Kabanata 10

38K 1K 191
                                    

Kabanata 10

Maingay nang magising ako ngayon lumabas ako ng kwarto at tumanaw mula sa hagdan. May mga nagbubuhat ng lamesa at upuan, may nagpapalit ng mga kurtina. Masyadong maraming tao para ganitong kaaga. Ano bang meron?

"I want that there." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nang makita ko si Tita Elen ay naalala ko kung anong meron ngayon.

"Ma you're too early, hayaan mo na sila diyan." Natigilan ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang baritonong boses mula sa likuran ko. Kagabi nga pala ay dumating na dito ang parents ni Konsi kasi gusto ng Mama niya na maging hands on sa mangyayaring binyag ng apo at birthday ng anak.

"Gising na pala kayo, time ticks. Maya-maya lang ay pupunta na tayong simbahan so better ready magbreakfast na kayo." Sa gawi ng pakikitungo sa akin ni Tita Elen pakiramdam ko aya espesyal ako, na para bang parte na ako ng pamilya.

"Salamat po Tita, bibisitahin ko muna po si Cassia." Tumango ako sa kanya tapos kay Konsi na nasa likod ko. Putres talaga yong sando niya na namang iyon. Nadedepina pa naman nun ang maganda niyang katawan. Pakshet yong tinatakbo na naman ng utak ko.

"Me too mama, it's her big day too." Narinig kong sabi niya at base sa sinabi niya ay pupuntahan niya din ang anak niya.

Sa totoo lang ay medyo naiilang pa ako kay Konsi, ewan ko kung nahahalata niya ba na sa tuwing nag-uusap kami ay naiilang ako, paano kasi sa tuwing nakikita ko ang labi niya naalala ko kung gaano yon kalambot nung dumampi sa labi ko.

Shet! Nung gabing nagkainuman kami, hindi ko alam kung gising siya nung nangyari ang insidente, kasi narinig kong humihilik na siya nung napatayo na ako. Nung sumunod na araw naman ay hindi naman siya nag-open ng usapan. Baka nga siguro tulog na siya nun.

Pagpasok namin sa kwarto ni Cassia ay sakto namang nagising siya.

"Good morning baby ko." Mabilis akong lumapit sa kanya. Siya naman ay mabilis na tumayo sa pagkakahiga at kumapit sa railings ng crib niya. Sobrang galing niya nang buhatin ang sarili, magaling na rin siya humakbang-hakbang basta ba ay hawak kahit isang kamay niya.

"Mmaaa... Dada." Sabi niya nung makita niya kami ng daddy niya.

"Uh my princess called me dada again." Malambing na kausap ni Konsi sa anak, nito kasing nakaraang araw ay tinuturuan niya ang anak na tawagin siyang 'daddy.'

"Dada, dada." Excited na sigaw niya habang papalapit sa kanya ang daddy niya.

Nitong mga nakalipas na araw nakita ko kung gaano naging attached si Konsi sa anak niya, paggising sa umaga dadaan muna siya sa anak niya, bago umalis tsaka pag-uwi. Ganun dim si Cassia sa daddy niya. Pero kung titignan mukhang hindi pa rin kumpleto ang araw ng pamangkin ko nang hindi ako nakikita.

"Okay kiss Daddy muna." Nilalambing niya na ngayon ang anak niya. "Muaaah." Narinig ko pa ang paggaya niya sa tunog ng kiss tapos nagkiss sila sa lips ng anak niya. Napalunok ako nung maalala ko ang labi niya. Pakshet! Kinalimutan ko na ng ayong nangyari nung gabing yon naalala ko na naman tuloy.

"Mama...ma..." Dun lang ulit ako natauhan mula sa naisip ko. Lumapit naman sila sa akin tapos yumakap sa akin si Cassia kahit buhat siya ng daddy niya, sobrang lapit tuloy namin.

"Iss..." Ngumuso si Cassia at ang sumunod ko na lamg naramdaman ay ang kiss ng pamangkin ko sa lips ko. Tapos yumakap ulit siya sa daddy niya, potek indirect kiss yon ha. Natigilan ako at napatingin sa dalawa na naghaharutan. Sinaway ko na lang ang sarili ko dahil mukhang ako lang ang affected.

"Let's eat baby." Yakag niya sa anak niya, "How bout you Aria? Kain ka na din we'll be having a long day today." Naling niya naman sa akin.

"Sige magshower lang muna ako, ikaw muna ang bahala sa kanya." Hindi ako umiiwas dahil naiilang ako, kasi totoo namang magsashower pa ako.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon