Kabanata 32

12.9K 438 20
                                    

Kabanata 32

Birthday ng Mama ni Konsi ngayon kaya narito kami sa bahay ng mga magulang niya.

Sa mga nakalipas na buwan, Pasko at Bagong Taon, naramdaman kong pamilya na ako ng pamilya ni Konsi. Masaya ako na nagkaroon ako ng bagong mga magulang sa katauhan ng Mama at Papa ni Konsi, idagdag pa si Mamita at si Papito.

"Kailan ba ang kasalan, apo?" Napabaling ako kay Mamita mula sa pagkakatulala ko. Nasa tabi ko na pala siya.

"Bago daw po ang eleksiyon. May nakausap na rin kaming mga Wedding planners and organizers." Bumuntong hininga ako.

"E bakit parang sambakol ang mukha mo? Hindi ka ba excited? Halos tatlong na buwan na kayong engage. Ang iba nga isang buwan lang ang preparasyon.

"E kasi Mamita, parang nabibilisan po ako sa mga ganap. Marami pa akong plano. Ayokong magmadali kaming dalawa." Hindi ko alam pero namalayan  ko na na naglabas na ako ng mga himutok ko kay Mamita.

Sumeryoso si Mamita.

"May agam-agam ka ba sa bilis ng mga nangyari sa relasyon ninyo?" Tanong ni Mamita.

"Mamita, iilang buwan pa lang mula nang naging kami. Pitong buwan pa lang, limang buwan noong naglayas ako tapos nag-propose sa akin si Konsi. Sobrang mabilis."

"Naguguluhan ka ba sa nararamdaman mo sa kaniya?" Tumingin ako kay Mamita.

"Mamita, hindi po. Alam ko na mahal kong talaga si Konsi. Hindi ako nag-aagam-agam sa nararamdaman ko sa kaniya." Paliwanag ko.

"E anong inaalala mo?" Tanong niya.

"Mamita, hindi ko alam kung tama ang nararamdaman ko, pero bakit parang may pakiramdam akong minamadali ang lahat para sa eleksyon." Huminto ako saglit at tinignan ang reaksyon ni Mamita.

"A—ano, alam ko naman at ramdam kong mahal ako ni Konsi, pero kasi parang natatabunan iyong pagmamahal namin at iyong value noon dahil sa pagmamadali namin para sa kampaniya niya."

"Iniisip mo bang ginagamit ang relasyon ninyo ng mga kaalyado niya para sa publicity?" Malumanay na tanong ni Mamita.

Pinaglapat ko ang mga labi ko ng mariin, ngumiti ng mapait at tumango.

"Apo, nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Masyado ngang mabilis ang lahat, pero kung doon naman din iyon patungo, wala namang masamang madaliin, pero dapat pag-usapan ninyong dalawa. Mabait at maunawain si Casi, maiintindihan niya ang punto mo." Paliwanag ni Mamita.

"Salamat po, Mamita." Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Pag-angat ng tingin ko ay papalapit si Konsi.

"Oh, ayan na siya. Iiwan ko kayo. Ang payo ko ay pag-usapan ninyo iyan. Hindi man sa ngayon, pero sa susunod na mga araw."

"Apo, papasok muna ako sa loob ha?" Hinawakan pa ni Mamita si Konsi sa mukha. Ngumiti sa akin si Mamita na wari mo'y sinasabing 'Cheer up! Kaya mo yan.'

"Nagising ba si Cassia?" Tanong ko kay Konsi.

"Hindi pa naman." Sagot niya na tumabi sa akin sa upuan.

"Are you okay? Parang seryoso ang usapan ninyo ni Mamita."

"Ah, wala iyon, nangungumusta siya sa wedding plans." Walang kagatol-gatol na sabi ko.

"Hey, bakit pakiramdam ko iba ang reaksyon mo sa tuwing napag-uusapan ang kasal at wedding preparations. Hindi ka ba excited?"

Hindi ako kumibo sa tanong niya.

"May problema ba tayo?" Tanong niya muli pero umiling-iling ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na hindi ko siya ma-ooffend o masasaktan.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon