Midnight Lover - 01

585K 4.3K 232
                                    

Raven



Inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng apartment na simula ngayon ay siya nang magiging tahanan ko sa mga susunod na araw.



Not bad, naisip ko habang sinisindihan ang sigarilyong nasa isang kamay ko. It was just a small apartment with one bedroom, a comfort room and enough space for the kitchen and living room.



Nang matapos ako sa paninigarilyo ay tumuloy na ako sa kwarto at saka ibinagsak ang hapong-hapo kong katawan sa malambot na kama. This is life.



Ilang sandali pa lang nakalapat ang likod ko sa malambot na kama ay nararamdaman kong tinatangay na ako ng matinding antok. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang sarili kong lukubin ako ng kapayapaan kahit sandali man lang.



Kalaliman na ng gabi nang maalimpungatan ako dahil bigla akong nakaramdam ng pamimigat ng tiyan. Nang sulyapan ko ang luminous watch ko ay nakita kong malapit na palang mag alas-kwatro ng madaling araw. Mahigit anim na oras din ang naging tulog ko.



Susuray-suray na pumunta ako sa banyo na nasa kaliwang bahagi ng bahay malapit sa may kusina.



Pabalik na 'ko sa kwarto nang may maulinigan akong tila may kumakaluskos sa may front door. Tumigil ako sa paglalakad at saka pinakiramdaman ang paligid.



Ngayon ay sigurado na akong may tao nga sa likod ng pintong 'yon. Hindi ko maaaring maipagkamali sa iba ang pagkikiskisan ng mga metal. Someone is trying to open the goddamn door!



Bagama't kinakabahan ay nagawa pa ring gumana nang maayos ng utak ko. Mabilis na nahagip ng kamay ko ang pinakamalapit na bagay na nasa tabi ko—a lampshade. Shit! Kakabili ko lang nito kanina.



Pumwesto ako sa likod ng pinto at saka ihinanda ang sarili. Ano't ano man ang mangyari, hindi ako mangingiming ipukpok sa kung sino mang pangahas na akyat-bahay na 'to ang hawak kong lampshade.



Then baaam! The door opened. Nakita kong walang kaabug-abog na pumasok ang isang lalaki at saka sinipa ang pinto pasara. Itinaas ko sa ere ang hawak na lampshade at sigurado akong handa na akong ihataw iyon sa likod ng lalaki pero bago ko pa man iyon magawa ay kusa na siyang natumba sa sofa. At ang sumunod kong namalayan ay naghihilik na ang lalaki.



Who the hell is this guy?



Patingkayad na lumapit ako palapit sa sofa. Shet, tulog nga. Sa tulong na rin ng bahagyang liwanag na lumalagos sa manipis na kurtina ng bintana ay bahagya kong napasadahan ang itsura ng lalaki na ngayon nga ay mahimbing nang natutulog.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon