ASHER
The next day, I woke up a little bit late dahil hindi agad ako nakatulog kagabi. At ang pinakaunang pumasok sa isip ko ay si Raven. Hindi agad ako bumangon ng kama. Ilang minute akong nakipagtitigan sa kisame habang ang isip ko ay puno ng mga katanungang may kinalaman sa nangyari sa amin ni Raven kagabi.
Gusto ko sanang mangapitbahay agad ngayong umagang-umaga pero naalala ko 'yong sinabi niya kagabi na huwag na muna akong pumunta sa apartment niya ngayon dahil magiging busy siya. And I wonder kung saan siya magiging busy. Must be work-related.
And come to think of it, sa ilang linggong pamamalagi ni Raven dito sa compound na pagmamay-ari ko, ni minsan ay hindi niya nasabi sa akin kung ano ang trabaho niya. I made a mental note to ask her kapag nagkita ulit kami if what her work really is.
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. At dahil tinatamad akong magluto, I decided na sa labas na lang kumain. Bitbit ang wallet, phone at bungkos ng mga susi ay lumabas ako ng bahay at sinigurong naka-lock ang pinto bago ako humakbang palapit sa main gate. Pero bago pa 'ko tuluyang lumabas ay nilingon ko muna ang apartment ni Raven.
Nakasara pa ang pinto at mga bintana at walang sign na gising na ang dalaga. So tuluyan na akong lumabas ng gate at lumapit sa motor ko na naka-park malapit sa sasakyan ni Raven. Sa tapat ng compound ko lang ginagarahe ang motor ko dahil tinatamad ako sa proseso ng pagbubukas at pagsasara ng gate. Besides, wala pa naman akong nababalitang insidente ng nakawan ng motor dito sa barangay namin sa Javier bukod pa sa pinalagyan ko ng CCTV ang harap ng compound ko kaya kitang-kita ang kung sino mang magtatangkang magnakaw ng motor ko.
Sa kabilang side ng mini-bus ni Raven ay naka park naman Ford Eco ko na bihira ko lang gamitin dahil bukod sa minsan lang naman ako lumuwas ng siyudad, naaaksayahan rin ako sa gas lalo na kung malapit lang naman ang pupuntahan ko. Well, masyado lang yata talaga akong kuripot.
Anyways, pinaandar ko na ang motor ko at ilang saglit lang ay nasa binabagtas ko na ang daan papunta sa paborito kong tapsilog-an—ang 3G’s.
Habang kumakain ako ay bigla na lang may tumapik sa balikat. Paglingon ko ay nakita ko ang kababata kong Caleb. Mag-isa rin siya kagaya ko.
“Pre, musta? Tagal nating 'di nagkita, ah. Kelan ka pa nakauwi?” pangangamusta ko sa dating kaibigan ko.
“Okay lang. Noong isang araw lang ako dumating. Ikaw, kamusta? Mukhang asensado ka na, ah,” nakangiti ring pangangamusta niya sa akin. Inalok ko siyang samahan na ako sa mesa ko total nag-iisa rin lang ako at para na rin makapag-kamustahan kami.
“May big time ba na sa tapsilogan kumakain? Baka ikaw ang big time, balita ko malaki daw sahod mo sa Dubai, ha?”
BINABASA MO ANG
Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]
RomanceWARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed with the Prologue because this story contains explicit words that are not suitable for you guys. Thank you.