Midnight Lover - 03

291K 2.7K 93
                                    

ASHER

Pagpasok namin sa loob ay napahinto si Raven nang nasa gitna na kami ng sala. Pumihit siya paharap sa 'kin at saka ngumiti. “Diyan ka lang. May kukunin lang ako sa kwarto.”

Nagkibit-balikat ako at naupo sa sofa habang iginagala ang paningin sa loob ng apartment. May nakita akong mga boxes na nakahilera sa may malapit sa hagdan papuntang second floor. Bawat box ay may nakadikit na post-it notes na siyang nagsisilbing label kung an ang laman ng bawat kahon.

Hindi nagtagal ay bumalik din sa sala si Raven bitbit ang dalawang unan. Inabot niya 'yon sa 'kin at saka naupo sa katapat na sofa. Iniwasan kong mapatingin sa legs niya dahil baa kung ano pa ang isipin niya.

“Pizza, you want?” naalala kong alok sa kanya nang makita kong nakatitig lang siya sa mukha ko. Takte! Bakit ba 'ko natatameme sa harap niya?

Kumuha siya ng isang slice at saka iyon isinubo habang hindi humihiwalay ang tingin sa 'kin. “So, ugali mo ba talagang mangapitbahay sa mga tenants mo?” Kaswal na tanong niya na hindi naman tipong nang-uuyam.

Napakamot tuloy ako sa ulo. “Hindi naman. Nagkataon lang talaga na nasa bahay 'yong talipandas kong pinsan kaya kung pwede sana, dito lang muna ako. Pero kung makakaistorbo ako sa 'yo, pwede namang—”

“You can stay here,” mabilis na putol niya sa sinasabi ko. “However, I can’t entertain you dahil may gagawin pa ako sa taas. So, maiwan muna kita dito sa baba. Feel at home ka lang dito which is weird to say since this is actually yours. Kapag inantok nagutom ka, may natira pa akong food sa kusina. Kapag naman inantok ka, borlog ka na lang diyan sa sofa. Okay?”

Sa sobrang bilis niyang magsalita, “Okay” na lang ang nagawa kong isagot sa kanya dahil bago pa man bumuka ulit ang bibig ko ay nakaakyat na siya ng hagdan at saka mabilis na nakapasok ng kwarto niya.

Sayang! Gusto ko pa naman sanang itanong sa kanya kung ano ang gamit niyang pabango dahil tila nanuot na iyon sa ilong ko kahit ilang minuto lang naman kaming magkaharap kanina.

Sa kawalan ng magagawa ay nagpasya akong i-check ang phone ko. But to my dismay, ni isang text ay wala akong nakitang text mula sa mga kabarkada ko. Nang tignan ko naman ang spam messages ko ay nakita kong may mahigit dalawampung text messages ako galing sa iba’t ibang babaeng naging parte ng nakaraan ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ginagawang buksan.

Ewan ko ba. Sa tuwing may babaeng dumarating sa buhay ko at nakuha ko na ang gusto ko sa kanila, mas mabilis pa kesa sa pagputok ng bula ang pagkawala ng interes ko sa kanila. Kaya ang ending, halos lahat sila ay napapasama sa listahan ng spam numbers ko. That way, hindi ako obligadong magbasa ng text messages nila na usually ay umiikot sa kagustuhan nilang bumalik ako sa piling nila. But the thing is, I’m not yet ready to commit myself to any of them. I kind of enjoy my singleblessedness.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon