Midnight Lover - 07

236K 2.9K 51
                                    

 

RAVEN

Matapos maghugas ay inabala ko ang sarili ko sa panonood ng movies na dinownload ko noong nakaraang araw. Kung ang iba ay trip tumambay sa mall, ako mas gusto kong magkulong sa bahay at manood ng movies o 'di kaya ay magbasa ng mga libro. Nasa kalagitnaan ako ng pangalawang movies na pinapanood ko nang bigla kong marinig na may tumatawag sa pangalan ko mula sa labas.

Tumayo ako matapos kong i-pause ang pinapanood ko at saka tinungo ang front door. Saktong pagkabukas ko ng pinto ay siya namang pagsulpot ni Asher sa harap ko na kuntodo ngiti na parang nanalo sa lotto.

“May gagawin ka?” agad na tanong niya sa 'kin.

In my head, I was reminding myself that I need to do this, that and those other things that are piled up in my desk. Pero sa huli ay iba ang isinagot ko sa kanya. “Wala naman. Bakit?”

“Magpapasama sana ako sa 'yo sa Baybay. May sasalihan akong contest. Kailangan ko ng moral support.”

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Mukhang hindi niya naman kailangan no’n. “Anong contest ba 'yang sasalihan mo?”

“Secret! Basta sumama ka na. Ano, game?”

Kunwari’y nag-isip pa muna ako habang bahagya kong minamasahe ang sintido ko. Pero mayamaya lang ay ngumiti rin ako sa kanya at saka tumango.

“And Raven, marunong ka bang mag make-up? Wala kasi akong make-up artist mamaya.”

Exaggerated na pinaikot ko ang eyeballs ko dahil sa sinabi niya. Make-up artist pala ang kailangan ng hudyo at hindi moral support. Pinaglololoko ako ng isang 'to. Pero sa huli ay pumayag na rin ako. Tutal ay marunong naman talaga akong mag make-up. Plus, I did bring my Luminess Airbrush make-up set with me.

“Anong oras tayo aalis?” tanong ko sa kanya.

“Now na sana. Mamayang nine na 'yong pageant tapos babiyahe pa tayo ng two hours,” sagot ni Asher.

“May matutulugan tayo doon?” I asked again. Kung nine magsisimula ang pageant, siguradong madaling araw na 'yon matatapos. Knowing those barangay pageants na madalas pinuputakte ng technical problems o 'di kaya ay kabagalan ng mga oraganizers maging ng mga candidates.

“Actually, wala tayong matutulugan do’n. Pero madali na lang gawan ng paraan 'yan. Saka magmo-motor naman tayo.”

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon