siya nagkagusto."

"It's his loss," sabi naman niya na nakapagpangiti sa akin. "Kawawa siya."

Natawa naman ako. "Hayaan mo na!" sabi ko sa kanya. Trying to lighten up the mood. "Kain na tayo, Alessandro."

***

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa hotel. Pinauna ko ng mag-shower si Alex kasi ako yung nauna last time.

After I took a shower ay nakita kong nakatulog na pala si Alex. Yakap na naman niya yung unan na nagsisilbing partition namin.

Grabe. Pagod na pagod?

Kinumutan ko siya bago hinaplos ang buhok niya.

Naalala ko yung mga sinabi niya kanina.

It's his loss...

Kawawa siya...

Napatawa ako ng mapakla.

"Grabe, Alessandro. Kawawa ka pala."

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now