Midnight Lover - 33

121K 2.1K 61
                                    

ASHER

Mabibigat ang hakbang na naglakad ako palabas ng condo unit ni Raven. Bawat hakbang ng paa ko ay lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib ko. A part of me wanted to stay but a bigger part of myself wanted to actually save myself from a bigger possible heartache.

Kung hihinto ako at babalik sa loob ng unit ni Raven, sigurado akong hindi na ulit ako magkakaroon ng lakas ng loob na talikuran siya. And I don't want that to happen. Dahil sa huli, alam kong ako lang ang maiiwang talunan.

At habang tila lutang na naglalakad sa lobby ng condo unit na 'to ay binalikan ko sa isip ko ang mga nangyari simula kahapon.

Kahapon habang busy si Raven sa pagre-revise ng ilang eksena sa Midnight Lover, nagpaalam ako para lumabas saglit. Hindi ko alam kung saan ako eksaktong pupunta basta ang alam ko lang ay gusto kong makakita ng bagong tanawin lalo na at ilang araw na rin akong nagkukulong sa unit niya kasama siya.

Nakarating ako sa Robinsons Magnolia at ilang minuto ring nagpaikot-ikot hanggang sa masumpungan ko na lang ang sarili ko na pumapasok sa jewellery store na nadaanan ko. Namili ako ng singsing na sa tingin ko ay magugustuhan ni Raven.

Nitong mga nakaraang araw ay laging gumigiit sa isip ko ang noon pa man ay kagustuhan kong lumagay na sa tahimik. Hindi na rin naman kasi ako bumabata at hindi ko na rin hangad ang magbuhay-binata.

Gusto ko nang bumuo ng pamilya na matatawag kong akin. Bilang nag-iisang anak na maagang nawalay sa mga magulang, naging pangarap ko na talaga ang magkaroon ng isang malaki at masayang pamilya. At sisiguruhin kong magiging masaya ang pamilyang bubuuhin ko.

Nang may mapili akong singsing ay binili ko na rin 'yon at bitbit ang mamahaling alahas ay lumabas ako ng mall at sumakay ng taxi. Nagpahatid ako sa bahay ng mga magulang ni Raven.

Habang nasa daan ay hindi maampat ang kabang nasa dibdib ko. Pero kahit abot-abot ang kabog ng dibdib ko, alam kong wala nang atrasan 'to.

Pagdating ko sa bahay ng mga magulang ni Raven ay sakto namang nasa bahay ang mga ito at malugod na pinakahirapan ako. Kahit hindi ko kasama si Raven ngayon ay walang nagbago sa pakikitungo nila nang huli ko silang makaharap. They are still the same lovely couple who welcomed me few days ago.

"Ma'am, sir..."

"Hijo, cut the formalities. You can call us tito and tita," putol ng mommy ni Raven na nakangiti.

Napangiti na rin ako at kahit papaano ay nabawasan ang kaba sa dibdib ko. Mula sa bulsa ng pantalon na suot ko ay inilabas ang red velvet box na naglalaman ng singsing na binili ko kanina. "Tito, tita... do you mind if I propose to your daughter?" lakas-loob na tanong ko sa kanilang dalawa.

Parehong natulala ang mommy at daddy ni Raven dahil sa tanong kong 'yon. Ang ginang ang unang nakahuma mula sa pagkabigla. At hindi ko na napigilang maluha nang yakapin ako ng mommy ni Raven. "If that would make you both happy, why not? Nasa tamang edad na rin naman kayo at sa tingin ko ay aalagaan mong mabuti ang anak namin."

Sobra-sobrang relief ang naramdaman ko ng mga sandaling 'yon. At nang tumingin ako sa daddy ni Raven ay tumango siya at pagkatapos ay ngumiti. "Why are you asking us? Ask her."

And moments like, all you can do is cry. So I did cry. Sobrang nagpapasalamat ako sa blessing na ibinigay sa akin ng mga magulang ni Raven.

Nang umuwi ako sa condo unit ni Raven ay sobrang gaan ng dibdib ko. Sabi ko pa nga sa sarili ko, maghihintay na lang ako ng tamang pagkakataon para matanong ko siya ng, "Raven, will you marry me?"

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon