Chapter 59: New House

70 6 0
                                    

Napatingin ako kina Langston at Loki na kaharap lang namin ni Aexl. Kumakain kami nang mga binili nilang MCDO tapos si Loki may dala ring cake.

Nakatingin silang dalawa sa magkahawak na kamay namin ni Aexl. Ang pitong Captain naman naguusap rin about sa Season 1.

"Pucha, pagmagsanib pwersa pala kayong lahat taob na kami"sabi ni Aexl. Natatawa naman silang napatango.

"Oo, tangina nila. Tutumbahin ko sila nang malupit"pagmamayabang ni Kenji.

"Ikaw nga tumba dahil sa pananakot sayo"banat ni Lucian, napatawa si Lachlan na akala mo hindi rin kinabahan.

"Hiyang hiya ako sayong ginawang sangga si Euphrasia"hanggang sa nagsisihan na nga rin sila.

Paglingon ko sa mga babae at kina Langston at Loki mga kapwa nakatingin na rin sa kamay naming magkahawak. Mga may pilyong ngiti na akala mo ngayon lang nakakita nang magkahawakan na kamay.

Binitawan ko si Aexl agad niya akong nilingon habang salubong ang kilay. Pagtingin ko sakanila, they all pressed their lips like they're about to scream or something, mga maiisue.

"Kamay"lahad ni Aexl. Napabaling narin sa amin ang anim na Kapitan na akala mo hindi tsismoso, kunwari pang naguusap pero pasulyap sulyap naman sa amin.

"Ayoko"sagot ko sakanya, sinamaan niya ako nang tingin at kinuha ang kamay ko. Hinampas niya pa iyon ng bahagya dahil ikinuyom ko.

Biglang umubo si Langston na akala mo lalabasan na siya nang mga organs niya. Sina Danica at Sierra mukhang mga tangang nagkatinginan. Sina Maddison, Brazil at Eustace napangisi. Sina Loki at Langston, umuubo na akala mo lalabas na ang lungs nila. Yung mga Kapitan nagtatago nang mga ngisi.

"Baka Aexl yan"sabi ni Langston kaya agad kong ibinato sakanya ang plastic na kutsara. Tumawa siya sabay taas baba nang kilay habang nakatingin sa kamay namin. Sinundan nila iyon ng tawa kaya napangiwi na lang ako.

Napatingin ako kay Aexl na nakataas ang sulok ng labi. Agad ko siyang siniko kaya kunwari siyang nagseryoso at nilingon ako. Sarkastiko naman akong napangiwi kaya napailing iling siya.

"Hai buhay! Parang come on, may mamon"sabi ni Link at kunwaring humiyod pero alam na namin ang gagawin niya. Aakbay siya kay Maddison.

Buong lakas siyang siniko ni Maddison kaya napaubo siya na siyang ikinatawa naming lahat.

"Hai buhay, parang si Link, matatanggalan ko na nang buhay"

Nagusap sila tungkol sa DSO hanggang sa nagsalita si Kenji na kanina lang ay tahimik na kumakain.

"Saan pala tayo titira? Pinalayas tayong lahat eh maliban lang sa dalawang mapapa-sana all ka na lang"pagtuturo niya kina Loki at Langston na tahimik lang rin na kumakain. Ganito sila, kung may pagkain tahimik pero kung wala daig pa ang Isang announcer sa radyo.

Napakibit balikat ang lahat.

"Tara magpukpok tayo nang kubo"suggest ni Langston. Ayan na magsasagupaan nanaman sila ni Eustace.

"Eh kung pukpukin mo yang ulo mo nang martilyo sakaling umalog ang utak mo at tumalino ka"sagot ni Eustace. Agad na nagpigil ang lahat sa tawa.

Dumila si Langston,"Eh kung pumasok ka sa aking heart para makagawa tayo nang kubo"

"Eh kung iuntog kita sa wall mabubuhay ka pa kaya?"

"Gago, malamang hindi. Sino ngayon ang bobo satin?"ganti ni Langston.

"Mas bobo ka pala eh. Aalog lang naman ulo mo kasi wala kang utak, hindi ka mamatay"Eustace told him. Tama nga naman.

"Edi don't"Langston exclaimed with pursing lips.

District Survival OnlineWhere stories live. Discover now