Kabanata 31

14.9K 452 20
                                    

Kabanata 31

Aria

Wala si Konsi sa tabi ko noong magising ako. Kinusot ko maigi ang mata ko at kinurot ang pisngi ko para masigurong hindi panaginip ang mga pangyayari kagabi.

Sumilip ako sa ilalim ng kumot at nakumpirmang wala akong saplot.

"Good morning, 'Tart! Breakfast in bed." Nahiya ako bigla nang maalala ang mga ginawa namin ni Konsi kagabi. Hinapit ko ang kumot at pinigilan siya sa paglapit.

Natawa siya sa ginawa ko. "I've seen, kissed and touched all of that. So what made you shy about wearing nothing?" Nakakalokong tumawa siya.

"E kagabi iyon. Iba na ngayon." Angil ko. Nakakahiya na wala akong damit. Ang liwanag kaya.

"Uh-huh? Ganun ba?" Mapang-asar na ngumiti pa siya at nilapag sa ibabaw ng kama ang dalang food tray.

"Nasaan ba ang damit ko? Pwede ba labas ka muna, Konsi?" Sinungitan ko siya. Paano kasi mukhang walang balak lumabas. Tatawa-tawa siyang umatras hanggang makalabas sa pinto ng kwarto.

Natagpuan ko ang romper ko sa ibaba ng kama, ang bra ko sa ibabaw ng bedside table. At ang panty ko na nasa may ilalim ng unan.

Nag-init ang pisngi ko lalo na nang maalala ang mga pangyayari kagabi. Naisuko ko na pala ang bataan. Tama ba na sinuko ko agad? Mahal niya naman ako at ikakasal naman na kami.

Napatingin ako sa daliri ko kung saan nakasuot ang isang singsing na may bato.  Tinitigan ko iyon habang kinukurot ang pisngi. Hindi ako nananaginip.

"'Tart are you done?" Natigilan ako sa ginagawa at mabilis na sinuot ang underwear ko.

"Wait! Hindi pa, saglit." Kabadong sigaw ko, at baka bigla siyang pumasok.

Mabilis na sinuot ko ang romper. Pero kailangan ko pala ng magsasara ng zipper nito.

"Are you done, 'Tart? Papasok na ako!" Inip na sigaw ng fiancé ko.

Oo, fiancé  ko na si Konsi. Hindi ako nananaginip.

Iiling-iling ako dahil sa pagka-inip ni Konsi.

"Papasok na ako ah!" Di na ako nakaangal dahil nakapasok na siya.

"What took you so long?" Tanong niya sa akin.

"Di ko masara kasi yong zipper ng damit ko." Nanghahaba ang nguso na sagot ko.

"I don't mind naman kahit nakahubad pa iyan."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sinugod ko siya at hinampas sa dibdib.

"Sira ka, Konsi!" Tawa siya nang tawa habang hinahampas ko siya sa braso. Pakiramdam ko ay namumula ang buo kong mukha.

"Paki-sara na lang please? Tumalikod ako para ipasara ang zipper ng damit ko.

Dahan-dahan niyang inangat ang zipper tapos binaba ulit. Akala ko ay naipit kaya ganoon pero nung napansin kong inaangat baba niya na. Iba na ito!

"Konsi?" Malambing na tawag ko.

"Hmm?" Tugon niya.

"Sabi ko pa-zipper hindi paglalaruan." Paalala ko sa kaniya.

"'Tart, sorry. Nasira ko yata ang zipper nito kagabi." Parang batang sagot niya.

"Hala!" Napaharap ako sa kaniya.

"Hanap ako ng damit ni Rima sa kabilang kwarto mamaya. Breakfast muna tayo. Gutom na ako." Humimas pa siya sa tiyan niya.

Pakiramdam ko ay nag-init na naman ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Ano bang ginawa namin kagabi? Bakit parang di ko maalala kung paanong nahubad ang romper ko?

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Where stories live. Discover now