Midnight Lover - 14

208K 2.1K 66
                                    

Kung nabibitin po kayo, pakibasa muna yung tatlong story ko na nasa "Compilation of Aivan Reigh's Love Story." Doon sure na hindi kayo mabibitin kasi tatlong story yun na puro may ending na. 

*****

RAVEN

Finally. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyang ihinto ni Asher ang motor sa tabi ng kalsada matapos ang mahigit tatlumpong minutong pagda-drive.

Actually, malapit lang naman pala ang destinasyon namin pero ewan ko ba sa Asher na 'to at nagpa ikot-ikot pa kami sa pinaka-sentro ng bayan ng Javier. At makalipas nga ang ilang minutong pagpapasikot-sikot sa mga eskinita ng bawat kalye ay huminto kami sa tapat ng isang napakagandang bakuran.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ko ang nakasulat sa arko na gawa sa isang halaman na hindi ko alam kung ano ang pangalan. May nakasabit kasi doong karatula na may nakasulat na “Welcome to Dominique’s Paradise.”

Pangalan pa lang ng lugar ay nakaka-good vibes na. At kaya pala ang sagot ni Asher sa akin kanina ay sa paradise niya ako dadalhin dahil iyon naman pala mismo ang pangalan ng lugar.

Dahil walang gate ang Dominique’s Paradise kaya nagtuloy-tuloy na kami ni Asher papunta sa isang old-themed house na ginawang coffee shop. I was impressed with the interior design of the said coffee shop. Halatang pinag-isipang mabuti ng may-ari ang magiging set-up niyon. The place was decorated in a way na hindi mo mapi-feel na nasa isang coffee shop ka. It has this certain homey feeling.

May namataan akong mangilan-ngilang costumers na tila may kanya-kanyang mundo. Matapos naming umorder ay niyaya ako ni Asher papunta sa may likod ng shop. At hindi ko inaasahan ang sunod kong madidiskubre.

Sa bandang likod ng shop ay may glass wall at isa pang pinto na siyang daanan ng mga costumers na gustong pumwesto sa back porch ng coffee shop. Kung namangha ako sa façade ng shop, mas namangha ako sa kinatatayuan ko ngayon.

Habang inililibot ko ang paningin ko sa buong lugar ay napagtanto ko na napapalibutan pala ng pine tress ang coffee shop na 'to. Sa bandang kanan ay may natanaw ako na orchidarium na sobrang gandang pagmasdan lalo na at iba’t iba ang kulay ng mga orchids na nandoon. Sa may gawing kaliwa naman ay mayroong grotto na sakto lang ang laki.

Habang nakaupo ako sa rattan-made chair na nilagyan ng foam, hindi ko maiwasang isipin na para akong nasa isa sa mga movie ni Nicholas Sparks kung saan ang setting ay isang bahay na may napakagandang hardin.

Now I know why they called this place a paradise instead of café. Sa nakikita ko ngayon ay mas gusto kong isipin na mas malapit ako sa langit lalo na at may Mama Mary na naka-harap sa akin habang maririnig naman ang huni ng mga kuliglig na naninirahan sa mga pine trees.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon