Chapter 70: Luctor et Emergo versus Onyx Steal

66 6 0
                                    

Sierra Atlas Finlay

It's been a day after our Second Game ended, kaya mamayang alas tres nang hapon eh Finals na, we are Againts Onyx Steal. Hindi ko akalain na makakarating kami rito, It feels so great. Dati rati halos luha nang pagkabigo ang palaging dumadausdos sa mga pisnge namin, ngayon luha nang kasiyahan dahil nananalo na kami and we have seen Euphrasia's face lift up everytime

Nakatingin kaming lahat sakanya na nakahalukipkip sa lamesa habang nagaantay nang umagahan. Nung Isang araw pa siyang nagpplano kung ano ang gagawin namin, halos alas tres na siya nakatulog dahil sa pag-oover think sa laban namin ngayon sa Onyx Steal.

Agad kong hinampas si Lachlan ng bigla niyang tinusok ang pisnge ni Euphi. Natatawa siyang napabaling sa akin.

"Hayaan mo nga yang pinsan mo."suway ko sakanya, ngumisi ngisi siya sa akin. Kahit kailan talaga nitong si Lachlan pinagtitripan pinsan niya tuwing natutulog kaya minsan gigising si Euphi nang may harina sa mukha eh.

"Mukha siyang siopao. Kung dati ko pa nalaman na pinsan ko to matagal ko na tong pinagtripan"sagot niya sa akin kaya agad ko siyang binatukan. Kwento niya kasi sa akin, unang pagkakita nila, sinungitan niya.

"Pinagplanuhan yata ni Euphrasia yung buong mangyayari since 1972"sabi ni Langston habang may kaharap na laptop. May inilapag nang pagkain si Yaya, gigisingib niya sana si Euphrasia nang umiling sina Kuya Link.

"Pagod, gigising rin yan kapag maamoy"

Payapa lang kaming kumakain ng biglang napatayo si Euphrasia habang nakapikit.

"One Strike!"bigla niyang sigaw. Napabulalas kaming lahat sa tawa at napapalakpak dahil DSO parin ang nasa utak niya habang tulog.

"Boogsh! Invisibility Spell. Charan"lalo pa kaming natawa nang umakto siyang may iniikot ikot sa kamay niya.

"North side.... 70 step for Magic eye"

"Jusko po. Kagabi pa siya 70 step ng 70 step"naiiling na tumatawa si Loki. Tumayo Kenji at Lenox habang tumatawa. Pumwesto sa likod si Lenox habang nasa harapan si Kenji.

Tinapik ni Kenji ang pisnge niya. Nakangiti kaming pinagmamasdan sila, si Euphrasia na tulog parin habang hawak hawak ang papel na pinagsulatan niya, sina Kenji tinatapik siya sa pisnge habang si Lenox nakaabang sa likod para saluhin ang Kapitan nating pagod.

Kasabay ng huling tapik ni Kenji ay siyang pagkabigla ni Euphrasia, agad siyang sinalo ni Lenox kaya hindi kami magkamayaw sa pagtawa dahil takang taka ang mukha niya. Tinignan niya ang hawak niyang papel, ang mga gago, panay ang tawa pero walang pakialam si Euphrasia. Pinaupo siya nina Lenox kaya nagsalubong ang kilay niya.

"Anong meron?"tanong niya, mukha siyang batang bagong gising, her cheeks are so puff, ang labi niya namumula habang ang tungki nang ilong niya nagiginh pinkish.

"Wala babe, tuloy mo na ginagawa mo"sagot ni Loki sakanya, hindi siya nagsalita at may sinulat nanaman kaya nagtago kami nang tawa. Dahil wala siyang balak na kumuha nang pagkain, su Eustace na ang naglagay non.

"Paano kapag hindi gumana yung Necromancy?"tanong niya habang salubong ang kilay. Inagaw ni Lachlan ang hawak niyang papel.

"Kumain ka"

Salubong nanaman ang kilay niya. Si Langston tumatawa na kinuhanan ng picture ang Ate.

"Yung papel, hindi pako tapos"

"Kumain ka muna. Marami pang oras"awat sakanya ni Kuya Lucian. Napangiwi siya at kumain ng tahimik.

"May iniimagine nanaman yan"sabi ni Langston, patukoy kay Euphrasia. Dahil hindi siya nagsalita, pinabayaan na muna namin dahil baka magalit ang baby namin. Nagusap na lang kami tungkol sa Socmed.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now