Kabanata 37

10.6K 352 18
                                    

Kabanata 37

Matapos kong malaman na positive ako sa pregnancy dahil sa PT ay in-ultrasound ako ng asawa ni Doctor Romero. Four weeks pregnant daw ako pero wala pang makita sa sonogram. Maaaring masyado  pa raw maaga para makita ang bata kaya babalik pa ako after three weeks. Pero gayun pa man, sa kaalaman na magkaka-anak kami ng asawa ko ay sobrang saya na ng puso ko.

Hindi ko maintindihan ang sinabi sa akin ng OB nung araw na iyon, pero ang pagkakasabi niya ay hindi pa niya nakikitaan ng movement ang dinadala ko. Kaya ipagdasal daw namin na maging maayos ang pinagbubuntis ko.

"'Tart, kaya mo bang pagsabayin ang pagbubuntis at schooling?" Nag-aalalang tanong ng asawa ko. Iba na kasi ang pakiramdam ko lately.

"Kaya ko pa naman, kapag hindi, mag-drop ako ng ibang subjects." Ngumiti ako sa kaniya.

"May gusto ka bang kainin o anuman?" Mula nang malaman niyang buntis ako ay todo alaga at pag-aalala na ang nakita ko sa kaniya, kulang na lang ay hindi na pumasok sa trabaho niya para ibigay sa akin ang mga gugustuhin ko.

"Sweetie, wala naman kaming gusto ni Baby," hinaplos ko ang mukha niya. Tapos kinurot ko ang ilong niya.

"Sana kasing pogi mo ang anak natin." Natawa siya sa sinabi ko.

"You are really sure it's a he?" Nakangiting tanong niya.

Tumango ako sa kaniya. "Yes, sigurado ako." Hinipo niya ang tiyan ko.

"We are waiting for you, our little one." May sinseridad sa tinig niyang kausap sa tiyan ko.

Hindi pa muna namin pinagsabi sa kahit kanino ang pagdadalangtao ko. Lalo't hindi pa malinaw ang nakita sa ultrasound. Sinarili muna naming mag-asawa. Kailangan muna namin bumalik sa OB

At dumating ang araw ng balik namin sa OB. Namamawis ang mga kamay ko at nilalamig.

"Everything will be alright, Tart." Hinalikan niya ang ulo ko at hinawakan ang kamay ko. Sa clinic sa Manila kami pinapunta ni Doctor Romero.

"Good morning Misis Zaragoza." Ready ka na ba?" Tumango ako at ngumiti kay Doctor Romero.

"You are already on your 7th week almost two months." May pinahid siyang malamig sa tiyan ko at ginalaw galaw ang probe roon.

"There, I can see a sac, pero..." tumigil siya at tumingin sa aming mag-asawa. Nasa mata naming mag-asawa ang pag-aalala.

"Ano po, doc?" Hindi mapakaling tanong ng asawa ko.

"It seems empty." Namawis ako sa narinig ko at naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ng asawa ko sa kamay ko.

"Wait doc, paanong empty?" Naguguluhang tanong niya. Kahit ako ay nalilito.

"Hmm, hindi nagdedevelop ang fetus. Pero minsan nangyayari talaga ito, until such time na biglang may nadedevelop na fetus."

"Doc, may problema po ba sa pinagbubuntis ko?" Pinipigil ko ang maiyak sa tanong ko.

"It could be a blythed ovum or what we called the anembryonic pregnancy, but I won't jump to conclusions yet." Naramdaman ko ang simpatya sa haplos ni Doktora sa kamay ko.

"Again, let's hope to see a developed fetus on your next check-up." Isang ngiti ang ibinigay niya sa amin.

"Continue taking your vitamins, it will help."

Tahimik kaming pareho sa loob ng sasakyan. Magkasama kami pero parang ang layo namin. Walang gustong magsalita.

Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at humiga sa kama. Niyakap ko ang sarili ko at tahimik na nagdasal.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon