Midnight Lover - 13

231K 2.9K 93
                                    

RAVEN

Pagmulat ko ng mga mata kinabukasan ay mag-isa na lang ako sa kama. Wala na sa tabi ko si Asher pero naiwan naman ang amoy niya sa bed sheet at unan na ginamit niya kagabi. Wala sa sariling niyakap ko ang unan at saka iyon inamoy-inamoy habang bahagyang nakangiti.

Nasa ganoong akto ako nang biglang bumukas ang pinto at bigla na lang pumasok ang lalaking siyang may-ari ng scent na inaamoy-amoy ko.

"Good morning," nakangiting bati sa akin ni Asher bago tuloy-tuloy na sumampa sa kama. Halatang nakaligo na siya dahil bahagya pang basa ang buhok niya. This morning, I decided that Asher looked undoubtedly handsome and fresh.

"Morning," matipid na bati ko rin sa kanya. Tatayo na sana ako para pumunta ng banyo nang bigla niya akong pigilan sa isang kamay. Mabilis na napatingin ako doon dahil napagtanto kong hindi lang simpleng hawak ang ginagawa niya sa kamay ko. He was gently massaging it that gives me ticklish sensations.

Pero bago pa man dumako sa kung saan ang takbo ng isip ko ay binitawan niya rin iyon at saka may kinuhang box mula sa isa sa mga drawer ng cabinet na kinapapatungan ng mamahaling lampshade. He gave me the box and ordered me to open it.

"What's this?" nagtatakang tanong ko habang palipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa red velvet box na ngayon ay hawak ko.

I swear na hindi na normal ang tibok ng puso ko ng mga oras na 'yon at malayong-malayo na ang itinakbo ng imaginations ko. A red velvet box on a Saturday morning. Wow. How cool is that?

And velvet boxes usually have... I opened the box and saw what's inside of it. "A key?" parang bulong lang iyon na nanulas sa bibig ko. I was kind of expecting for a ring, bracelet or necklace but definitely not a key.

Ano'ng gagawin ko sa susi na 'to?

"You see, that's my one and only spare key of my apartment. I'm giving it to you so you can come any hour or day that you want. Kapag malungkot ka, kapag kailangan mo ng kausap... o kahit sa simpleng rason nami-miss mo ako, you can always come here. Hindi mo na kailangang kumatok because you will always be welcome in my home," Asher said with a lopsided smile that almost melted my heart. "And just to let you know, no one has ever had the chance to own a key of my apartment except you."

I swear that I could almost die right of this very moment because of too much kilig feels. How could this guy be so adorable and charming and sweet and so good looking that it makes me feel that I might not pass for him.

Ibubuka ko sana ang bibig ko para magsalita pero agad na naiharang ni Asher ang isa niyang daliri sa mga labi ko opting me to stop.

"Bukod sa sinabi ko kanina, may mas malalim pang representation 'yang susi na hawak mo. Hindi lang kita bastang binibigyan ng access dito sa bahay ko. Dahil simula sa araw na ito, binibigyan na rin kita ng karapatang pumasok sa buhay ko."

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. He's giving me full access not just into his house but also into his life. Something that I didn't ask for but he willingly gave to me.

Muli nang tumayo si Asher at naglakad papunta sa may pinto. "Maligo ka na so we can have our brunch together. Naghanda ako ng masarap na pagkain. Punta ka na lang sa kusina if you're ready."

Bago pa man tuluyang makalabas si Asher ay tinawag ko ang pangalan niya. "Salamat," sinserong saad ko sa kanya. Ngumiti lang siya at kinindatan ako bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Itinaas ko sa ere ang hawak na susi bago kinikilig na dinala iyon sa tapat ng dibdib ko. Kung nasa sariling apartment ko lang ako ngayon malamang ay sumigaw na ako dala ng nag-uumapaw na kilig feels na nararamdaman ko ngayon.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now