Chapter 32

197 31 0
                                    

Kagaya ng pinag-usapan ay ini-report namin ang nangyari.

Agad naman silang pumunta dito sa office.

Ni-review nila yung CCTV footage, pati na rin yung note. Humingi din sila ng list ng lahat ng pumasok sa building ngayong araw.

Nagtanong-tanong na rin sila kung may nakakita dun sa taong naka hoodie.

"Hangga't maaari, dapat may kasama ka. Avoid going out alone. Hindi pa natin alam kung gaano kaseryoso ang sitwasyon pero mas mabuti na ang nag-iingat," sabi nung officer  kay Anika.

Agad namang tumango si Anika."Yes, officer. I'll keep that in mind."

Seryosong- seryoso ang mukha niya.

Nakipag-kamay muna ang pulis sa amin bago siya umalis. "Please alert us if ever na masundan pa ito."

"Yes, officer," sagot ko sa kanya. "Thank you very much."

Ngumiti lamang ito bago siya nagsalita. "No need to thank me. I'm just doing my job.

Ay tuluyan na nga silang umalis.

***

"We need to tell our parents," sabi ko kay Anika habang pauwi kami.

Nagtaka naman ako dahil walang sumasagot. I looked at her direction and saw her sleeping.

Mukhang pagod na pagod siya.

Gusto ko na sanang umuwi kanina para naman makapagpahinga siya kaya lang ay tumanggi ito.

Hindi daw niya hahayaang maapektohan nung nangyari ang buhay niya.

Alam ko na kinakabahan pa rin siya pero she is brave enough to face the situation.

I admire her for that. Hindi naman kasi duwag si Anika.

Pero siyempre, kahit ayaw niyang sabihin, alam kong may epekto pa rin yun sa kanya. She must have been mentally exhausted.

Siguro para sa ibang tao ay maliit na bagay lamang ang nangyari kanina. Para siguro sa kanila, OA kami pero that's not the case.

Mabait na tayo si Anika. Never ko siyang nakitang may kaaway or nakasamaan ng loob kaya big deal ito para sa amin.

First time na may nagbanta sa kanya. What's worse ay wala namang kasalanan si Anika dun sa tao.

Ginawa nila yun dahil sa akin and I can't stop myself from feeling guilty.

Nalalagay na naman siya sa alanganin dahil sa akin.

It felt like something is squeezing my heart. Lalo na kaninang umiiyak siya.

I hate seeing her like that.

She doesn't deserve any of this.

She doesn't deserve the hate.

She deserves to be loved.

***

Ginising ko si Anika pagkarating namin sa parking lot. "Annie, wake up. Nandito na tayo."

Agad naman niyang binuksan ang mga mata niya. "Alex?" tanong niya. Halatang inaantok pa siya.

Natawa naman ako sa itsura niya. Parang bata talaga. "Yes, love," sagot ko naman. "Gising ka na. Nandito na tayo sa condo."

Naghintay muna ako ng ilang minuto bago tuluyang nagising ang diwa niya.

Pagkapasok namin sa unit ay nagsalita ako agad.  "Ako na ang magluluto ng dinner," sabi ko.

Tinignan naman ako ni Anika. Akala ko ay kokontra pa siya. Mabuti na lang at sumunod na lang siya. "Sige," sabi niya. "Mauna na akong mag-shower ha?"

I kissed her forehead. "Sure," sabi ko sa kanya. "Magpahinga ka muna. Tatawagin na lang kita kapag luto na ang pagkain."

Tumango na lamang ito bago pumunta sa kuwarto namin.

***

"Annie, dinner's ready!" tawag ko kay Anika pagkatapos kong magluto.

Nagtaka naman ako dahil walang sumasagot. I tried to call her again, pero hindi pa rin siya sumasagot.

Pinuntahan ko na lang siya sa kuwarto.

Pagpasok ko ay nakita ko siyang mahimbing na natutulog.

Pinag-isipan ko kung gigisingin ko pa ba siya or kung hahayaan ko na lang siyang matulog.

In the end, I decided to let her sleep na lang.
Baka kasi hindi na siya makatulog kapag ginising ko pa siya ulit. Besides, mukhang pagod na pagod talaga siya.

Ipagtatabi ko na lang siya ng pagkain if ever na magising siya mamaya.

Inayos ko ang pagkakahiga niya atsaka ko siya kinumutan.

Mabuti na lang at hindi na siya  katulad ng dati na nagigising kapag may humahawak sa kanya.

Nasanay na siguro siya na may katabi kaya ganon. Hindi na nga rin kami naglalagay ng partition eh.

I combed my fingers through her hair. She looks so peaceful. Nawala na yung pag-aalala sa mukha niya.

At least makakapag pahinga siya kahit na papaano.

"Don't worry, Annie," sabi ko sa kanya kahit na tulog na siya. "I won't let anyone hurt you."

I kissed her forehead bago ako lumabas ng kuwarto.







My Everything (Completed)Where stories live. Discover now