Kabanata 36

11.3K 393 41
                                    

Kabanata 36

Sinulit namin ng asawa ko ang ilang araw pa namin sa Batanes. Yes! Asawa ko! Ang sarap lang sabihin.

Pinasyalan namin ang mga pasyalan rito na nakikita ko lang noon sa mga pictures. Light house ang pinakapaborito ko sa lahat ng pinuntahan namin. Nagpa-picture pa rin kami. Nagkaroon kami ng wedding shoot two days matapos ang kasal namin. Sabi ng asawa ko para daw magkaroon kami ng remembrance.

Kinabukasan matapos ang kasal ay tumawag kami sa pamilya niya para ipagmalaking kasal na kami, walang gulat na nabakas sa mga reaksiyon nila. Puro galak. Iyon naman pala'y alam na ng lahat maliban sa akin.

Sobrang galing mamikot—este—manurpresa ng asawa ko.

"'Tart, my wife?" Natatawa na lang ako sa tawag niya.

"Yes, Sweetie?" Nilingon ko siya mula sa mga nililigpit kong gamit namin.

"Did you enjoy our trip?" Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa bandang leeg ko. Nandito na pala siya sa likod ko at nakaluhod sa ibabaw ng kama.

Napapitlag ako dahil sa ginawa niya. "Of course." Mabilis na sagot ko. "Sweetie, nakikiliti ako." May mga patubo na kasi siyang bigote.

"Masaya ako pero bitin pa ako sa honeymoon period." Bulong niya sa nakakakilabot na tinig. Nakakakilabot dahil damang-dama ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Mister-Mayor Zaragoza, marami ka pa pong dapat asikasuhin sa hometown mo." Bumaling ako sa kaniya at pinisil siya sa baba at hinimas ang kaniyang cleft chin, gustong gusto ko iyong hawakan lalo kung bago siyang ahit.

"Hindi tayo pwede mag-extend. One week ka nang wala, at mag-uumpisa na po ang termino mo." Parang bata ang kausap ko sa lagay na ito.

Nanulis ang nguso niya at nagpa-awa ang maganda niyang mga mata.

"Oh, don't give me that puppy look again. Manang-mana talaga sa 'yo ang anak mo." Natatawang turan ko. Humalakhak din siya dahil sa sinabi ko.

"Pag hindi busy, honeymoon ulit tayo." Nakangising sabi niya.

"Mayor! Masyado ka nang naaadik masolo ako! Excuse me, mag-aaral na ako, hindi pwede ang mga gala na gusto mo." Kunwari ay masungit na sagot ko.

"Oh, well. Then let's sleep more on our room than on Cassia's." Napahalakhak na lang ako sa sinabi niya.

***

"Congratulations to the newly wed." Sinalubong kami ng kapamilya ni Konsi. Naroroon sina Mamita, Rima at Miles. Busy daw ang mga kuya nila kaya hindi na nakarating.

Naghanda ng salo-salo ang Mama ni Konsi.

"Welcome to the family." Niyakap ako ng Mama at Papa ni Konsi.

"Dagdagan niyo pa kami ng apo." Nakangiting suhestiyon ng Papa ni Konsi.

"Oo naman, 'Pa." Mabilis na sagot ng loko kong asawa. "Mga ilan po ba?"

Nakurot ko si Konsi dahil sa pag-iinit ng pisngi  ko.

"Don't be shy, my wifey. They deserve bunches of grandchildren." Ngumisi ang asawa ko na pinisil ang tungki ng ilong ko.

Matapos ang hapunan ay umuwi rin kami sa bahay, kailangan ng asawa ko maging maaga bukas para sa panunumpa niya sa tungkulin.

Nang gabing iyon ay maaga akong nakatulog. Nahapo ako sa mahabang byahe. Gusto ko lang ay matulog. Hindi ko na pinansin ang pangingulit ng asawa ko. Niyakap ko ang unan at payapang natulog.

***

Dumaan muna kami sa puntod ni Ate bago kami dumiretso sa bulwagan. Kasama namin si Cassia.

Nagsindi si Konsi ng kandila at naglapag ng bulaklak. Hawak ko si Cassia.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon