Kabanata 1

46.5K 1.1K 18
                                    

Kabanata 1

"Aling Lota, baka naman pwede mo pa ako bigyan ng palugit? 'Di ko pa kasi nakuha yung parte ko sa raket ko noong isang linggo e." Pakiusap ko sa masungit na landlady ng maliit na apartment na inuupahan ko.

"Naku, tigil-tigilan mo ako Aria! Noong isang buwan ko pa narinig 'yang palusot mong 'yan!" Nakapamewang pa siya at parang umuusok pa ang ilong.

"Aling Lota..." Pinalambing ko pa ang boses ko, baka sakaling tumalab ang charms ko.

"Tigil-tigilan mo ako Aria! Bukas ng umaga gusto kong bakante na ang tinutuluyan mo, kung hindi ka pa rin makakabayad. Marami pa akong pwedeng paupahin dito."

"Aling Lota naman, hindi ka ba naawa sa anak ko?" Paki-usap ko pa.

"Bahala kayo, humanap na kayo ng malilipatan, 'yong papayag ng mga tatlong buwang delay sa paupa." Pagkasabi niya noon ay kumekendeng na nag-walk out ito.

Naiwan akong bagsak ang panga at balikat. Paano na kaya kami ni Cassia?

Napatigil ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang pag-iyak ni Cassia.

Naingayan siguro ang baby ko kay Aling Lota.

"Bakit umiiyak ang baby ko?" Mabilis naman na tumahan ito pagkakita sa akin, ganito kabait ang pamangkin ko. Kaya madali magtrabaho.

"Halika nga." Binuhat ko na si Cassia at nalungkot ako nang maalala ko ang problema ko.

"Baby, asan na ang swerte natin? Wala na tayong bahay." Hindi ko namalayan na tumutulo na ang luha ko. Tumingin sa akin si Cassia.

"Ma..." Napangiti ako sa tinawag niya sa akin, mula noong matuto siyang gumawa ng sound. Mama ang una niyang nasabi at ako ang tinatawg niya noon. Pinipilit ko siyang sabihing 'Tita' o kaya ay 'Ta' pero 'Mama' lang ang sinasabi niya.

Eight months na si Cassia, eight months na rin mula noong mamatay si Ate. Napakadami ko nang pinagdaanan. Kung kani-kanino ako nagpaturo sa pagbabantay ng bata, kung kani-kanino ko na rin pinaalaga si Cassia sa tuwing may raket ako. Ang hirap magpalaki ng bata.

Kaya ultimo love life ko waley na rin. Paano? E nagbubuhay nga ako ng bata, kukuha pa ba ako ng lalaki na panghampas sa ulo ko. Ang priority ko nalang ngayon ay si Cassia. Para ko na rin naman siyang anak.

Kung ipaalam ko nalang kaya sa konsehal niyang tatay? Ilang beses ko na rin kasi na-meet si Konsehal Casi. Ilang beses na kasi siya naging judge sa mga singing contest na nasasalihan ko noong sumasali pa ako sa mga contest, buhay pa noon si Ate. Madali ko siyang mahahanap kasi kilala naman siya sa kabilang bayan. Hindi niya naman na siguro ikakailang kanya si Cassia, e para kaya silang pinagbiyak na bunga.

Pero, hindi puwede. Nangako ako kay Ate.

Tumawag muna ako kay Sheila, ang best friend ko.

"Hello She? Nagising ba kita? Pinapalayas na kami ni Aling Lota. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko bukas ng umaga." Oo anak na ang turing ko kay Cassia.


Itutuloy...

~~~

Author's Note:
Enjoy reading the following chapter.
Please vote and share your thoughts by commenting. 😍

-Leyn

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon