Chapter 10: Big Rabbit Head

123 9 9
                                    

GAME WORLD

Nakakatakot ang ate mo girl, may hawak na espada na parang isang saksak lang sayo patay kana kaagad.

"You're dumb"paguulit niya pa. Sumbong ko to kay Kuya eh, charing.

"Grabe ka naman"sabi ko at tumayo. Nagpagpag na lang ako at napatingin ulit sakanya.

"You can't ride a horse if your not in level four...but I can lend you some if you're going to give me the big rabbits head"sabi niya kaya napatingin ako sa malaking ulo ng kuneho.

Agad akong napaatras. Ano siya Reyna para ibigay ang pinaghirapan ko. Sabi ni Kuya Yuri wala namang mali kung tumanggi ka sa mga bagay na ayaw mong ibigay

"Maglalakad na lang ako"sabi ko sakanya at napanguso.

"I'll give you Hundred thousand golds"sabi niya kaya halos mag ningning ang poor ass ko.

"Bakit? Anong gagawin mo sa ulo ng rabbit?"I asked her, nagkainteres ako sa hundred thousand niya ha.

Ngumisi siya,"Rabbits fur exchange of a combat boots sa Bloody Market. I need those for the next battle if ever..."

"Ano bang boots na iyon?"I asked her na parang nag nenegotiatingkami.

"Pang fashion lang"sagot niya kaya agad akong napangiwi. Tinalikuran ko siya at naglakad na muli.

Hindi pa ako nakakaapak sa tulay ng biglang may sumulpot na Hell Hounds at biglang nag anyong tao.

Donovan
[Level: 11]

"Hi"bati niya kaya agad akong napaatras.

"Bumabati lang eh..."inilingan ko siya at agad na maglalakad na sana ng bigla niya akong hinarang.

"Would you gave the rabbit head?"tanong niya kaya nilahad ko sakanya ang maliit na ulo...."No, the big one"dagdag niya kaya agad akong tumakbo pero agad ding napatigil ng bigla nanamang may sumulpot.

Deianira
[Level: 7]

May hawak siyang fishing rod at bigla na lang ipinulupot sa leeg ko. Tangina, sino ba tong mga to.

"Give me the big rabbit head"utos niya kaya pinagtaasan ko siya ng gitnang daliri.

Maya maya pa, may nagpaikot na sa aking mga tao, thirteen silang lahat.

"Tignan niyo nga naman, mga uhaw sa boots"pagpaparinig ni Morana. Nakakatakot ang mga mukha nila pero ang aastig ng mga visuals nila pati mga damitan.

"Parang ikaw hindi ah"sagot nilang lahat.

"Bitawan mo ko punyeta"sabi ko pero lalo niyang pinahigpitan ang nasa leeg ko kaya kinuha ko na ang kutsilyo at hiniwa ang nakabalot sa leeg ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya pinagtaasan ko siya ng gitnang daliri.

Napatingin ako sa lalaking may hawak na parang binabalutan ng kuryenta na wire. He released it kaya agad akong tumalon pataas habang hawak hawak parin ang mga rabbit.

Nagulat na lang ako ng sabay sabay nila akong binato ng mga kutsilyo o ano mang kaekekan nila sa buhay kaya panay ang pagiwas at pagtalon ko.

Iilang segundo pa tumigil na rin sila kaya hapong hapo akong napaluhod habang hawak hawak parin ang basket. Bumawas ang HP ko dahil sa mga tama at gasgas ko dahil sa pinaggagawa nila.

"Ano bang problema niyo?!"inis kong tanong. Seryoso lang nila akong tinignan.

"Para sa boots"

"Ano bang boots iyon at parang mamamatay kayo?!"

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now