Midnight Lover - 29

140K 2K 46
                                    

ASHER

Masaya ang sumunod na dalawang araw na magkasama kami ni Raven. Habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nakikilala. Hindi lang siya maganda. Nasa kanya na rin ang iba pang katangia na hinahanap ko sa isang babae—mabait, malambing, may sense kausap at higit sa lahat, mahal ako.

You may call me a hopeless romantic pero ayos lang. Kasi iyon naman ang totoo. Ayokong pumasok sa isang relasyon kung wala rin lang akong nararamdaman at hindi rin ako mahal ng taong mahal ko.

And speaking of relationship, pormal kaming naging magkasintahan ni Raven nang mismong araw na narinig ko ang lahat ng mga sinabi niya during their story conference.

Natatandaan ko pang bago kami sumakay ng taxi that time para maghanap ng restaurant na makakainan ay hinawakan ko siya sa isang braso.

"Raven, I just want to ask one thing..."

"Ano 'yon?" she asked.

"Ano na tayo ngayon?" walang kurap na tanong ko sa kanya. Nasa gilid kami ng kalsada ng mga sandaling 'yon.

Napatitig siya sa mukha ko at marahil ay inapuhap sa utak niya ang sagot sa tanong ko. Pero naisip kong ang vague nga pala ng tanong ko kaya iniba ko ang tanong ko.

"Raven, will you be my girlfriend?"

Lumundag yata ang puso ko nang bigla na lang siyang nangunyapit sa leeg ko sabay sagot ng, "Yes! Yes!"

It was one of the happiest moments of my life...

"Babe? Try mo rin 'to, oh," sabi ni Raven na palapit sa 'kin na may hawak na isang kulay gray na t-shirt at maong pants. Nandito kami ngayon sa isang sikat na clothing brand na malapit lang naman sa condo ni Raven.

Dahil nag decide ako na hindi na muna umuwi, kakailanganin ko ng mga damit pati na iba pang personal na pangangailan ko para sa personal hygiene ko. Nag decide ako na mag stay na muna dito sa Manila dahil naisip ko na kung uuwi ako, walang magluluto para sa kanya lalo na at magiging busy na siya sa mga susunod na araw dahil haharapin na niya ang paggawa ng screenplay.

"Tama na 'yong mga napili mo kanina, babe," awat ko sa kanya. Halos limang pirasong panlakad na ang napili niya sa 'kin. Bukod pa 'yon sa mga pambahay na siya rin ang pumili.

"Sige na. Last na lang, promise," ungot niya na hindi ko naman mapahindian.

Matapos sukatin ay lumabas ako ng cubicle para ipakita sa kanya ang suot ko. "Perfect! I like it too."

Bumalik na 'ko sa loob at muling isinuot ang damit ko kanina.

Hindi ako sanay sa mga super mahal na damit pero gusto kong pagbigyan si Raven ngayon. Pero sa mga susunod na araw ay ipapaintindi ko sa kanya kung gaano kahalaga ang bawat sentimos na gagastusin namin.

Paglapit namin sa counter ay mabilis na kinuha ko ang wallet ko at hindi ko hinayaang siya ang magbayad ng mga damit na 'yon. Alam kong sa aming dalawa ay mas mapera siya. Pero bilang lalake, may pride rin naman ako. Gusto kong ako ang gagastos sa aming dalawa.

"Ash, ako na ang magbabayad. It's my gift to you."

Pasimpleng binulungan ko siya. "Sorry, but not this time babe."

Hindi naman na siya nagpumilit pa. Pero pagkatapos naming mamili ng mga damit ay niyaya niya ako sa isang tindahan ng mga relo. At halos malula ako sa presyo ng relong hawak ni Raven ng mga sandaling 'to. Almost thirty-five thousand pesos.

"Isukat mo babe. Mukhang bagay sa 'yo."

Maganda sa kung maganda ang relong hawak niya. Pero hindi talaga praktikal na bumili ng ganoon kamahal na relo.

"Babe, 'wag na..."

Hinawakan niya ako sa isang kamay at pinungayan ng mata. "Sige na, please? Gift ko naman 'to sa 'yo, eh."

Pero hindi ako nagpadala sa pagpapa-cute niya. Sa halip at inakbayan ko siya at kinuha ang relo sa kamay niya at ibinalik iyon sa nag-a-assist sa amin.

"Kung gusto mo talaga akong regaluhan, may isang bagay ako na gusto mong iregalo sa 'kin."

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya saka ngumiti. "Talaga? Tell me," excited na turan niya.

"Ipakilala mo ako sa parents mo. I want to meet them. Para rin masabi na natin sa kanila ang tungkol sa namamagitan sa atin. Ayokong sa ibang tao pa nila malaman ang tungkol sa relasyon nating dalawa. So if you really want to give me a gift, kahit iyon na lang sana."

"Awww..." Itinaas ni Raven ang dalawa niyang kamay at niyakap ako ng mahigpit. "Why are you so sweet?"

"I'm just being me." Iyon lang at niyaya ko na siya palabas ng mall na 'yon. Pero bago pa kami pumara ng taxi ay tinawagan muna niya ang mommy niya upang itanong kung nasa bahay na ang mga ito. It was almost seven in the evening.

"Yes mommy. Diyan po kami magdi-dinner ng ipapakilala ko sa inyo ni daddy." Saglit na huminto sa pagsasalita si Raven. "Yes, po. See you in a bit."

Nang matapos ang tawag ay sumakay na kami ng taxi. Malapit lang place na 'yon kung saan nakatira ang parents ni Raven. Mahigit tatlumpong minuto lang ay nasa harap na kami ng isang marangyang bahay.

Isang naka-unipormeng babae na marahil ay nasa higit apatnapu pataas na ang edad ang nagbukas sa amin ng gate.

"Good evening, manang."

"Good evening din po, senyorita. Nasa kusina na po ang mommy at daddy mo at hinihintay na po kayo."

Magkahawak-kamay na pumasok kami sa sala ng bahay nina Raven. Bawat sulok ng bahay nila ay nagpapahiwatig ng karangyaan. Ngayon ko napagtanto kung gaano kayaman ang pamilya nina Raven. Parang gusto ko tuloy umatras na lang muna.

Pero naisip kong wala naman akong masamang intensiyon kay Raven kaya nga gusto kong makilala nang personal ang mga magulang niya.

"Magandang gabi po," bati ko sa mag-asawang magkatabing nakaupo sa kabilang dulo ng mahabang mesa na kasya marahil ang dalawampung-katao. May mga nakahandang maraming pagkain na hindi ko alam kung paanong naihanda sa loob lang ng mahigit tatlumpong-minuto.

Taliwas sa inaasahan ko ay mainit ang naging pagtanggap sa akin ng mga magulang ni Raven. Tumayo pa nga silang dalawa upang salubungin ako ng yakap matapos yakapin din si Raven.

Nang pare-pareho na kaming nakaupo ay nagsimulang magsalita si Raven habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin na ngayon y nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Mom, dad, this is Asher. Boyfriend ko po."

Sabay na napatingin sa akin ang mag-asawa kaya biglang kumabog ang dibdib ko.

"Seriously?" nakangiting tanong ng mommy niya. Tumango lang naman si Raven.

"Ang akala ko ay wala ka nang balak mag-asawa at balak mong magpakatandang dalaga. Mabuti naman at naisipan mo nang mag boyfriend, anak. At dahil diyan, we have a reason to celebrate."

Tinawag ng padre de pamilya ang babaeng nagbukas sa amin ng gate kanina na Letty pala ang pangalan. Dinala naman ni Manang Letty ang isang wine na nakalagay sa isang aluminium container na napapalibutan naman ng maraming ice.

Isa-isang sinalinan ni Manang Letty ang mga wine glass namin at pagkatapos ay nag propose ng toast ang daddy ni Raven.

"So here's my toast to the new couple. I wish n asana ay magtagal kayong dalawa... cheers!"

Pinag pingki naming apat ang mga wine glass namin at saka isa-isang ininom ang wine. Pagkatapos niyon ay pinagsaluhan na namin ang masasarap na pagkain.

At sa pagitan ng pagsubo ay manaka-naka at salitan akong ini-interview ng parents ni Raven. In-interview nila ako tungkol sa kung saan ako nagmula, ano'ng trabaho ko at kung gaano ako ka seryoso sa anak nila.

At the end of the night, naramdaman kong hindi naman ako minaliit ng mga tanong either ng mommy at daddy ni Raven. In fact, ramdam kong gusto nila ako para sa unica hija nila. And I think that it's a good thing, right?

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon