Chapter 96: District Survival: Overpowered Captain's

82 5 6
                                    

I went out with nervousness. Pagbaba ko sa sala walang tao, pagpunta ko sa kusina nagkukuyugan sila.

"Hoy, ke-aga aga, nagbabardugalan kayo jan." Sabi ko at uminat. Sabay sabay nila akong nilingon.

"Ito kasi!" Sabay sabay nilang turo sa Isa't isa kaya napangiwi ako.

"Anong meron?"

"Wala naman." Sagot ni Langston at humikab. Naupo lang ako sa tabi ni Danica, maya maya aalis na rin ako.

"Euphrasia ah, 'wag kang magpadalos dalos ron, kailangan mo munang pagisipan." Sabi ni Kuya Link at humikab. Si Lenox agad na may nilahad na pagkain kaya kinuha ko 'yon gamit ang bibig ko, binigyan rin ako ni Danica kaya mukha akong sisiw na yukod ng yukod para kunin yung binibigay nila.

"Yes Boss." Sagot ko, pinasahan naman ako ni Rie ng tubig. Bihis na kaming dalawa dahil alas dies kami aalis, ngayon alas nueve pa lang at kakagising pa lang ng lahat.

"Hoy, pumunta kayo ah, huling laro na 'to." Sabi ko sakanila.

"Malamang, baka umiyak ka nanaman sa tawag. Mukha ka talagang gaga sis." Itong si Loki, nakakakilig na talaga, sinusubuan niya si Eustace na nagbabasa, mapapa-Sana all ka na lang.

"Gago, nakaka-kaba kaya."

"Ngayon ka kabahan, bardugalan na 'to nang malupitan, siguradong durog ka ron." Pananakot ni Kuya Lachlan at ngumisi kaya inirapan ko siya. Wala talaga siyang ambag maliban sa pananakot sa'kin.

"Kagabi ka pa, kapag manalo 'yang si Euphrasia kakaltukan kitang gago ka." Sabi sakanya ni Sierra pero umirap lang siya kaya nakatanggap na siya nang kaltok na siyang ikinatawa ko.

Maya pa, may tumawag sa'kin. Si Gemini.

"Oh gago? Aano ka?"

"[Baby 9:30 call time! Nasan ka na?]" Si Aexl pala to.

"Ha? Gago akala ko alas dies!"

"[Ay tanga, naubos load ko kakatext sa'yo n alas nueve trenta. Bilis na asus!]"

"Oo na, teka naman." Pinatay ko ang tawag. Curious nila akong tinignan.

Napakamot ako sa ulo."Call time 9;30 raw, late nanaman ako." Ngumuso ako.

"Jusko naman Euphrasia." Napailing iling ang mga Kuya kaya napasimangot ako. Ang mga babae nanaman sabay sabay na lang na napakamot sa ulo.

"Rie, hindi mo ba chineck schedule niya?" Tanong ni Brazil kay Rie na umiinom ng kape.

"Sabi ko kagabi, check ko phone niya kung ano yung text ang sabi alas dies raw, alas dies ng alas dies kahit hindi tinitignan kung ganun kaya pinabayaan ko na lang kasi pagod rin naman 'yan." Bait talaga nang manager namin, pinagtanggol ako sabay sumbong.

"Huwag mo nang uulitin 'yon, pangit 'yan. Hindi kayo VIP ron." Sabi ni Yaya Tabi.

I pouted."Okay po."

"Ano pang inaantay mo? Umalis ka. Jusko." Naiiling na sabi ni Kuya Lucian matapos makitang nakatingin ako sa kape.

"Ito na, aalis na." Tumayo na ako at isinukbit ang bag ko, I wear a face mask and a cap...."Hoy! Ala una ah!"

"Yes Captain." They all answered. Napatawa ako sabay takbo sa labas. Sumunod naman si Rie na ipagddrive ako, babalik kasi siya ulit sa bahay.

Rie dropped me off kaya tumakbo na ako sa loob habang hawak hawak ang mga gamit ko, sunod sunod naman na tumunog ang cellphone ko, malamang si Aexl 'yon.

There's a guard na hinatid ako kaya nagpasalamat muna ako bago buksan ang pintuan. As soon as I entered I saw them, kaniya kaniyang pwesto habang mga bored na nagaantay.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now