Chapter 27

208 35 3
                                    

Nakabalik na kami ni Alex sa Manila kahapon, but we decided to rest for another day kaya bukas na lang kami papasok sa office.

Nagluluto na ako ng almusal. Maaga kasi akong nagising. Naninibago pa siguro ako dito sa condo.

Oo nga pala, dito na kami sa bagong condo namin dumiretso. Pinaayos na daw kasi ni Gramps yung mga gamit namin.

Nagulat nga kami ni Alex dahil nakaayos na talaga lahat. Pwedeng pwede ng tirahan. Kumpleto lahat ng supplies. Pati yung refrigerator puno rin.

Napatalon ako ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

Lumingon ako para tignan ang taong nanggulat sa akin.

Nakita ko siyang nakangisi na parang nang-iinis.

"Ayan ka na naman , Alex," sermon ko sa kanya bago ako bumalik sa pagluluto.

Tinawanan niya lang ako at hinapit palapit sa kanya.

"Nagluluto ako, Alex," sabi ko.

"I know," sagot nito bago pinatong ang baba niya sa balikat ko. "I love watching you cook."

Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin si Alex kahit na nakabalik na kami. Hindi ko rin alam kung bakit niya ito ginagawa.

Tatanungin ko sana siya kaya lang hindi ko alam kung paano ko sasabihin kaya hinayaan ko na lang.

Ng matapos na akong magluto ay inihain ko na ito sa kitchen island habang nagtimpla naman ng kape namin si Alex.

"What do you want to do today?" tanong sa akin ni Alex.

Napatingin ako sa kanya. "We just got home from Palawan yesterday," I deadpanned.

"Alam ko. Tinatanong ko kung anong gusto mong gawin dito sa bahay," sagot naman niya.

"Ah ganun ba? Sorry naman," sabi ko na lang.

Napahiya ako dun ah.

"Movie marathon tayo?" pag-aya ni Alex.

Tumango naman ako agad. "Sure!"

***

Nandito na kami ngayon sa kwarto namin. Namimili ako ng panonoorin habang inaayos ni Alex yung mga dala naming pagkain.

"Alex, Lord of the Rings gusto mo?" tanong ko sa kanya.

"Fine with me," sagot naman niya kaya yun na yung pinili ko.

Noong nagstart na ang movie ay umayos na kami ng puwesto. Kinuha ko na rin yung ice cream na dala namin.

Seryoso akong nanonood ng may kumalabit sa akin.

"What?" tanong ko habang nakatutok pa rin sa movie.

"Feed me," sagot naman ng kasama ko.

"Where's yours?"

"I already finished mine."

Para hindi niya na ako guluhin ay sinubuan ko na lang siya.

We are halfway through the second movie ng ipatong ni Alex ang ulo niya sa lap ko.
At dahil sa sobrang engrossed ko sa movie ay hinayaan ko na lang siya ulit.

It's seems like I've been doing that a lot lately... hayaan lang gawin ni Alex ang gusto niya.

I played with his hair habang nanonood kami. Mukha namang nagustuhan ni Alex dahil hindi niya ako pinatigil.

When we are on the third movie, ako naman yung nakahinga sa may lap niya at siya naman ang naglalaro sa buhok ko.

Sobrang relaxing ng ginagawa ni Alex kaya hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

My Everything (Completed)Where stories live. Discover now