Chapter 44

189 27 0
                                    

It has been two days since we went to the precint but up until now I am still in shock. I can't believe na ang babaeng yon din ang dahilan ng pagkamatay ni Jessa. Maging ang PI at mga pulis ay nagulat din sa sinabi niya.

We all thought that Jessa's death was really just an accident pero ang totoo pala ay pakana lahat iyon ni Kim. Kung nalaman lang sana namin ng mas maaga, edi sana hindi na naulit pa yun. Hindi na sana nasaktan ni Kim si Anika.

Si Kim..

Even the thought of her can make me angry. Sobra-sobrang galit ang nararamdaman ko para sa kanya. She deserves to rot in jail.

However, I don't think that will happen.

Upon further investigation, they discovered that Kim has this condition called obssessive love disorder or OLD. Apparently, she was diagnosed when she was 22 years old. Ito ang dahilan kung bakit siya pinadala sa Amerika.

Ang buong akala ng family niya ay gumaling na siya kaya pinayagan na nila siyang umuwi sa Pilipinas. Yun ang sinabi nila sa amin noong nakausap namin sila. They also claimed that they were not aware of everything that that woman has done.

Dahil doon ay pinadala siya sa mental hospital. Kailangan pa rin  daw siyang mabigyan ng medical attention.

Pero kahit na sabihin nilang may mental disorder siya kaya niya nagawa yun, it will never change the fact that she killed a person at muntikan niya pa yung ulitin. She still needs to pay for what she has done.

***

Nandito ako ngayon sa condo para kumuha ng damit namin. Hanggang ngayon kasi ay nasa ospital pa rin si Anika but fortunately nagising naman na siya.

We were all crying that time. Both from relief and joy. We were just so happy na ok na siya.

Gusto na nga niyang magpauwi pero hindi namin siya pinayagan. She still needs to recover at para na rin mas mamonitor siya ng mga doktor.

We still haven't told her the truth about Jessa's death. Napagkasunduan namin na kapag mabuti na talaga ang lagay niya ay saka pa lang namin yun sasabihin sa kanya.

As I was going through her stuff ay may nakita akong box sa loob ng isa sa mga drawers niya.

I was going to ignore it pero mayroong nag-uudyok sa akin na buksan ang box na iyon. It feels like I would be missing something  if I did not open that box. Pakiramdam ko ay pagsisisihan ko kapag hindi ko bubuksan yon.

Alam ko namang hindi ko dapat galawin ang mga gamit ni Anika. She hid this for a reason.

Alam kong mali pero binuksan ko pa rin and I was extremely confused with what I saw.

Inside the box are the notes and letters that I wrote to the mystery person at the park.

Bakit nasa kanya ito? Bakit nasa kanya ang mga sulat ko kay Jessa?

Ang sabi sa akin ni Jessa noon ay wala na ang mga ito. She told me that she didn't keep them. Sabi pa nga niya sa akin noon, hindi naman importante kung itinago niya ang mga ito o hindi. Ang mahalaga ay alam niya at pinapahalagahan niya ang mga nilalaman nila.

Because I badly want to know why ay dali-dali akong nag-ayos at pumunta sa ospital.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Kung itinapon na ni Jessa ang mga ito noon, bakit sila na kay Anika?

Paano nalaman ni Anika ang tungkol dito?

We never told anyone about this. It was our little secret. Kaya naman sobra-sobra ang pagkalito ko.

"Bakit na sayo ang mga ito, Annie?" bulong ko sa sarili ko habang nagmamaneho.

***

Pagdating ko sa ospital ay sinalubong ako ng parents ni Anika. Sabi nila, nagising daw siya kanina pero tulog na siya ngayon.

We talked for a while tapos ay nagpaalam na silang umuwi.

Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit namin ay umupo ako sa tabi ni Anika habang hawak ang box na naglalaman ng mga sulat.

Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Bakit nasa kanya ang mga ito?

Ang tanging scenario lang na naiisip ko ay pagkatapos matapon ni Jessa ang mga ito ay kinuha sila ni Anika. Though hindi ko rin alam kung anong mapapala niya roon.

I examined them one by one at mukhang iningatan talaga sila dahil kahit isang punit ay wala akong nakita.

Kung naitapon nga ito ni Jessa ay sigurado akong may damage na makukuha ang mga papel na ito kahit na kaunti lang. So bakit ni isa wala akong makita?

Patuloy lang ako sa pag-examine sa mga sulat kaya hindi ko namalayan na nagising pala si Anika. Nalaman ko lamang ito ng tawagin niya ako.

"Alex," she said softly.

Agad akong napatayo para tanungin siya kung may kailangan siya.

"Yes, love? Do you need anything?"tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya sa mga sulat na hawak ko.

I suddenly felt guilty and embarassed.

"A-ano kasi Love," sabi ko habang sinusubukan kong magpaliwanag.

Akala ko ay magagalit siya pero ngumiti lamang ito.

"Pumunta ako noon," sabi niya na naging dahilan ng pagkunot ng noo ko.

Saan siya pumunta?

"That night, when you said we should meet, pumunta ako noon. Kaya lang ay may nangyari kaya medyo nalate ako ng dating. Wala ka na noong nakarating ako sa park," sabi niya na ikinabigla ko.

"I was about to tell you the next day. Sasabihin ko na sana sayo na ako yung mystery person na ikinukwento mo noon. Hindi pa tayo gaanong close that time kaya nahihiya pa ako. I was going to tell you, kaya lang ay nalaman kong nililigawan mo na pala si ate so hindi ko na sinabi," dagdag pa niya then ngumiti siya ng mapakla.

"I guess I was too late."

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now