Kabanata 11

27.6K 883 66
                                    

Kabanata 11

Pakiramdam ko ay hindi ako pinatulog dahil sa kaiisip ko kagabi. Ayoko man aminin pero parang may nararamdaman na ako kay Konsi. At alam kong mali kaya ayokong itolerate tong nararamdaman ko. Kailangan kong umiwas hangga't kaya ko.

Kagabi pagkatapos ko kumanta ng isa at pinalakpakan ako ay nagrequest pa ng isang duet si Miles kaya wala akong nagawa kundi makipagduet ng cruisin'. At kahit hindi ako nakatingin kay Konsi, alam ko na nanunuod lang siya. Hindi tuloy ako makapagconcetrate, buti na lang di ako nagkamali. Matapos ang duet ay bumaba na rin ako sa stage at bumalik na sa kwarto ko, ibang klase na kasi yong pintig ng puso ko e, sobrang bilis na kasi nang pintig nito. Lalo na kapag naalala ko kung paano sumulyap si Konsi sa direksyon ko sa stage at bahagyang ngingiti habang nakikipag usap siya sa ilang mga kaibigan niya.

Tinitigan ko si Cassia na mahimbing ang tulog sa tabi ko. "Baby ba'tba lakas ng dating ng Daddy mo? Feeling ko tuloy nagkakasala ako." Para akong tangang kinakausap ang tulog na inosenteng bata. Humiga na lang ako ng ayos at bumuntong hininga. "Itulog mo na yan Aria." Parang timang na kausap ko sa sarili ko, sinabayan ko pa yon ng paghampas sa noo.

***

Nagising ako nang maramdaman ko ang pagbigat sa may bandang dibdib ko, tapos may kumukurot sa pisngi ko. "Mama...ma..." Napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Cassia. Ngumiti agad siya sa akin nung dumilat ako.

"Good morning baby ko." Hinalikan ko siya sa lips tapos tumawa siya nang tumawa nung kiniliti ko siya ng kiniliti sa tiyan.

"Ma...hik, hik." Nang maramdamang kong pagod na siya ay tumigil na ako.

"Bath baby?" Tanong ko sa kanya.

"Ba!" Tili niya.

"Mam? Gising na po ba kayo?" Napabaling ako sa pinto nang marinig ang pagkatok na iyon. Binuhat ko si Cassia sa kaliwang braso ko at sinaklang ang legs niya sa bewang ko. Lumapit kami sa pinto at binuksan ko iyon.

"Ate bakit po?" Tanong ko.

"Mam may pupuntahan daw po kayo nila Sir, kaya pinagigising na po kayo, mag-ayos na daw po kayo at sa loob ng isang oras ay aalis na kayo."

"A-ate, ano po?" Naguguluhang tanong ko.

"Akin na po si Cassia ako na po ang magpapaligo, mag-ayos na po kayo, naayos ko na rin po yong gamit niyo." Nakangiting sabi niya na kinukuha na si Cassia sa akin. "Mam una na po ako."

At dahil kailangan ko na daw mag-ayos ay naligo na nga ako at nagbihis. Nagsuot ako ng maong na shorts at tinernuhan ng kulay asul na blouse tapos yong jelly slippers na nabili ko sa sm nung may sale minsan.

Nang matapos ako ay wala pang isang oras pero lumabas na ako. Saan kaya kami pupunta? Kailangan ba ay kasama pa ako?

"Oh you're done." Natigilan ako sa pagbaba sa hagdan nung marinig ko si Konsi na nagsalita mula sa likuran ko. Lumingon ako para makita siya at hindi ko maiwasang hagudin siya ng tingin mula ulo hanggang paa at may pagbalik pa yon pataas. Syete, bagay sa kanya ang shorts at light blue na v-neck shirt.

"Alis na tayo, baka malate tayo sa flight." Sabi niya na nakatingin sa relong pambisig niya.

"Flight?" Kunot noong tanong ko.

"Yeah, I'll explain to you later." Sabi niya at sa gulat ko'y hinawakan ako sa pulso at isinabay ako pababa. Parang timang naman akong sumunod sa kanya. Nasa labas na kami nung lumabas si Ate Fe at dala-dala ang bagong ligong si Cassia. Pinapasok na ako ni Konsi sa loob ng sasakyan at kinuha niya na ang anak niya kay Ate Fe.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon