RAVEN
Hindi ko alam kung napatunganga ako nang walang kaabog-abog na hinubad ni Asher ang damit na suot niya. Basta ang alam ko ay walang tigil sa paglilimayon ang mga mata ko sa napakagandang tanawin na nasa harap ko ngayon.
Sunod sunod ang naging paglunok ko habang nakatitig ako sa malapad niyang balikat pababa sa dibdib niya hanggang sa matagpuan ng mga mata ko ang pink nipples niya na tila nag-aanyayang haplusin ko. But of course, hindi ko ginawa 'yon!
At mabuti na lang ay may lumapit na isa pang bakla sa amin bago pa man dumako sa kung saan ang makasalanan kong mga mata.
"Asher! I'm glad you've made it. Ito na nga pala 'yong costume na hinihiram mo. Ayan ha, sa 'yo ko pinagkakatiwala ang best creation ko since I'm sure na ikaw ang mananalo tonight," anang bakla na medyo hininaan ang boses pagdating sa huling pangungusap na binitawan niya.
Mabilis na ipinakilala ako ni Asher sa bagong dating. "Mother Maj, this is Raven. Make-up artist ko for tonight. Raven, meet Mother Maj, ang pinakamagaling na designer dito sa buong Region Eight."
Tinanggap ko ang pakikipagkamay ni Mother Maj na in all fairness ay ramdam ko naman ang pagiging genuine. "'Twas nice meeting you po," sabi ko pa.
"It's also my pleasure to meet you, Raven," sagot nito bago iniumang ang kaliwang pisngi para makipag-beso sa 'kin. "Oh, siya ako'y a-aura na muna sa gilid-gilid at baka ito na ang lucky night ko! Asher, galingan mo. Patunayan mong ikaw pa rin ang number one dito sa Leyte," ani Mother Maj bago ito tuluyang lumabas ng tent na pakendeng-kendeng.
"So, matagal ka na palang sumasali ng mga bikini open?" tanong ko kay Asher habang inilalabas ko ang mga gamit ko mula sa bag. Nasa isang sulok kami ng tent at medyo malayo sa ibang contestants.
"You could say that," sagot niya. "Well, aside sa mga bikini open na sinasalihan ko, nanalo na rin akong Ginoong Leyte noong 2012 at muntikan nang manalo sa Mr. Philippines noong 2013."
Pinaupo ko siya sa stool at sinimulang lagyan ng light foundation ang mukha niya. Actually, kahit naman walang make-up ay siguradong aangat pa rin ang kagwapuhan ni Asher mula sa ibang contestants. Pero dahil nga gabi at medyo nakaka-distract ang ilaw na ginamit sa may makeshift stage, kailangan ng tulong ng make-up para mas ma-enhance ang skin tone ni Ash pagdating sa stage.
"What's that?" tanong ni Asher nang makita ang itim na box na halos kasing laki lang ng isang standard na nebulizer set.
"This is a Luminess Airbrush pro," sagot ko sa kanya bago ko iyon isaksak sa pinakamalapit na outlet. Goodness gracious! Mabuti na lang at may saksakan sila dito, pagkausap ko sa sarili ko habang iniiwas ko ang mga mata ko na mapadako ang tingin sa pagitan ng mga hita ni Asher na ngayon ay siyang nasa harap ko dahil bahagya akong nakayuko para maabot ang saksakan.
Pinatayo ko si Asher at inutusang alisin ang pants na suot niya. He won't need those pants dahil ang festival costume na susuotin niya ay modern version yata ng mga isinusuot ng mga katutubong Aeta.
Tila wala lang naman kay Asher nang hubarin niya ang suot na pantalon at tanging green na briefs na lang ang natira sa well-proportioned niyang katawan na sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ko tititigan.
At tila hindi lang yata mga mata ko ang nagkaka-problema ngayon dahil nang akmang dadamputin ko na ang airbrush gun ay saka ko lang na-realize na nagsisimula na palang manginig ang kamay ko. Damn!
At napansin din pala iyon ni Ash. He took my hands and gently massaged it for a while. At bago pa man ako makapag-react ay dinala na niya iyon sa labi niya and started to plant soft kisses that sent shivers down my spine. Tila lalo lang nadagdagan ang panginginig ng mga muscles ko dahil sa ginawa niya.
"Relax. Masyado mo namang pinapahalata na affected ka masyado dahil sa katawan ko. Akala ko ba beks ka? 'Di ba ang initial reaction mo dapat is matuwa or ma-excite dahil nasa harap mo ang pinaka-gwapong lalaking nasa loob ng tent na 'to? Bakit kung makaasta ka ay para kang virgin na first time makakita ng hubad na katawan? O baka naman..."
"Sus! Ayan ka na naman sa kayabangan mo. Pinaka-gwapo ka diyan. Hindi kaya!" Lumingon-lingon ako sa loob ng tent para maghanap ng lalaki na feeling ko ay mas makakahigit sa ka-gwapuhan ni Asher. At sa kabilang dulo ng tent ay namataan ko ang isang lalaki na tahimik na nakaupo sa upuan habang may nakapasak na earphones sa magkabila niyang tenga.
From up here, I could tell that the guy was tall-probably six foot or taller than that. He's wearing a white pants and a gray fitted shirt. For a moment ay napatigil ako dahil parang pamilyar sa akin ang lalaki. Pero bago ko pa man tuluyang mahalukay sa memory bank ko kung saan ko unang nakita ang lalaking tahimik na nakaupo sa isang dulo ay naagaw na ulit ni Asher ang atensiyon ko.
"Mas matangkad lang sa akin 'yan. Pero 'di hamak namang mas gwapo ako diyan," sabi ni Ash na sigurado akong ang tinutukoy ay 'yong lalaking tinititigan ko kanina.
"Oo na. Ikaw na ang pinaka-gwapo sa lahat," sagot ko na lang at sinimulan nang apply-an ng light make-up ang buo niyang katawan. Except for what's inside his briefs though.
Matapos lagyan ng make-up ang katawan niya ay magkatulong na isinuot namin sa kanya ang festival costume na siyang first appearance ng mga contestant. Bale may tatlong exposure lang ang mga contestants; the festival costume, casual wear and of course, the bikini wear. And aside from those, ija-judge din ang mga kalahok based on their talents and answers during the Q and A portion.
Nang mailagay ko na hanggang sa kahuli-hulihang abubot sa katawan ni Asher ay nagpaalam ako na lalabas muna para mag yosi. Pero ang totoo ay gusto ko lang lumayo kahit saglit lang kay Asher dahil feeling ko ay hinihigop niya ako para mas lalo akong mapalapit sa kanya. Weird.
Mayamaya lang ay nagsalita na ang host at nagsabing magsisimula na ang pageant in five minutes. Medyo malayo-layo ako sa stage pero makikita ko pa rin naman ang buong kaganapan if ever.
The program started. May nag lead ng prayer at pagkatapos ay nagbigay ng speech ang isa sa mga opisyales ng barangay. Hanggang sa isa-isa nang ipinakilala ng host ang apat na judges para sa gabing iyon. At hindi lang pala mga contestants ang may paandar ng gabing iyon kundi maging ang mga judges.
Unang judge na ipinakilala ay ang anak ng barangay captain na nagngangalang Khloe. Hindi kagandahan ang Khloe na 'yon but she got a nice pair of legs. And she kinda owned the stage, I must say.
Then next was a high school teacher named Candy na halatang hindi at ease sa ganoong klaseng crown kaya mabilis rin siyang nag-diasppear sa stage.
The third judge was a pretty girl named Brooke na medyo funny rin dahil sa mga antics niya on stage.
And the last judge-to whom the host referred to as special judge is a guy. At ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko ang lalaking tinititigan ko kanina sa loob ng tent na ngayon ay inaangkin na ang buong stage habang naghihiyawan ang mga babaeng audience.
At lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga kababaihan, bakla at pati na mga nanay nang hubarin ng lalaking judge ang suot niyang damit at tanging white pants na lang ang suot niya.
"Ladies and gentlemen, around of applause for Mr. Zeke Anderson!" sigaw rin ng host para makaagapay sa sigawan ng mga tao.
"Zeke Anderson?" usal ko sa sarili ko. And then it occurred to me kung saan kami unang nagkakilala. He was my classmate in Philosophy way back in college.
Matapos ipakilala ang mga judges ay nagsimula namang rumampa ang sampung contestants kasama na si Asher. At in fairness, si Asher ang pinaka-tinilian na nagkataon pang contestant number ten.
In fairness may laban si dodong, sabi ko sa sarili ko habang pabalik ako sa backstage para naman ayusan si Ash para sa casual wear.
PLEASE WATCH MY VLOGS! ❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]
RomanceWARNING: This story is not suitable for young readers. If you are below 18 years old, please don't proceed with the Prologue because this story contains explicit words that are not suitable for you guys. Thank you.