Midnight Lover - 02

396K 3.2K 329
                                    

 

ASHER



"Are you really gay?" tanong ko kay Raven na ngayon ay nakatulala sa 'kin. Ako man ay nakatitig din sa kanya. Parang hindi magawang iproseso ng isip ko ang sinabi ng kaibigan kong si Jackie na bakla nga raw ang kaibigan niyang 'to na ngayon ay nasa harap ko.



Pero kung hindi ako inunahan ni Jackie, baka isipin kong talagang babae 'tong si Raven. Sobrang ganda naman kasi niya. She has long ash blond hair na bumagay sa maputi at makinis niyang kutis. Her heart-shaped face surprisingly complimented her statuesque figure. Kung susumahin, pwede siyang sumabak sa Miss Universe and I bet she'd really be an eye catcher with those long legs na ngayon ay malaya kong napagmamasdan.



"Ayaw mo ng tenant na transgender?" Raven asked in a flat but non-shaky voice.



"No, no. Hindi sa ganun. I'm just really curious." Damn! Why do I feel like I'm suddenly at a loss for words?



"Okay," tumayo si Raven at naglakad pabalik ng sala. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Nakita kong sumandal siya sa hamba ng pinto at saka dumukot ng sigarilyo at lighter mula sa bulsa ng suot niyang shorts. "Yes, I'm gay. I'm a transgender to be exact."



Lumapit ako sa kanya at humingi ng isang stick ng sigarilyo. "Meaning wala ka nang junior?" nakangiting tanong ko sa kanya.



Naningkit ang mga mata niya at saka ibinuga sa mukha ko ang usok. "Why do you keep on asking these questions again?"



"I'm curious. At huwag kang mag-alala, I don't discriminate gays. May cousin din naman akong bakla. Pero lamang ka dun ng mga isandaang paligo.



Sa sinabi ko ay narinig kong tumawa siya habang hinahampas ako sa isang braso. Shet, mukhang pini-flirt na 'ko ng isang 'to. Well, I'm up to experiment din naman.



"Really? Paano mo naman nasabing lamang ako ng isandaang paligo dun sa pinsan mo?"



"Let's just say na ang sagwa ng hitsura niya kapag nakadamit pambabae siya. Pumuputok ang mga muscles niya sa mga damit niya at tamad din siyang mag-ahit ng legs niya. Eh, balbon pa naman 'yon. Pero ikaw, maganda at sexy na, makinis pa. Anong sekreto mo at nang mapayuhan ko naman yung pinsan ko?"



"You're cute," tumatawang saad niya na para bang wala akong tanong na ibinato sa kanya.



"Pangalawa ka pa lang na nagsabing cute ako," sabi ko sa kanya.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now