Midnight Lover - 21

172K 2.3K 285
                                    

Pagpasok ko sa sala ay hindi ko nakita si Ash. Halos kapareho lang ng floor plan ng unit ko ang unit ni Ash. Nagkaiba lang ng mga gamit at ng pagkaka-pwesto ng mga iyon. Umakyat ako sa hagdan at gamit ang celphone ko ay iyon ang ginawa kong pang-ilang dahil hindi ko naman alam kung nasaan ang mga switch ng ilaw.

May dalawang pinto dito sa itaas. Nang buksan ko ang unang pinto ay agad na bumungad sa akin ang liwanag na nagmumula sa lampshade.

At sa gitna ng kwarto ay naroon ang isang king-sized bed kung saan nakadapa ang isang bulto ng katawan na alam kong walang iba kundi si Asher. Dahan-dahan akong lumapit sa kama at saka pinagmasdan si Ash na walang ibang suot kundi puting-puting briefs.

Sumampa ako sa kama at saka dahan-dahang yumakap sa kanya. "Ash?" marahang tawag ko sa pangalan niya.

Bahagya akong nakapatong sa kanya habang ang mukha ko ay nasa pagitan ng balikat at mukha niya. "Ash..." bulong ko ulit sa pangalan niya.

This time ay naramdaman kong unti-unting gumalaw ang mukha niya kasunod ang katawan niya. "Raven?" tila hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya at saka marahang hinagkan siya sa labi. Nagtatalo ang amoy ng alak na ininom niya at ng toothpaste na gamit niya.

"Hi."

Tumihaya na siya sa pagkakahiga pero nasa ibabaw pa rin ako ng katawan niya. Naramdaman kong pumulupot ang isang kamay niya habang isa namang kamay niya ay hinahawi ang hibla ng mga buhok na tumabing sa mukha ko.

"Bakit nandoon 'yong lalakeng 'yon sa apartment mo? At bakit ganoon ang mga itsura niyo noong datnan ko kayo kanina?" he asked angrily.

Pero sa halip na sagutin ang tanong niya ay tumawa ako at saka ngumiti sa kanya. "Selos ka?"

At bilang sagot ay sinakop niya ang bibig ko at mapusok iyong inangkin. Hindi siya tumigil sa paghalik sa 'kin hanggang sa tila mawawalan na kami ng hangin sa mga baga namin.

"Now answer me. What is he doing in your apartment?"

At nang mga sumunod na sandali ay ipinaliwanag ko sa kanya ang kabaliwang bigla na lang pumasok sa isip ko kanina. Pero habang nagpapaliwanag ako sa kanya ay isa-isa nang natatanggal ang mga damit ko...


PLEASE DO WATCH MY VLOGS! HEHE. ❤️❤️❤️



Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon