Kabanata 27

12.5K 535 116
                                    

Kabanata 27

Mahigit dalawang linggo na mula noong mawala at matagpuan si Cassia. Bilang na bilang sa kamay ko ang naging mga pag-uusap namin ni Konsi. Puro iyon tungkol sa anak niya. Kapag naabutan ko siyang paalis o parating. Tanging halik sa noo lang ang binibigay niya sa akin.

Mukha siyang laging pagod. Pero hindi niya nalilimutan ang ibilin ang anak niya at ang hindi namin paglabas.

Para na kaming preso sa dito sa loob ng bahay. Hindi ko na rin naisip na lumabas mag-isa dahil takot akong mawala sa paningin ko si Cassia.

Maaga akong lumabas ng kwarto. Tulog pa si Cassia. Late na yatang nakauwi si Konsi kaya hindi na siya tumabi sa amin.

"Aria, here is Madel, pinadala ni Mama na bagong kasama dito sa bahay. Si Ate Fe ay full-time na mag-aalaga kay Cassia. Madel will help Elsa in houshold chores."

Ano daw? Si Ate Fe na ang full-time na mag-aalaga kay Cassia? So paano ako? Tinatanggalan na ba ako ng trabaho sa bahay na ito?

Nawala lang ang mga katanungang iyon sa isip ko noong biglang magsalita si Konsi.

"Kumain ka na, Aria. I really have to go." Ang lamig.

Pinanood ko na lang siyang umalis.

Para siyang allergic sa akin. Pagkatapos ipakilala si Madel, nagmamadali siyang umalis. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtanong o kausapin ko siya? Naiintindihan ko na busy siya sa trabaho. Pero mula nang naging kami, ngayon lang siya naging ganito. Parang bumalik lang sa dati na civil kami sa isa't isa. Sa nakalipas na halos tatlong buwan sweet kami sa isa't isa. Pero sa pagkamaling nagawa ko, gumuho ang lahat.

Nag-umpisa lang naman ito noong nawala ko si Cassia. Kaya sa palagay ko roon iyon nag-ugat. Galit siya sa akin. Kaya nanlamig siya. Hindi niya lang siguro ako mapranka tungkol doon dahil nirerespeto niya ako at hindi niya iyon kayang gawin.

Tanghali nang tinawag ako ng bagong katulong sa kwarto ko. Si Cassia ay binabantayan ni Ate Fe, dahil ang bilin daw ni Konsi ay alagaan niya si Cassia at magpahinga ako. Batong-bato ako sa bahay na ito. Wala na akong ibang ginagawa.

"Ma'am naririto ho si Madam Carmen." Bungad sa akin ni Madel. Si Madel ay katulong sa bahay ng mga magulang ni Konsi kaya hindi iba sa kaniya ang mga kamag-anak nito.

Si Mamita nga ba ang bumisita? Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Na-miss ko si Mamita at parang gusto kong magsumbong.

"Ariaaaa!" At tumili pa nga ang Mamita. Kahit kailan talaga ang matandang ito, akala mo hindi otsenta ang edad.

"Mamita!" Isang ngiti na hindi umabot sa aking mata ang ibinigay ko sa kaniya.

"Bakit ka naman malungkot? Hindi pa ba nasuko ang bataan?" Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa labi ni Mamita.

"Mamita naman e! Masaya ako na nakita kita, na-miss kita."

"E anong kinalulungkot mo? Hindi pa naka-isa?" Nag-init ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi ni Mamita.

"Mamita, para naman 'tong ano...."

"Blushing ka, Ariana! May nangyari na, ano?" Tuya ni Mamita, sinundot pa ako sa tagiliran ko.

Hinila ko si Mamita paupo sa sofa bago ako sumagot.

"Mamita, sa totoo lang ilang beses nang muntik, kaso umiiyak lagi ang baby. Kaya nauudlot." Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Mamita ay hindi ako nahihiya mag-open up.

"E 'di mainam. Gusto mo bang ampunin ko muna ang bata nang matuloy ang nauudlot?" Tatawa-tawang tanong ni Mamita.

Bigla akong nalungkot.

Casimiro's Instant First Lady : ZBS 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon