Chapter 22

230 32 2
                                    

Wala kaming nakitang bahay ni Alex. Palaging problema ang location. Halos lahat kasi ng mga pinuntahan naming bahay ay malayo sa office.

Napagkasunduan na lang naming kumuha na muna ng panibagong unit sa condo kung nasaan kami. One that is more spacious, tapos ipaparent namin yung mga unit namin ngayon. At least diba? Extra income din yon.

Mabuti na lang at mayroon pang available na unit kaya hindi na kami nahirapan.

Another thing, lalabas na ng ospital si Gramps! Yehey! Pinag-stay na muna kasi siya doon nila Tita. Siguro para mamonitor siya ng maayos pero ngayon makakalabas na siya.

So magkakaroon ng dinner mamaya sa bahay nila Tita. Doon muna kasi siya titira for the time being. Huwag daw muna siyang hahayaang mag-isa bilin ng doktor. Kaya kahit na may mga maid naman si Gramps, pinili nila Tita na sa kanila na muna siya.

***

We are now  on our way to the Rodriguez residence. As usual, sumabay ako kay Alex.
"Are you excited?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya bago niya ako sagutin. "Of course. Matagal na nung huli tayong nagsama-sama just to actually bond," sagot niya sa akin na sinang-ayunan ko naman.

What he's saying is true. Ngayon na lang kami ulit makakapag dinner ng walang ibang iniisip. Yung mga nakaraan kasi naming pagkikita ay lagi sa ospital, nung naka confine pa si Gramps.

Pagdating namin sa bahay nila, ay agad kami ulit sinalubong ni Nanay Sonya.

Pagkatapos non ay sa garden niya kami pinadiretso. Doon daw kasi napili nila Tita na magset-up.

"Anika, Alex, you're here!" bati sa amin ni Mom. Nandito na rin pala sila ni Dad.

Agad akong pumunta sa kanila para yakapin at batiin sila while si Alex ay dumiretso kanila Tita.

After ko kanila Mom ay sila Tito at Tita naman ang niyakap at binati ko and Alex did the same with my parents.

Sabay kaming lumapit sa lolo ni Alex.
" Gramps! I missed you!" pagbati ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisngi.

"Hello, Lolo. Welcome home," bati naman ni Alex bago niya ito niyakap.

"Hello, mga apo. Kamusta naman kayo?" sagot ni Gramps sa amin.

"We're fine, 'lo," si Alex na yung sumagot sa tanong pagka-upo namin.

Grabe ang daming pagkain. May barbeque, fried chicken, carbonara, fish fillet. Nagutom tuloy ako. Mabuti na lang at nag-aya na silang kumain.

"So, how is married life? Magkakaroon na ba ako ng apo sa tuhod?" nabulunan naman ako dahil sa tanong ni Gramps. Mabuti na lang at inabutan ako kaagad ni Alex ng tubig.

Ano ba yan. Palagi na lang ako nabubulunan sa tuwing nagdidinner kami ng sama-sama.

"Gramps naman!" sabi ko ng mahimasmasan na ako.

Tinawanan lang nila ako. "Ginulat mo ata siya Pa," narinig kong sinabi ni Tita habang tumatawa.

"Bakit? Mag-asawa naman na sila," pangangatwiran naman ni Gramps.

Naku pasalamat ka at mahal kita Gramps.

"I think it's too early for that ,'lo" sabi ni Alex ng humupa na ang tawanan nilang matatanda. "We are still adjusting to married life."

"It's true, Gramps," pagsegunda ko kay Alex. "Halos kakalipat pa nga lang  namin dun sa unit namin." Totoo yon. Actually kahapon lang kami natapos maglipat.

"Give them time, Tito." sabi ni Dad. "Kailangan pa nilang mag-adjust."

Mabuti na lang at nakumbinsi ni Dad si Gramps.

"Ok fine. Hindi na muna ako hihingi ng apo," sabi niya kaya nakahinga na ako ng maluwag. "Pero ano itong nabalitaan ko na wala kayong balak mag-honeymoon?"

Narinig kong nagbuntong hininga si Alex. Siguro ay naiistress na siya sa mga tanong ng Lolo niya. I reached for his hand under the table and gave it a gentle squeeze.

"Hindi naman na kailangan yun Gramps. Gastos lang and besides, busy kami pareho ni Alex."

Nakita kong umiling ang matanda. "Nope, not gonna happen. Pinagbigyan ko na kayo dun sa pagkakaroon ng apo pero hindi na dito."

Kokontra pa sana ako kaso nagsalita si Tito Rob. "I actually agree. Masyado kayong seryoso sa trabaho. Kailangan niyo rin magrelax."

***

So ayun nga. Napagka-isahan kami kanina ni Alex. Wala kaming choice kung hindi ang "mag-honeymoon."

"Grabe talaga si Gramps no? Ayaw patalo," sabi ko kay Alex habang nagbabiyahe kami pauwi.

Natawa naman siya sa sinabi ko. "You know him naman," sabi niya tapos biglang sumeryoso mukha niya. "Pasensya ka na sa kanya ha."

"Sus, wala yun," sagot ko sa kanya. "Sanay naman na ako sa kanya. Ever since bata tayo ganun na yun eh."

Natawa naman siya ulit dahil sa sinabi ko.

"So, where do you wanna go?" tanong sa akin ni Alex.

"I don't know. You choose, pero dito na lang sa Philippines," sagot ko naman sa kanya.

Binigyan kami ni Gramps hanggang bukas para makapag- decide kung saan namin gustong "mag-honeymoon." Siya na daw ang bahala sa expenses. Yun na daw ang wedding gift niya sa amin.

"Is Palawan okay with you?" tanong nito sa akin.

Gusto ko yon. Matagal-tagal na akong hindi nakakapag-beach

"Yup! Namiss ko na ding mag-beach eh."

Tumango naman ito. "Palawan it is then."

"Gawin natin lahat ng activities doon ha?" sabi ko.

"Sure, sulitin natin yung one week."

"Sulitin natin kasi minsan lang manlibre si Gramps."

Pagkasabi ko non ay nagtawanan kami. Alam kasi namin kung gaano kakuripot si Gramps.

Hanggang sa makauwi kami ay tumatawa pa rin kami.

Ano kayang gagawin namin doon?

Grabe excited na ako!








My Everything (Completed)Where stories live. Discover now