Kabanata 9

32.5K 994 54
                                    

Kabanata 9

Isang linggo na lang ay binyag na ni Cassia at birthday ni Konsi. Hindi ko na alam kung ano nang mangyayari kasi ang Mama niya ang nag-aasikaso. Sa loob ng mga nakalipas na araw ay madalas kaming pumupunta sa mansion nila. Hanggang sa nasanay na lang din ako. Minsan naman ang Mama niya ang napunta sa bahay. Tulad ngayon.

"Mam san po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, nung nakasakay na kami sa sasakyan niya, hindi na kami nagsama ng katulong kasi paniguradong siya lang halos magbubuhat sa apo niya.

"Bibilhan ng gamit ang apo ko." Tumaas pa ang kilay niya, kaya napayuko ako. "Tita, tita na lang ang itawag mo sa akin, naiilang ako na Mam ang tawag mo sa akin, hindi naman kita tauhan." Nagulat ako sa sinabi niyang yon kaya napa-angat ang tingin ko.

May ngiti akong nakita sa labi niya pero agad din yong nawala at bumalik ang atensyon niya sa apo niya na kalong-kalong niya ngayon. Napangiti ako sa sarili ko. Mabait naman pala kahit papaano. Pasado na rin kaya ako sa kanya? Pasado? Natigilan ako nang mapagtanto ang iniisip ko. Pasado na maging tita ng apo niya, palusot ko na lang sa sarili ko.

"Ma-ahm-Tita, ako na po muna kay Cassia at baka nappagod na kayo. Kahit kasi nakastroller si Cassia ay siya pa rin ang may gusto na itulak ito, e alam ko namang hindi siya ganun kasanay dahil sigurado akong noon ay may tiga alaga siya ng mga niya.

"I'm fine, Hija. I am enjoying this antagal na nung huli akong nag-alaga ng bata." Iwinawagayway niya pa ang kamay niya sa ere.

Maya-maya aya nakarating rin kami sa mall.

Nakailang boutique na din kasi kami dahil binilhan niya ng binilhan ang apo niya. Ngayon palang ay nakikini-kinita ko na na mas maii-spoiled ang pamangkin ko kapag lumaki-laki pa siya.

"May isusuot ka na ba sa party, next week?" Napaangat ang tingin ko mula sa paglalakad dahil sa tanong niyang yon.

"Ahm, meron naman po, titingin lang po ako sa mga damit ko." Nahihiyang sagot ko, sa totoo lang ay hindi ko sigurado kung may matino pa akong damit na maisusuot, ngayon ko lang din naalala na mukhang wala nga yata akong maisusuot sa mga damit ko. At kung ipiplit ko ang isa ko pang dress doon ay magmumukha talaga akong cheap e paniguradong dadaluhan yon ng mga kilalang personalidad.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paglalakad, kaya sumunod lang ako, pumasok kami sa boutique na maraming mga dress, habol pa nga ang tingin ko sa mga damit na suot ng mga mannequin na nadadaanan namin. Masyado akong namamangha na iniisip ko kung kailan kaya ako makapagsusuot ng ganun? At paniguradong mahal din ang mga yon.

"Good morning Ma'am." Salubong agad ng isang sales lady nung makapasok kami sa loob.

"Can you find her a perfect dress?" Sagot ni Mam ay Tita Elen pala. Na ngayon ay namimili din sa mga damit na nasabit. Naptingin ako sa kanya tapos sa babae.

"Halika po, Mam." Aya sa akin ng sales lady na dinala ako sa mga hanger kung nasaan ang mga dress. Nakita ko doon yong mga dress na nakita kong suot ng mannequin sa harap.

Inabutan ako ng sales lady ng isa at sinukat ko iyon sa loob ng fitting room, isa iyong pink na sleeveless dress tapos pabuka ang baba noon. Paglabas ko ay inaabangan pala ako ni Tita. "Ikot ka." Utos niya kaya sumunod na lang ako.

"Ayoko niyan, eto i-try mo." Kumento niya at inabot sa akin ang isang light blue na dress. Gaya noong isa ay sinukat ko din iyon, pero mukhang hindi niya nagustuhan ang hanggang talampakang long sleeved dress na pinasukat niya sa akin. Umiling-iling siya at may inabot uli sa akin, kulay krema iyon. "Try that."

Pumasok ulit ako sa loob para isuot ang pangatlong dress, napanganga ako ng makita ko ang sarili ko sa repleksyon. Hanggang tuhod ang hapit na kremang off shoulder dress. Medyo nailang pa nga akong lumabas kasi hindi naman ako sanay magsuot ng ganito.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon