Kabanata 7

30.8K 853 21
                                    

Kabanata 7

Kabado ako habang papasok kami sa mansyon ng mga Zaragoza. Shet daig ko pa ang manugang na ngayon lang ipapakilala sa mga biyenan. Putik! Bakit ba ako kinakabahan? Natatakot ba akong matapobre ang mga mayayamang katulad nila at baka kaya naghiwalay si Ate at Konsi ay dahil sa matapobreng magulang ni Konsi. Naku baka hindi nila matanggap ang apo nila.

Hindi ko alam kung bakit ganun ang tumatakbo sa isip ko, nasobrahan na yata ako sa kakabasa ng romance pocketbook at kapapanood ng telenovela.

"Ayos lang ba na ikaw ang kumarga sa kanya? Andyan naman si Ate Fe." Puna sa akin ni Konsi.

"Mam ako na po." Teka hindi ko pa pala nasasabihan tong si Ate Fe na wag ako masyadong tawaging Mam at baka mamihasa ako. Feeling boss na tuloy ako.

Inabot ko na rin sa kanya si Cassia dahil nanlalamig ang kamay ko. Papasok na kami sa malaking pinto nang marinig kong sumigaw si Rima. "Cassia..." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses niya. Palapit na siya sa amin at nakangiti siya.

"Hi Aria, hi Kuya... Come here, baby." Kinuha niya kay Ate Fe si Cassia.

"Si Mama?" Tanong ni Konsi kay Rima.

"Nandoon pinahain na lahat ng paborito mo nung malaman na darating ka. You know her, excited pag dumadating kayo." Tumitirik pa ang matang sabi niya.

Ngumiti si Konsi at natyempuhan ko na naman ang paglubog ng dimples niya. Shet ngiting nakakatunaw. Letse ang landi mo Ariana! Kung anu-anong napasok sa isip mo.

At dahil siguro sa paglipad ng isip ko ay naglakad na lang ako at sumunod sa kanya. Habang naglalakad ay umiikot ang mata ko sa buong bahay. Shet eto na ang pinakamagandang bahay na napasukan ko. Pagpasok palang ng pinto alam mo nang nagmumura ng kayamanan ang buong mansyon. Actually mula sa labas, mula nung pumasok ang sasakyan sa loob.

Natigilan at natulala ako sa isang malaking portrait na nakita ko doon. Family portrait nila. At napagtanto kong madami pala silang magkakapatid at hindi ako nagkamaling magandang lahi sila.

Sa gitna ng potrait ay ang batang babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Rima. Sa kanyamg tabi ay marahil ang kanyang lolo at lola. Sa likod nila ay ang mag-asawang paniguradong magulang nila Konsi may isang maliit pang bata na nakapagitan sa mag-asawa. Sinipat ko pa ang portrait para hanapin siya. Naka-upo siya katabi ng kanyang Lola sa kabila naman ay isa pang lalaking katabi ng Lolo nila. Sa kabilaang gilid ng nanay at tatay nila ay may dalawa pang lalaki. Anim silang magkakapatid.

Nawala lang ang atensyon ko dun nung makarinig ako ng mga yabag na sinundan ng boses ng isang babae.

"You're here, Casi!" Sumilip ako at nakita ang sopistikadang babae na sa tanya ko ang edad ay naglalaro sa fifty five to sixty. Pero kahit may edad ay kitang-kita ang ganda niya. Sa hiya ko ay nagtago ako sa likod ni Konsi para hindi niya ako makita. Bakit ba kasi ako napasunod dito? Lumingon ako sa likod pero mukhang napalayo na kami sa main door. Nasaan na ba sila Rima?

"Ma."

"Good to see you here,  Hijo, I missed you, hindi niyo na kami dinadalaw." Nakalapit na ito at niyakap si Konsi, may himig tampo pa nga ang boses niya.

"Alam mo namang busy kami Ma, si Papa?"

"Ayon nag-golf, ako lang mag-isa dito tapos si Rima. Jusko yong batang yon mas gusto dito sa bahay, ayaw tumulong sa business." Napapngiting sabi niya.

Ewan ko kung bakit hindi siya masyadong nakakabisita dito e hindi naman ganun kalayo ang bahay niya sa mansiyon nila, mga one hour na byahe ata. Parang dulo-dulo ng bayan yong bahay nila. Kung hindi ako nagkakamali ay may farm din ata sila, halatang malaki ang lupain nila e. Mukhang niyog ang pinakang produkto nila.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon