Chapter 102: Live

87 8 16
                                    

Author's Note: Sorry for the late update. I wasn't sure if I should continue to write this story, DSO's ink is almost over but there's someone who gives me an inspiration to fill it again with ink.

Enjoy!

+++++

Previously...

Nasa kwarto kaming dalawa ngayon ni Kenji habang may kaharap na laptop at iPad. Both of us are finding a player on DSO PH Server to recruit sa Luctor et Emergo.

You know, we just can't stick na fourteen lang kami, it will be hassle. We need to add up our players.

Kenji is my co-captain kaya halos sa lahat ng bagay both of us are sharing our ideas para mapabuti ang grupo. We're also taking advices from those former captains.

Honestly, hanggang ngayon, takang taka parin ako kung bakit ako ang Captain, kung bakit sinasabi nila parati na nakakatakot akong kalaban at kung bakit they're always saying na dehado sila kapag ako ang kaharap.

"Lalim ng isip mo, pwede nang masisid 'yan." Tumawa si Kenji.

"Tangek, iniisip ko lang--"

"Kung bakit ka naging Captain?"

Ngumiwi ako kaya napatawa siya.

"Di ko nga rin alam bat ka pinili eh. Eh nung nasa startrek tayo para kang tangang cast ng cast ng necromancy tas ikaw rin yung namamatay." Pangaasar niya pa kaya hinampas ko siya sa balikat.

"Tangina mo, wala ka talagang maayos na sagot."

"Mukha ko maayos, pogi e." Pagmamayabang niya pa kaya napairap ako.

I miss Aexl pero hindi rin naman kami makalabas dahil both of us are busy sa mga grupo namin.

We only have a month before Season 7 tournaments that includes Hideous Night and District Survival. Everyone is anticipated and already preparing about it.

"How can we know kung nasa Pro team ang mga 'to?" Pagtuturo ko sa mga pangalan na pinagsco-scroll namin.

Si Aexl na ang Top 1 sa PH ranking na sinundan ni Kuya Arthur (Chaos), na sinundan ni Asher (Dao) tapos ako.

"Alam mo antagal mo nang naglalaro ambobo mo parin." Aniya kaya binatukan ko siya.

"Aba malay ko ba, tanga ka rin eh."

"Ayan oh, tignan mo pangalan ni Aexl tsaka sayo."

Tinignan ko nga rin ang nakalagay. Nagtataka ko siyang tinignan. Tumingin naman pabalik sa akin si Kenji at sumimangot.

"Cap, tangina mo."

Napatawa ako at tinampal siya sa noo.

"Ayan oh, tignan mo. Pag nasa Pro-team ka, may nakalagay na team name sa baba ng pangalan mo. Pag hindi naman, wala lang, walang nakalagay."

"Ah..." Napatango tango ako.

Nag scroll scroll kaming dalawa ni Kenji. Tutok na tutok kami sa screen at hindi pinapansin ang mga pumapasok sa kwarto.

Nasa Master's bedroom kasi kami. Nasa may carpet kami ni Kenji tas sinamahan kami ni Lucius at Langston na tinulugan naman kami. Ayon sila sa kama, nakatihaya.

Kenji keep scrolling when my eyes caught a username. Mabilis kong tinapik tapik ang kamay ni Kenji.

"Tigil! Tigil!"

"Aray puta, bakit?"

"I-scroll mo pabalik!" I urged him.

Sinunod niya naman ako. Tinapik ko ang kamay niya ng makita na ang pangalan ng kumuha sa atensyon ko.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now