Midnight Lover - 05

240K 2.8K 70
                                    

ASHER

“May problema ba?” tanong ko kay Raven nang sa wakas ay muli rin siyang naupo sa harap ko. Nagsalin siya ng alak sa shot glass at mabilis rin iyong ininom. “Hey! May problema ba?” ulit ko sa tanong ko sa kanya.

“Wala. Nagulat lang ako dahil sa ginawa mo kanina.”

“Anong ginawa ko?” kunwari’y hindi ko alam ang sinasabi niya. Pero alam kong 'yong paghalik ko sa kanya ang tinutukoy niya.

“You kissed me,” paalala niya sa 'kin.

“So?”

“I don’t want you to kiss me again, Ash,” aniya sa mahinang boses bago nagyuko ng ulo.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na sapuhin ang baba niya at saka itinaas ang ulo niya hanggang sa muling magpantay ang mga mata naming dalawa. “Bakit ayaw mong halikan kita?”

Bagama’t naroon ang discomfort ay bumuka pa rin ang bibig ni Raven para sagutin ang tanong ko. “Dahil baka mag-enjoy ako sa halik mo… at worse, baka masanay ako at hanap-hanapin ko.”

Napangiti ako dahil sa isinagot niya. At bago pa man magbago ang isip ko ay tinawid ko ang maliit na distansiya na naghihiwalay ng mga labi namin. And the moment my lips touched hers, I instantly knew that it won’t be the last time that I’ll be claiming those luscious lips.

Mabilis ko ring pinutol ang halik na 'yon lalo na nang maramdaman kong nagsisimula nang umakyat ang kamay ni Raven papunta sa batok ko. She’s enjoying my kisses. At ganoon na lang ang ngisi ko nang makita ko ang pagkadismaya sa maganda niyang mukha nang tuluyang maghiwalay ang mga labi namin.

“If you still want my kisses, you can kiss me,” sabi ko sa kanya bago ko itinukod ang dalawa kong kamay sa sahig.

“You’re such a tease!” she hissed before grabbing my neck and gave me a full-mouth kiss. The kiss lasted for about two minutes. Raven wasn’t a pro but I like the taste of her lips. It was undoubtedly sweet with a tinge of tequila.

And when the kiss finally came to an end, mabilis na nagsalin ulit ng alak si Raven sa shot glass at saka iyon tinungga na para bang uhaw na uhaw—walang asin asin or kahit lime man lang. Sunod na salin niya ng alak ay iniabot niya sa 'kin na mabilis ko rin namang tinanggap.

“Hindi mo ako dapat hinalikan, eh,” mayamaya ay sabi ni Raven sa 'kin.

“I initiated the first two kiss. But the third one, ikaw ang kusang humalik sa 'kin. At mukha namang nag-enjoy ka base na rin sa paraan mo ng pagsibasib sa labi ko kanina. Tapos papikit-pikit ka pa nga, eh,” pang-aasar ko pa sa kanya.

Bumuga siya ng hangin bago muling nagsalita. “Hindi ka rin conceited, noh?”

“I’m just telling the truth. Sige nga, tumingin ka ng diretso sa mga mata ko at sabihin mong hindi ka nag-enjoy sa mga halik ko.”

And as it was an attempt to save her pride, her gaze found mine. Pero hindi rin niya natagalan ang pagtitig sa mga mata ko. “Fine! I did enjoy it. But…”

“But what?”

Pero sa halip na sumagot ay bigla na lang siyang humiga sa sahig habang naka-stretch ang dalawa niyang kamay na para bang ipapako siya sa krus.

Paluhod na lumapit ako sa kanya at saka bahagyang inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nakita kong ang pamumuo ng luha sa magkabila niyang mga mata. Pero mayamaya lang ay bigla naman siyang bumunghalit ng tawa. Praning yata 'tong isang 'to, eh.

“Magkakagusto ka ba sa isang baklang tulad ko?” mayamaya tanong niya nang sa wakas ay tumigil siya sa pagtawa. Natigilan ako sa tanong niya dahil mukhang seryoso siya sa pagkakataong iyon.

Huminga muna ko ng malalim bago humiga sa tabi niya. Ngayon ay alam kong pareho na kaming nakatingin sa kisame. May nakita akong dalawang butiki na parang naglalampungan habang pilit kong hinahanap sa kasuluk-sulukan ng utak at puso ko ang sagot sa tanong na iyon ni Raven.

“It would be a lie kapag sinabi kong hindi ako magkakagusto sa 'yo. You’re pretty and sexy kahit na sinasabi mong bakla ka. Saka hindi naman issue sa akin kahit na ano pa ang gender mo. I don’t see it as a problem, really.”

“You’re too good to be true, Ash,” she mumbled. “In fairness, bihira ang lalaking hindi homophobic,” dagdag pa niya bago kami tuluyang nilamon ng nakabibinging katahimikan. And tanging maririnig na lang ay mga buntong-hiningang hindi ako sigurado kung kanino nanggagaling—kung sa akin ba o sa kanya.

At habang magkatabi kaming nakatihaya sa sahig habang pinagmamasdan namin ang dalawang butiking 'yon na panay pa rin ang paghahabulan sa kisame, may mga bagay na nagsasalimbayan sa utak ko.

Katulad ng hindi ako naniniwalang bakla si Raven. At papatunayan kong tama ang hinala ko sa mga darating na araw.

At bago ako tuluyang hilain ng antok ay naramdaman kong tumagilid si Raven paharap sa akin. At ilang segundo lang ang nakalilipas ay nasa tapat na ng dibdib ko ang isa niyang kamay. Hindi ko alam kung pinapakiramdaman lang niya ang tibok ng puso ko o pasimple na niya akong tsina-tsansingan.

****

Your VOTES and COMMENTS will inspire me to update everyday, guys. Let me know about your thoughts regarding this story. Thank you. :)

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon