Kabanata 21

15.5K 478 37
                                    

Kabanata 21

Naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Konsi sa labi ko, kasabay ng pagsapo niya sa pisngi ko. Siya pa lang ang unang lalaking nakahalikan ko, at dahil yata sa ilang ulit na paghalik niya sa akin ay naging expert na rin ako. Ginagaya ko ang ginagawa niya. Nag-umpisang gumalaw ang dila niya at binigyan ko iyon ng pagkakataon na makapasok sa bibig ko.

Ang mga kamay ko ay awtomatikong naglandas sa mga dibdib niya. Kahit may suot siyang damit ay ramdam ko kung gaano katikas ang katawan niya.

Naramdaman ko ang isa niyang kamay na nakasuporta sa mukha ko ang isa naman ay nasa beywang ko. Gumagalaw ng pataas at pababa.

Nagpatuloy lang kami sa ganoong position, hanggang sa naramdaman kong unti-unti akong hinihiga ni Konsi sa sofa at siya naman ay nasa ibabaw ko.

Ang mga kamay ko ngayon ay nakapulupot na sa kanyang mga leeg. Pareho kaming habol hininga nang maglayo ang mga labi namin. At napasinghap ako noong lumipat ang mga labi niya sa leeg ko.

"Konsi..." mahinang tawag ko.

"Hmm..." iyon lang ang tangi niyang sagot. Pumikit ako at hinayaan kong gawin niya ang ginagawa niya sa akin. Ang mga kamay ko naman ay naglalandas sa balikat niya ang isa naman ay sa likod niya.

Pumikit ako habang ine-enjoy ang sensasyong dulot ng mga halik niya. Patuloy siya sa paghalik sa leeg ko hanggang sa...

"Ma...waaaah, da...da...da...ma...ma.." narinig ko ang humihikbing si Cassia. Natigilan ako, napadilat at naitulak ko si Konsi.

"Umiiyak si Cassia." Sabi ko kay Konsi na nakatulala sa mukha ko.

"Ah— oo nga." Sabi niya nang mapagtantong si Cassia ang narinig namin mula sa baby pager. Pareho kaming napatingin roon.

Mabilis akong tumayo at inayos ang damit ko.

Lumabas ako at tumakbo sa kwarto ni Cassia. Naabutan ko siyang nakatayo sa loob ng crib niya.

"Yes baby? What's wrong?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Hilam sa luha ang mga mata niya.

"Ma..ma..ma..ma.." umiyak ulit ito nang makita ako. Kaya kinuha ko at binuhat. Pilit kong pinakalma.

"Don't cry, don't cry. Mama's here." Pag-alo ko pa sa kanya.

"Is everything alright?" Napalingon ako kay Konsi na kasalukuyang nasa pinto ng kwarto.

Nag-init ang pisngi ko nang maalala kung ano ang namagitan sa amin sa kwarto niya kani-kanina lang. Tumungo ako at muling binalik ang atensyon kay Cassia bago sumagot.

"Umiyak lalo nang makita ako." Pinaghele kong muli si Cassia. "Naalimpungatan siguro." Patuloy ko habang sumasayaw-sayaw.

"Shhh... Shhh... Don't cry." Inalo ko si Cassia habang pinaghehele.

"Are you hungry?" Tanong ko pa sa bata.

"I'll prepare the formula." Pumunta si Konsi sa table kung nasaan ang milk supplies ni Cassia. At nagtimpla ng gatas.

"Here." Abot niya sa akin. Hiniga ko si Cassia sa higaan at pinadede ko. Gutom siguro.

"Konsi, dito na ako matulog pahinga ka na. Goodnight, alam kong napagod ka sa byahe." Sumenyas ako sa kanya ng ba-bye.

Nagdadalawang isip pa yata kung lalabas o hindi pero sa huli lumabas din siya. Binalik ko ang atensyon ko kay Cassia na bahagya nang nakatulog.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon